26: Bed and Breakfast

7.6K 277 30
                                    

DUHM!

DUHM!

Biglang dilat ni Josef nang makarinig ng malakas na beat ng speaker mula sa ilalim ng hinihigaan niyang sofa sa second floor. Halos palabasin ang puso niya sa loob ng sariling dibdib dahil sa gulat.

"What the fu—"

"This ain't a song for a broken-hearted."

DUHM!

DUHM!

"No silent prayer for a faith-departed."

DUHM!

DUHM!

"I ain't gonna be just a face in the crowd . . ."

Mabilis na tumungo si Josef sa hagdan para makita ang dahilan kung bakit madaling-araw na madaling-araw pa lang, parang may pa-concert na sa ibaba.

"You're gonna hear my voice when I shout it loud . . ."

DUHM!

DUHM!

Napahinto siya nang makita si Brielle na may hawak-hawak na metal na palaso at nakatutok sa bibig. "It's my life! It's now or never!" Patalon-talon pa ito at ginagawang mic ang tulis ng hawak para mag-lip-sync. "I ain't gonna live forever!"

Kung ang babae ang kagabi pa nakanganga sa kanya, ngayon si Josef naman ang nakanganga rito habang nakikita ang ginagawa nito.

"Morning, Mr. Fuhrer," pagbati ni Mephist na mukhang isa ring nabulahaw sa kagagawan ni Brielle. Pupungas-pungas pa ito at napapakamot ng ulo.

Mabilis na hinanap ni Josef ang orasan sa pinaka-salas ng bahay at nakitang alas-tres y medya pa lang ng madaling-araw. "Wha—huh?"

Para tuloy siyang nawawalang bata na inaalam kung nasaang lugar ba siya naroroon.

Gising na si Aspasia at may hawak-hawak nang mug ng kape. Si Razele ay nag-aasikaso ng mesa. Si Markus ay naghahanda naman ng almusal.

"She's the exact opposite of Erajin," kuwento ni Mephist para paliwanagan siya ng nangyayari. "That's why they argue a lot, lalo na sa ingay. Unless Jocas was around. Mas maingay pa rito ang aasahan mo."

Sinundan lang ni Josef ng tingin si Mephist na tumungo sa cupboard para kumuha ng mug at magsalin ng kapeng nakahanda na rin sa coffee maker.

Hindi alam ni Josef kung maiinis, magtataka, masosorpresa, o matatawa dahil puno pa rin ng enerhiya si Brielle na parang hindi nauubusan ng lakas magmula pa kagabi.

"She's noisy at every angle," mahinang sinabi ni Josef nang makalapit kay Markus na naglalapag plato ng fried eggs sa mesa. "Wala bang naiirita sa inyo?"

"Did she disturb your beauty rest, hmm?" pabirong tanong ni Markus at napaisang iling na lang. "Binubuhay lang niya ang dugo niya. Hindi naman siya gaya ni Erajin na para lang mabuhay ang dugo, kailangan pang pumatay ng tao para mag-warm up."

Napakibit ng balikat tuloy si Josef at umupo na sa puwesto niya kagabi. "Well . . . I preferred the noise more."

"Tomorrow's getting harder, make no mistake," nagpatuloy lang sa pag-lipsync si Brielle habang umiikot-ikot sa kusina at padampot-dampot ng nauna nang nilutong tinapay galing sa toaster. "Luck ain't enough you've got to make your own breaks."

DUHM!

DUHM!

"It's my liiiiiife! It's now or never!" Bigla na itong kumanta nang pagkalakas-lakas.

The Superiors: Fallen (Book 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon