Sa likod ng simbahan napadpad sina Erajin. Sinabihan siya ni Brielle na huwag nang lumingon kahit sigaw siya nang sigaw kung paano na sina Razele at Mephist na naiwan.
"Jin, hayaan mo na sila, alam nila ang ginagawa nila!" sigaw sa kanya ni Brielle habang mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ni Erajin. Martes at wala na halos nagsisimba sa mga sandaling iyon. Papalubog na rin ang araw at kulay matingkad na kahel na ang langit.
"Brielle, mamamatay sina Mephist doon!"
"Jin, ano ba?!" Saglit na huminto si Brielle at hinawakan sa magkabilang balikat si Erajin at niyugyog ito para matauhan. "They're after you! Lalo tayong patay kapag nakuha ka nila!"
Kinuha ulit ni Brielle ang kamay niya at hinatak siya papasok sa back door ng simbahan.
Nangingilid-ngilid na ang luha ni Erajin gawa ng takot dahil hindi niya naman inaasahan na pauulanan sila ng bala ng mga taong hindi naman niya alam kung bakit siya hinahabol.
Alam naman niyang wala siyang alaala, pero hindi naman niya inaasahan na ganoon kalala ang pakay nila sa kanya na halos patayin na nila ang mga sarili para lang maprotektahan siya.
Mataas ang ceiling ng simbahan. Tinahak nila ang isang pasilyo na may kulay mahogany na tiles na nagpapapula sa sahig sa pagtama ng dilaw na ilaw. Damang-dama nila ang lamig ng air-con sa loob at amoy ng kandila.
Napaliligiran ang pasilyong iyon ng mga larawan ng mga pari.
"Jin, mas ligtas tayo rito sa St. Francis," paliwanag ni Brielle nang kumalma na sila at panay ang lingon niya sa kung saan ba maaaring magtago.
Sa dulo ng pasilyo ay may isa pang malaking kahoy na pintuan at isang daan sa kanan.
"May mga naglilingkod dito na nagtatrabaho rin sa Asylum," dugtong ni Brielle at pasilip-silip na maliliit na siwang ng pader na may maliliit ding bintana. "Kahit paano, may laban tayo kapag sumugod sila."
Napansin ni Brielle ang isang confession room sa malapit sa pinto na exit ng pasilyong tinatahak. Nasa harapan na pala sila ng simbahan. Wala siyang makitang ibang tao roon sa hilera ng kumpisalan.
"Hide," utos sa kanya ni Brielle habang nakatingin ito sa lugar ng dasalan. May ilang mga tao ang nagdadasal sa labas. Itinulak-tulak pa siya nito para pumasok sa maliliit na booth para mangumpisal.
"Pero paano ka?" nag-aalala niyang tanong.
"Just hide!" malakas na bulong nito. Lumapit si Brielle sa isang malaking metal candle holder na pinaglalagyan ng malalaking kandila para magamit na armas.
Bang!
Bang!
Bang!
"Aaahhh!" Napatili na naman si Erajin at mabilis na nagbukas ng pinto ng isang booth ng confession room.
"Aaaahh!" Isang malakas na tili na naman mula sa kanya nang makitang may tao pala sa loob niyon.
"Aah!" mabilis na sigaw rin ng lalaking nasa loob dahil sa gulat.
"AAAAHH!" Lalo pang lumakas ang tili ni Erajin habang nakapikit at tinatakpan ng mga kamay ang tainga. "AAHH—"
Hindi na niya naituloy pa ang pagsigaw dahil tinakpan ng lalaki ang bibig niya.
"Sssshh!" pagpapatahimik nito sa kanya.
Halos pandilatan niya ito dahil sa sobrang takot. Panay ang palag niya rito at pinalo-palo pa ang balikat nito para bitiwan siya.
"Shut up!" malakas na bulong nito at kinuha na naman nito ang mga kamay niya para pigilan siya. "Will you please calm down?! I'm not gonna hurt you!"

BINABASA MO ANG
The Superiors: Fallen (Book 6)
БоевикWill the heart remembers what the mind forgets. Magbabalik ang nakaraan at makakalimutan ang kasalukuyan. Pagbabayaran ng kasalukuyan ang pagkakamali ng nakaraan. May mawawala, may magbabalik. At ang pinakamalaking pagbabago ay magsisimula nang maga...