A/N:
Ayun, onting pakeme muna hahaha! Salamat po sa mga nag-aabang ng update, and yes para na itong bagong story. Again, gaya po ng sabi ko sa book 5, available sa free softcopy ang book 6 na mado-download sa The New-ly Weird group page. Huwag pong magalit na masyado nang malayo ang storyline sa original (tho wala nang nag-complain pag-abot dito hahaha) Isipin na lang natin na we can enjoy both worlds. You can read the original, you can read the revised. Either way, hindi na kayo lugi kasi para lang siyang alternate universe ng mag-asawa.At kung sa original, nakaka-bad trip ang katangahan ni Josef at kasumpa-sumpa si Crimson, try ko lang pagaanin ang lahat ngayon tapos gawin ko namang kontrabida si Erajin hahahaha char. De, kailangan natin 'to for character development hahaha
Sabay-sabay ulit tayong ma-bad trip nang beri beri layt kay Daniel hahaha......
Limang oras ang biyahe mula sa St. Francis hanggang sa Casa Amarrillo. Naging tahimik lang ang biyahe para kina Erajin at Daniel. Wala namang kaso iyon sa lalaki dahil hindi naman talaga pasalita si Erajin.
May malaking steel gate na pinaka-entrance ng casa. Pagpasok ay isang kilometrong talahiban, at ang susunod na kilometro ay puro na warehouse. Ang sumunod na kilometro naman ay may mangilan-ngilang bahay kung saan nakatira ang mga tauhan ni Crimson at ang huling kilometro ay ang lugar kung saan nakatirik ng main house.
Alas-onse ng gabi nang makarating sila sa main house. Iyon ang pinakamalaking bahay sa gitna ng isang malawak at madamong paligid. Para ngang iyon lang ang pinakamaganda at pinakapayapang parte ng buong lugar.
Tahimik lang si Erajin nang magtuloy-tuloy sa loob ng bahay na parang pamilyar na pamilyar siya roon.
Bukas ang pinto, pagkatulak niya, mabilis siyang naupo sa receiving area sa kanang parte at ibinagsak ang sarili sa isang mahaba at pabilog na peach-colored couch. Isinandal niya ang batok sa sandalan at tiningnan ang kisame.
"Are you hungry?" tanong ni Daniel pero pansin ang lamig sa tinig niya.
"I am," malamig ding tugon ni Erajin.
"I'll prepare for our dinner."
Walang tugon kay Erajin. Ipinikit lang niya ang mga mata at malalim na nag-isip.
Hindi mawala sa isipan niya ang huling imaheng nakita niya bago siya kunin ni Daniel.
Ang mga Guardian, si Shadow, sina Razele kasama si Ranger at si Pyro. Hindi niya maintindihan kung bakit siya isusuko ng mga ito sa mga Guardian.
Kahit anong isip niya, hindi niya mapagtagpi-tagpi ang mga nangyayari.
Pagdilat niya ng mga mata tumayo na siya at pinagmasdan ng matalim niyang tingin ang buong paligid.
Agad na naningkit ang mga mata niya dahil noon lang niya napuna ang ayos ng receiving area. Parang mga butil ng diyamante na ang disenyo ng chandelier samantalang ang alam niya ay spiral beads ang design niyon. Kahit ang upuan ay peach na ang kulay imbis na apple green. Nadagdagan din ng halaman sa loob at iba na rin ang mahahabang kurtina na kulay peach at cream na rin.
"Kailan pa siya nagbago ng interior?" mahina niyang sinabi habang nililibot ng tingin ang paligid.
Dumiretso siya sa spiral staircase at umakyat doon. Walang ipinagbago ang second floor. Nangingintab pa rin ang sahig ng hallway na gawa sa magandang uri ng kahoy. Nilakad niya ang patungo sa unang kuwarto sa kanan. Sinubukan niyang buksan ang kuwarto niya-ang kuwartong inilaan sa kanya ni Crimson kapag doon siya nananatili para sa trabaho.
Naka-lock na iyon kaya hindi niya agad nabuksan. "Kailan pa niya naisipang i-lock 'to?"
Napailing na lang siya kahit nagtataka. Dumiretso na lang siya sa mismong kuwarto ni Daniel sa tapat mismo ng kuwarto niya. Hindi iyon naka-lock kaya nagtuloy-tuloy siya sa loob.
BINABASA MO ANG
The Superiors: Fallen (Book 6)
ActionWill the heart remembers what the mind forgets. Magbabalik ang nakaraan at makakalimutan ang kasalukuyan. Pagbabayaran ng kasalukuyan ang pagkakamali ng nakaraan. May mawawala, may magbabalik. At ang pinakamalaking pagbabago ay magsisimula nang maga...