Kyot nung may mga naiwan pala akong remembrance photo ng mga portrayer ko dati sa media hahaha
____
"Dan!"
Napahilamos ng mukha si Erajin habang puno ng pag-aalala ang mukha nang pigilan si Daniel sa paglapit kina Josef.
Humarang na rin si Aspasia na handa na ring dumepensa kapag inatake sila.
"Erajin . . . umalis ka sa daraanan ko," mariing utos ni Daniel.
Umiling ang babae. "Hindi kailangang umabot sa ganito . . . kailangan natin siya!" Hinawakan pa niya ang pulsuhan ng lalaki para pigilan ang kamay nitong akmang babato ng bagong hugot nitong army knife.
"Walang may kailangan sa kanya!" ganti ni Daniel at dinuro si Josef. "He took everything away from you! And from me . . ."
"No . . . don't," tanging nasabi ni Erajin habang nakatingin sa nagngangalit na mga mata ni Daniel na puno ng pagnanasang pumaslang.
"Ang taong 'yan ang may kasalanan kung bakit nawala ako sa trono! At ngayon, pipigilan mo 'ko? Bakit, ha? BAKIT?!" Bigla niyang sinakal si Erajin na halos magpapikit dito dahil sa gulat.
"Armida—agh!" Napakibot tuloy si Josef nang manakit ang dibdib gawa ng pagsigaw.
"D-Daniel . . ." Hindi na halos makapagsalita si Erajin dahil sa higpit ng pagkakahawak sa leeg niya.
"Alam mo ba ang kasunduan namin?" pagmamalaki ni Daniel kay Josef. "Papatayin ka niya pagkatapos ng kasal n'yo. At babalik ako sa Citadel para bawiin ang posisyon ko kasama siya."
"Daniel . . . t-tama na . . ." Napapikit na lang si Erajin at nahirapang hanapan ng katwiran ang sinabing iyon ng lalaki.
"Lahat ng ito . . . lahat ng ito, planado na 'to mula pa noon!" sigaw ni Daniel at binitiwan na sa pagkakasakal si Erajin pero sinabunutan niya ito sa likurang bahagi ng buhok nito at ipinaharap kay Josef. "Hindi ito ang asawa mo . . . Richard Zach. Dahil walang iyo . . ." Umiling siya at mapait na natatawa. "Ako ang nakatakdang ipakasal sa ikalimang Armida Zordick, hindi ikaw. Ako ang nandoon at kasama niya mula pa noon, hindi ikaw. Ako ang Guardian niya, mula noon hindi ikaw. At ako lang ang kayang magligtas sa kanya sa galit ng Citadel, hindi ikaw! Naiintindihan mo!" Itinulak niya sa maputik na kalsada si Erajin at mabilis na nilukso ang direksiyon nina Josef.
"Daniel!" sigaw ni Erajin.
Sinalubong ni Aspasia ang paparating na pagsugod ng lalaki. Ipinaikot niya ang kamay sa braso nito at malakas nitong inuntog sa mukha si Daniel. Nabitiwan tuloy nito ang kutsilyo at bumagsak iyon sa damuhan.
Napaatras ang lalaki pero mabilis na nakabawi at pumaling palikod saka siniko si Aspasia sa mukha.
Ngunit masyadong mabilis ang babae dahil yumuko ito at sinuntok sa panga si Daniel at saka niya inangat ang sarili hanggang maipalibot niya ang mga binti sa leeg nito. Buong puwersa niya itong ibinagsak sa lupa at sinubukang suntukin ito sa mukha pero nakailag agad ito at gumulong pagilid.
Parehong hiningal ang dalawa at napahawi ng mukha dahil sa ulan na umaagos doon.
"Huh," napangisi si Daniel at lalong tumalim ang tingin niya kay Aspasia. Mabilis siyang tumayo at humugot nang baril. Ngunit bago pa man niya makalabit ang gatilyo at isang lumilipad nang army knife ang bumaon sa dibdib niya mula sa direksiyon ni Josef.
"DANIEEEL!" Mabilis na tinakbo ni Erajin ang lalaki at sinubukang yakapin ito para protektahan sa kanilang lahat.
Napalunok na lang si Daniel nang tingnan ang dibdib niyang may natarak nang kutsilyo.
![](https://img.wattpad.com/cover/22542395-288-k24452.jpg)
BINABASA MO ANG
The Superiors: Fallen (Book 6)
AksiyonWill the heart remembers what the mind forgets. Magbabalik ang nakaraan at makakalimutan ang kasalukuyan. Pagbabayaran ng kasalukuyan ang pagkakamali ng nakaraan. May mawawala, may magbabalik. At ang pinakamalaking pagbabago ay magsisimula nang maga...