"Whooh! Whooh! AAAAHH!"
Dinig na dinig sa maliit na delivery room na iyon ang malakas na sigaw ni Armida.
Pinalilibutan siya ng isang doktor kasama si Rayson at dalawang nurse at kumadronang naka-assist sa panganganak niya. Nasa gilid ng hospital bed si Razele na parang pusang hindi maihi dahil nakailang beses nang nagpabalik-balik sa puwesto niya habang kagat ang labi at himas-himas ang noo. Hindi naman mainit doon pero pinagpapawisan siya.
"Sir, doon na lang po kayo sa gilid," pakiusap sa kanya ng isang nurse na kanina pa nakikipagpatintero sa kanya.
"Sige, ire lang!" utos ng midwife kay Armida.
"AAAAAHH! AYOKO NA!" Napakapit si Armida sa kutson ng kamang hinihigaan. Butil-butil ang pawis sa noo niya at pulang-pula na ang mukha dahil sa hirap.
Dalawang oras na siyang nagle-labor at dalawang oras na rin siyang nahihirapan.
"Sir, mas mabuting tulungan po natin si misis," sabi kay Razele ng isa sa mga nag-aasikaso kay Armida. Itinuro ng tingin nito ang kamay ni Armida para hawakan niya.
"Ha?" tanong pa niya habang palipat-lipat ang tingin niya sa doktor at sa kamay ni Armida.
Ang kamay ng isa sa pinakadelikadong tao sa mundo. Ang kamay na kayang pumatay nang iyon lang.
"Sige na, sir . . ." pakiusap sa kanya ng midwife.
"E hindi ko naman asa—" Pinandilatan siya bigla ni Armida kaya nanlaki lang din ang mga mata niya. "Sa-sabi ko nga, hahawakan ko."
Para na siyang maiiyak nang ialok ang kamay niya. Nakapikit lang siya at nakaiwas ang mukha para hindi makita kung ano ang puwedeng mangyari.
"AAAAAHH!"
"AAAAHHH!"
Biglang tumili si Armida kaya napatili na lang din si Razele gawa ng gulat nang maramdaman niyang nahawakan na nito ang kamay niya.
"AAAAHHH!"
"AAAAHHH!"
Walang katapusan ang sigawan nilang dalawa roon hanggang sa mapatitig na lang kay Razele ang mga nag-aasikaso kay Armida dahil talo pa niya ang pasyenteng nanganganak kung makasigaw.
"AAAAAHHH!"
"Uwaaaah! Uwaaaahh!"
"AAAAHHHH!"
Hindi maipaliwanag ang mukha ng mga nag-aasikaso kay Armida habang nakatingin kay Razele na sigaw pa rin nang sigaw habang nakapikit.
"Sir."
"AAAAHHH!"
"Sir, nakalabas na yung baby."
"AAAH—ha?" Napadilat siya at nakita ang mukha ng mga doktor na ang sama ng tingin sa kanya habang karga-karga nito ang isang duguang sanggol na umiiyak. "Wow, okay na pala." Pagtingin niya sa kamay niya, hindi na pala iyon hawak ni Armida. Napangisi tuloy siya at bahagyang nakaramdam ng pagkapahiya. "First time, pasensya na hehe," paliwanag niya sa mga doktor. "Binalikan niya si Armida. "Jin, nakalabas na pala yung anak . . . Jin?"
Tahimik na si Armida sa mga sandaling iyon. Pinadaan pa niya ang kamay niya sa harapan ng mata nito para malaman kung nakakakita pa ba ito dahil para itong nawalan ng malay habang dilat.
Nagkatinginan naman ang mga midwife at tiningnan ang mukha ni Armida. Biglang nagbago ang timplada ng mukha ni Razele dahil hindi magandang senyales ang pananahimik nito. Kaya pala siya nito nabitiwan.
"Erajin?" Nag-aalalang tiningnan ni Razele ang mukha ni Armida. "Oh shoot . . ."
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang paulit-ulit ngunit paunti-unting pagbabago ng kulay ng mga mata nito. "Jin. Jin, wake up. Erajin!" Hinawakan niya agad ang balikat nito at iniyugyog para magising.
![](https://img.wattpad.com/cover/22542395-288-k24452.jpg)
BINABASA MO ANG
The Superiors: Fallen (Book 6)
AksiWill the heart remembers what the mind forgets. Magbabalik ang nakaraan at makakalimutan ang kasalukuyan. Pagbabayaran ng kasalukuyan ang pagkakamali ng nakaraan. May mawawala, may magbabalik. At ang pinakamalaking pagbabago ay magsisimula nang maga...