21: Revelation

6.9K 257 16
                                    

Bilang mga agent, hindi pa nila naranasan mula pa noon ang makausap ang Fuhrer nang personal—maliban sa wala silang dahilan para makausap ito, wala ring dahilan para gustuhin nilang makausap ito.

Kaya nga hindi nila maiwasang kabahan dahil sa itinagal-tagal nila sa trabaho, bigla na lang silang ipatatawag para sa isang biglaang meeting ng Fuhrer.

Inokupa ng mga Guardian ang penthouse ng Grand Wyatt ayon na rin sa utos ng Fuhrer. Pumayag naman din ang President ng Hamza dahil ito ang may-ari ng penthouse kung nasaan sila.

"Hindi ko alam kung matatakot ako o maiinis," bulong ni Brielle.

"Hon, bibig mo," paalala sa kanya ng asawang si Markus.

Pinaupo kasi sila ng mga Guardian sa isang mahabang couch. Nasa kaliwang dulo si Markus, katabi niya ang asawa niyang si Brielle, at sa tabi nito ay si Mephist, at sa kabilang dulo si Razele.

Pinalilibutan sila ng mga bantay sa malalayong panig ng buong penthouse.

"You know this is not just a random meeting," panimula ni Josef habang naglalakad papalapit sa kanila mula sa pinanggalingan nitong kung saang bahagi ng penthouse.

Kinalabit na nila si Razele para ito na ang kumausap tutal ito naman ang may mataas na posisyon sa kanila.

"Sa totoo lang, hindi namin alam kung bakit kami dinala rito," panimula ni Razele. "Kaya hindi—wow."

Pare-parehas silang hindi nakapagsalita nang pag-upo ng Fuhrer sa separate single-seater sa harapan nila ay siya namang pagsulpot ng babaeng kamukhang-kamukha ni Armida Zordick.

"Jin!" malakas na pagtawag ni Markus.

"She's not her!" malakas na bulong ni Brielle at siniko ang asawa niya sa sikmura.

"Aw! Tss!" Napangiwi tuloy sa sakit si Markus habang hawak ang tiyan. "Bakit ka ba nananakit?"

Naupo sa likuran ng Fuhrer si Xerez at naupo naman sa kanang single-seater ang babaeng kasama nito.

Pare-parehas lang silang nakatitig sa babaeng nasa kabilang upuan. Nakasuot lang ito ng simpleng puting button-down at cream-colored slacks. May light makeup ito at pulang lipstick lang ang nagpapaangat sa kulay ng mukha.

"Kamukha niya talaga si Erajin," bulong ni Markus sa asawa.

"I know, hon," sagot naman ni Brielle. "At kung nakita mo si Jin last day, ang layo ng ayos nila. She cut her hair in pixie and dyed it blonde."

"She what?!" malakas na bulong ni Markus dahil sa gulat. "Nababaliw na ba siya?"

"'Yan talaga yung tanong mo, hmm?" sarcastic na tugon ni Brielle.

"Psst!" pag-awat sa kanila ni Mephist dahil nakatitig na sa kanila ang Fuhrer.

"Ehem." Napaayos tuloy silang lahat ng upo.

"Gusto ko kayong makausap lahat dahil may gusto akong malaman," seryosong sinabi ng Fuhrer. Sinulyapan niya ang babae sa kabilang upuan. "Tell me the truth . . . sino ka bang talaga?"

"Milord—"

"Xerez, magsasalita ka lang kapag sinabi ko," putol niya sa Centurion kaya napayuko na lang ito at napaayos ng tayo sa likuran.

Pabigat nang pabigat ang pakiramdam nila. Lalo na ng apat sa couch.

Maliban kasi sa nakipagbarilan lang naman sila sa simbahan kung nasaan ang Fuhrer, malamang na puwede silang patawan ng castigation dahil sangkot sila sa tangkang pagpatay rito. Hindi man nila sinasadya o wala sa intensiyon nila dahil tumatakas lang naman sila, nakasaad pa rin sa Credo na kapag nakita na ang mga Guardian ng Fuhrer sa area at itinuloy pa rin nila ang pagsugod, ground na iyon para sa parusa nila. Wala rin namang pakialam ang Credo kung mamamatay sila dahil doon. Ang importante ay panatilihing ligtas ang Fuhrer sa anumang paraan.

The Superiors: Fallen (Book 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon