3

2K 114 47
                                    

Apple POV.

Isang batang babae pala ang aalagaan ko. Ayon sa nag interview sa aking matanda. Ngunit hindi ko pa nakikita kasi nasa tagaytay daw ito kasama ang ama.

Mamayang gabi pa raw ang dating nila kaya pinagpahinga na muna ako.

"Yan ang magiging higaan mo. Dito naman ako sa kabilang higaan" ani Nay Carmen.

"Salamat po. Nay ilan po ba ang magiging Amo natin?."kaswal na tanong ko.

"Bali si sir Edward lang at ang anak nya na si Erica. Pero Apple ngayon pa lang sinasabi ko na sayo. Habaan mo ang pasensya mo sa batang yon. HIndi na mabilang ang naging tagapag-alaga nya. Pinaka matagal na ang tatlong araw"

"Po? Bakit naman po. Malaki naman po ang pasagod nyo. Libre lahat. Kaya nga nagpapasalamat ako ng marami sa inyo dahil tinanggap nyo ako. Libre lahat kaya yong sahod ko maiipon ko." pagtataka ko.

Nakakapagtaka naman kasi talaga sobra. Masyadong malaki ang pasahod nila dito para lang alagaan ang isang limang taong gulang na batang babae. Take note mag-aalaga lang ako. Wala ng iba.

"Mahirap eexplain pero sana makayanan mo. Masyadong sutil si Erica. Kaya sana makatagal ka."

"Huwag kang mag-alala Nay. Akong bahala sa batang yan. Pangako titino yan" naka-ngiting sabi ko.

Ngumiti ang matanda. Buti nalang mabait si Nay Carmen. Mukhang magkakasundo kami.

Sinabi rin nya sa akin na wala na ang Mommy ni Erica. Patay na daw ito bago pa dumating ang araw ng kasal nila ni Sir Edward.

HIndi ko maiwasang hindi manghinayang pero ganon talaga ang buhay. Hindi natin alam ang mangyayari.

KUmain muna kami ni Nay Carmen bago kami sabay na natulog.

Hindi ako nagsisi na tuluyan ng umalis sa bahay ni Aling Tasing. Di hamak na mas maganda dito.

De aircon pa.







Nagising ako dahil parang may nakatitig sa akin at hindi nga ako nagkamali.

May isang batang babae na nakatayo sa harapan ko.

Ang ganda nya.

Mukha syang Anghel.

Pero unti-unting tumaas ang kilay nya.

"Wala ka bang balak bumangon dyan?" biglang sabi nyang ikinabigla ko.

"Ano?"

"Ang pangit na nga, bingi pa"

Ano daw?

"Hoy bubwit. Sa lahat ng ayaw ko ay sinasabihan ako ng Bad Words"

"Bad Words? Wala akong sinabing ganon."pagtataka nya.

"Meron."

"Wala nga. Ang sabi ko lang ang pangit mo na nga, bingi ka pa"

"That's it."

''Huh?"

"Sinabi mong pangit ako. Bad words yon. At ang bata mo pa sinungaling ka na. HIndi ako pangit"

"What? Wala ka bang salamin sa bahay nyo?"aniya ulit.

Aba napaka-bastos na batang ito.

"Eh ikaw? Wala ka bang respeto? Ang bastos mo ah. Ang bata-bata mo palang ganyan na tabas ng dila mo" pagpapatol ko sa batang to.

Aba anong akala nya hindi ko sya papatulan?

Sa ganda kong to tatawin akong pangit.

I hate that word kaya.

Duh?

"Isusumbong kita kay Daddy" banta nya sa akin.

Doon ako naalerto pero pag nakita nyang natakot ako. Malamang lalaki lang ulo lalo.

Puro puri pa man din ako sa kanya. Sinabi ko pang mukha syang anghel yon pala may sapi ang bunganga.

Hindi ako nag react. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Ano na. Isusumbong kita kay Daddy" muling banta nya sa akin.

Ahhmmm. Mukhang tinatakot lang ako ng batang to ah.

"Oh eh di magsumbong ka. Samahan pa ba kita?" mapang-asar na tanong ko sa kanya.

Mukhang nagulat naman sya sa naging sagot ko.

"HIndi ka natatakot na mawalan ng trabaho?"

"Nope"sabi ko.

Pero natatakot ako syempre. Swerte ng ituring ang pagkakatanggap ko dito. Kahit pa itong bubwit nato ang aalagaan ko.

Inirapan nya lang ako.

"Nagugutom na ako. Paghanda mo na ako ng makakain." utos nya sa akin.

"At bakit ko gagawin yon? Di ba isusumbong mo ako sa Daddy mo? Di ikaw na gagawa ng inuutos mo." pang aasar ko sa kanya.

"What?"

"Yes."

"Pero ikaw ang yaya ko. Wala dito si Yaya Carmen. Wala na rin si Daddy. Nagugutom na ako." maktol nya.

Nakaramdam ako ng awa sa kanya pero kaylangan nya munang matuto.

"Whats the magic word?" tanong ko.

Alam ko ng unang ituturo ko sa batang ito.

Pagrespeto.

"Magic word?"

"Yes. So whats the magic word?"

"Pangit?" nang-aasar nya pang sabi.

"Sige aalis na ako. Bahala ka na sa bahay nato. Bukas pa naman darating si Nay Carmen kahit na ang ama mo. Kaya mag-isa ka nalang dito. Balita ko pa naman may mga nawawalang bata daw ngayon at pinapain sa dagat para sa malalaking pating" pananakot ko.

Malay ko ba kung nasaan si Nay Carmen lalo na ang tatay nya eh hindi ko pa man din nakikita yon.

Mukhang tumalab naman ang pananakot ko dahil lumapit sya sa akin.

"Please?"

"Good girl. Sige na labas na doon susunod na ako sayo. Magpapalit lang ako"

Sabi ko sa kanya.Pero ngumisi sya sa akin at may sinabi syang hindi ko gaanong naintindihan.




"Humanda ka sa akin. Aalis ka rin tulad ng iba"

"May sinasabi ka?" tanong ko.

"Wala. Dalian mo na. Gutom na ako"



Bastos na bata.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon