2

2.3K 105 6
                                    

Apple POV.

"Apple ano ba gumising ka na dyan" sigaw sa labas ng apartment ko.

Ano ba yan ka imbyerna naman.

Nag bu-beauty rest ako tapos may sisigaw.

Anong oras na ba?

Pucha alas syete  pa lang ng umaga tapos yong bunganga ni Aling Tasing parang gyera na.

"Apple ano ba? Lalabas ka ba dyan o ano?' Galit pa ring sigaw nya.

Wala akong nagawa kundi lumabas.

"Nandyan na po" sigaw ko.

Hinanda ko na ang paawa epek face sa maganda kong mukha.

Alam ko naman sisingilin nanaman nya ako. Kaya lang walang pera ang lola nyo.

"Good morning--

Magandang bungad ko pero binara nya ako agad.

"Walang good sa morning. Ano na? Nasaan na ang pangako mo? Anong petsa na oh"

"Feb 14 po. Happy----

"Walang Happy Apple. Alam kong alam mo ang tinutukoy ko Apple. Nasaan ang bayad mo sa renta? Aba-aba magtatatlong buwan ka ng walang bayad ah?" galit na bulyaw nya.

"Aling Tasing, ano po kasi" ano nga ba pa ang ilulusot ko?

Lahat ng pwedeng ilusot ginawa ko na.

"Walang anu-ano Apple. Kung wala kang ibibigay ngayon sa akin, mabuti pang lumayas ka na"

"Aling Tasing---

"Kung wala kang pera, lumayas ka na"

Naiinis na ako dahil bukod sa mga tsismosang kapit-bahay na nakiki usyuso. Hindi man lang nya ako pinapatapos sa mga sasabihin ko.

"OO lalayas na ako sa bahay na ito. Hindi naman maganda. Pag umuulan, umuulan din sa loob. Tapos yang bunganga mong parang armalite di natigil-tigil. Mas mabuti na ngang umalis na ako dito kesa araw-araw kong makita ang pangit mong mukha."

"Aba ang kapal ng mukha mo. Matapos kitang patirahin dito. Ganyan ang sasabihin mo sa akin."

"Hoy Tasing. BInabayaran ko ang pagtira ko dito. Nagkataon lang na hindi kita nabayaran nitong huling buwan dahil natanggal ako sa trabaho"

Manyak kasi yong huli kong amo kaya sinapak ko. Ayon tinanggal ako.

Ayaw ko rin sana syang sagutin pero sumusobra na rin sya.

Hindi lang naman ito ang unang beses na nangyari to. Oo hindi ako nakakabayad pero hindi naman tama na ganituhin nya ako.

"Tama na ang maraming satsat. Lumayas ka na dito. AYaw na kitang makita pa. Pag balik ko,wala ka na" yon lang at iniwan na nya ako.

Inis na sinabunutan ko ang buhok ko.

Paano na?

"Oh tapos na ang drama at bakbakan. Pwede na kayong umalis. Mga tsismosang to" baling ko sa mga kapit bahay namin.

Nagsi alisan naman silang lahat at akoy pumasok na at nag impaki na.

HIndi ko na hihintayin na kaladkarin pa ako ng matandang yon.













Buong maghapon akong naghahanap ng matutuluyan pero walang tumatanggap sa akin. Paano ba naman kasi kaylangan ng advance deposit. Eh wala naman akong pera. Limang daan nalang ang laman ng wallet ko,nagugutom na rin ako.

Dahil sa kumalam ang sikmura ko ay naghanap na rin ako ng makakainan. Mamaya ko na iisipin kung saan ako matutulog. Ang importante makakain muna ako. Baka mamaya himatayin ako sa daan.

Ang hirap maging ulila. Wala pa akong kapatid.

Dalawang taon ng patay ang mga magulang ko. Hindi naman kami mayaman kaya ng mamatay sila ay naibenta ko ang maliit na bahay namin para lang may magastos nung binurol nila. Sabay kasi silang nawala dahil sa isang aksidente.

Mula noon natuto na akong mabuhay mag-isa. Lahat ng pwedeng pasukan,pinapasok ko. High school grad lang kasi ako. Kaya hirap maghanap ng permanenting trabaho.

Matapos akong kumain ay muli akong naglakad-lakad hanggang sa may nadaanan ako village.

Parang may nagtutulak sa akin na pumasok doon. Kaya pumasok ako.

Unang bahay pa lang ay may nakita na akong nangangailangan ng Yaya.

This is it. Sana matanggap ako dito para hindi ko na kaylangan maghanap ng tutuluyan at maiipon ko ang sahod ko.























Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon