Alam nilang lahat na isa si Shadow sa pinaka-aroganteng agent na nakilala nila sa buong association. Lahat, ginagawa nito para lang umangat at manatili sa tuktok, at wala siyang pakialam sa ibang tao. Isa sa pinaka-classy magtrabaho, pinakamalinis, pinakatahimik, pinakamagaling, pero pinakamayabang at pinakawalang amor sa lahat. Dahil gaya nga ng sinasabi sa kanya noon ng Mama niya, walang lugar ang mundo para sa mahihina. At kung magiging mahina siya, lalamunin siya nang buhay ng mundo. Kailangan niyang manatili sa tuktok dahil ang nirerespeto lang ng mundo ay ang mga nasa itaas at walang matalinong tao ang tumitingala sa ibaba.
Minsan na siyang napunta sa itaas, at ngayon, mas lalo pa niyang itinaas ang sarili niya na ultimo kahit ang mga taong ayaw sa kanya ay wala nang pagpipilian kundi irespeto siya dahil siya na ang may hawak ng pinakamataas na posisyon sa lahat. Wala na siyang aabutin dahil nakamit na niya ang matagal na niyang inaasam noon pa man.
Pero nagbago ang lahat noon pang nakaraang pitong taon. Wala na ang Shadow na kilala nila. At kahit pa bumalik na siya, wala na rin siyang balak maging ganoon gaya ng kung sino siya noon.
At hayun siya ngayon, handa nang isuko ang lahat para lang sa normal na buhay. At hindi niya magagawa iyon kung alam niyang ang asawa niya ay hawak ng taong noon pa man niya itinuturing na mortal na kalaban.
"Ang tahimik n'yo kumain, 'no?" bati ni Aspasia sa kanila.
Nakatitig lang kasi sina Brielle kay Josef sa pagkain nito na parang kumakain sila sa isang fine-dine restaurant. Napakapino maging ng paghiwa nito sa karne, at kahit sa pagsubo. Kahit ang pag-upo nito nang diretso at paghawak sa kubyertos, parang ikahihiya ng kahit sinong walang class ang sabayan siya sa pagkain. Ang bagal ng subo nila habang si Aspasia lang ang kain-militar sa kanila na patapos na sa unang plato nito.
Ilang saglit pa, nakatapos na si Josef sa pagkain at nagpunas ng bibig gamit ang asul na table napkin saka iyon inayos sa mesa. Kahit ang pagsalansan sa kubyertos nito, may ibig sabihin pa na tapos na itong kumain at hindi na magsasandok pa.
Pag-angat niya ng tingin sa kanila, kanya-kanya silang iwas ng tingin maliban kay Brielle na kung tingnan siya ay parang nanonood ito ng kakaibang palabas na noon lang niya napanood sa tanang buhay niya.
"Aware ka namang parang patay-gutom kumain si Erajin, di ba?" sabi pa ni Brielle sabay subo rin ng pagkain niya sa marahang paraan.
"Yes, she could eat a food for five huge man in one seating. Why?"
Dahan-dahang napatango si Brielle na parang naiintindihan na niya ang kung anong bagay. "Hindi ka ba natu-turn off sa kanya o kaya nawawalan ng gana kapag kasabay mo siyang kumain? Sa kilos mo, halatang pinalaki ka sa yaman e."
"The way she eats was enough to stopped me from eating," seryosong sinabi ni Josef. "But that didn't turn me off. I enjoyed watching her as much as she enjoyed eating everything I cooked for her. Alam naman niyang makita ko lang siyang kumakain nang magana, busog na 'ko."
Nakitaan ng gulat sa mga mata ni Brielle at hindi niya napigilan ang pagngiti na agad din naman niyang binawi sa pamamagitan ng pagkagat sa kutsara niya.
"Wala sa itsura mo maging sweet. Bakit no'ng nasa Citadel tayo, di ka naman nagluluto?" tanong ni Aspasia at sumubo na naman ng panibagong sandok niyang pagkain.
"Hindi ako papayagang magluto ng mga Guardian," paliwanag ni Josef. "And just so you know, ayaw kumain ni Armida sa dining area ng Citadel dahil sa mga Guardian na nanonood, kaya nagtatakas siya ng pagkain papunta sa kuwarto at doon kumakain mag-isa."
"Aaah . . . kaya pala takang-taka ka kung paano ako nakakakain doon sa mahabang mesa," sabi ni Aspasia habang tumatango.
Nanatiling tikom ang bibig ng mga lalaki. Maliban sa naiilang silang magtanong, alam nilang Fuhrer ang tatanungin nila. At lahat ng lalabas sa bibig nila ay magagamit laban sa kanila. Ang kaso nga lang, ito lang talagang si Brielle ang napakaingay.
BINABASA MO ANG
The Superiors: Fallen (Book 6)
ActionWill the heart remembers what the mind forgets. Magbabalik ang nakaraan at makakalimutan ang kasalukuyan. Pagbabayaran ng kasalukuyan ang pagkakamali ng nakaraan. May mawawala, may magbabalik. At ang pinakamalaking pagbabago ay magsisimula nang maga...