10: One-Night Stand

6.5K 241 17
                                    

At kahit na gustong numakaw ng pahinga ni Josef ay hindi niya nagawa dahil pagtapak na pagtapak pa lang niya sa loob ng unit niya ay hinatiran na agad siya ni Xerez ng mga memorandum para mabasa. Ang sabi naman nito, kahit hindi muna basahin at magpahinga muna. Pero kung iipunin lang niya iyon at ipagpapaliban, mas lalong tatambak lang ang trabaho niyang tambak-tambak na nga.

Pitong memo lang iyon. Bagong lapag lang galing sa Hamza at sa HQ na pinakamalapit na association branches sa area.

Pirmado ang isa ni Leonard Thompson. Ang nakalagay ay abiso para sa nakatakdang pagdalaw ng Fuhrer sa Hamza sa makalawa.

Ang isa ay tungkol sa inilapag na truce na mula sa Order of the Superiors, abiso na on-hold ang operation ng MA: HQ. At ang lahat ng transactions, missions, agent-to-agent agreement na galing doon ay pansamantala munang ipatitigil until further notice.

Ang isa ay tungkol sa nakatakdang pagbiyahe ni Leonard Thompson patungong Citadel para sa isang summon na pirmado ni Cas. Noong nakaraang buwan pa iyon pero epektibo lang ang pagpapadala ng memo sa araw ng pagkamatay ni Joseph Zach.

Ang isa ay tungkol sa pansamantalang pagsasara ng HQ na epetibo lang eksakto ng araw na paglapag niya sa bansang iyon. Ang dahilan ay pagiging MIA at AWOL ng OIC ng Main Sector na si Yleazar Vargas, Code: Razele, at kawalan ng executives. Nakalagay rin doon na ang huling acting president na ipinalit ay pinatay rin ni RYJO habang nagaganap ang live termination at wala pang nahahanap na kapalit. Pirmado iyon ng isa sa executive ng MA: Central branch na nakapangalan kay Daniel Findel.

"Crimson . . ."

Bigla tuloy siyang napaisip kung paano na niya pupuntahan ang HQ at sino ang kakausapin kung sarado na ito sa mga oras na iyon? Kailangan pa naman niyang habulin ang 30-day period na palugit dito bago pa man tuluyang ipasara ang HQ.

Inabot na siya ng dapit-hapon kababasa ng mga memo. Sa bawat memo kasi, may mga nakadikit pang mga report kung paano at saan napulot ang paglalapag ng memo para lang maintindihan niya ang dahilan ng pagpirma ng mga executive roon.

Wala siyang butler, at wala rin naman siyang balak tangayin si Seamus doon. Sina Xerez ay nasa ibabang floor at doon nananatili.

May sariling protocol ang Grand Wyatt na hindi maaaring salingin ng mga Guardian dahil labag sa Criminel Credo ang pagtaliwas sa independent policy ng condominium. Hindi tuloy makapagbantay sa floor na iyon ang mga Guardian dahil okupado na ng mga kilalang tao ang mga unit sa buong floor kung nasaan ang Fuhrer. Lalo pa't unit na ni Shadow ang 1209 noon pang kinse anyos pa lang ito.

Alas-siete pasado nang dalhan siya ng hapunan ng room service. Abala pa rin siya sa pagbabasa habang nakatanaw sa over-looking skyview ng unit niya. Naroon siya sa tapat ng floor-to-ceiling doorway ng balcony, prenteng nakaupo sa gray couch, at binabasa ang isang incident report na related tungkol sa pagbababa ng on-hold memorandum ng HQ na pirmado ng Superior na si Armida Evari Zordick. Malaki ang inilugi ng HQ dahil sa nangyari sa hindi natulyo na all-out war. Nawalan ng tiwala ang ibang kliyente sa mga agent ng HQ at umiwas na kumuha roon ng tao dahil nga nasa blocklist na ng Citadel ang branch gawa ni RYJO.

"Mr. Zach, your dinner is ready," sabi ng mga naghahanda sa mesa niya.

"Thank you," pasalamat niya at saglit na ibinaba ang binabasa para tunguhin na hapunan.

Kompleto ang nakahanda roon. Appetizer, steak as main dish, may mushroom soup, at may creme brulee saka brownies sa dessert. May nakahanda ring tubig sa goblet at lemon juice.

Napansin din niya ang isang maliit na medicine box sa gitna ng mesa na may note, katabi niyon ang dalawang brownies.

"Lord Ricardo, may dalawang sample dito ng tinutukoy sa area na party drug. Mabilis itong kumalat sa area. May event sa katapat na bar, nagbibigay sila ng samplings. Paiimbestigahan namin kung sino ang nasa likod ng distribution para makausap ng Citadel. -Xerez"

The Superiors: Fallen (Book 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon