15

1.9K 112 56
                                    

Apple POV.

Tulalang nakatingin ako kay Sir Edward matapos nyang sabihing mahal nya ako.

Iniisip ko kung dapat nga ba akong maniwala?

Lasing kasi sya. Malamang ay hindi nya alam ang mga sinasabi nya.

"Sir lasing--

"Edward. Edaward ang itawag mo sa akin Apple." Sabi nya habang muli nya akong niyakap at iginaya sa upuan.

Nagpatianod naman ako sa kanya.

Pero yong akala kong sa tabi lang nya ako uupo.

Nagkamali ako.

Dahil lumanding lang naman ako sa kanyang kandungan.

"Huwag mo na akong tawaging Sir Apple. Edward nalang o mas maganda kung Sweatheart nalang" aniya habang hina-halikan ang likod ng tenga ko.

Gusto ko syang itulak. Kasi mali ito. Pero iba naman ang sinasabi ng puso ko.

Isa pa.

Eng sherep-sherep keye.

"Edward parang ang bilis ata?" Hayy sa wakas. Nakuha ko rin ang boses ko.

"Mahal kita at alam kong kahit paano may nararamdaman ka rin sa akin. Bakit pa nating papatagalin. Relasyon ang pinapatagal hindi ang ligawan"

Napa-simangot ako ng di oras.

Gusto ko kayang maranasang magpaligaw at magpakipot.

"Eh paano kung ayaw ko? Paano pala kung si Troy---

"Huwag na huwag kang magbabanggit ng ibang pangalan ng lalaki sa harapan ko Apple. Hindi mo magugustuhan pag nag selos ako"

Selos?

Nagseselos sya sa pinsan nya?

Dahil sa naisip ay lalo ko syang ininis.

"Troy. Troy. Troy. Tr------AYYY"

Bigla nya akong inihiga sabay kubabaw sa akin.

"Hindi ka nakikinig Mahal ko" naka-ngisi ngunit may diin nyang sabi.

At bago ko pa malaman kung ano gagawin nya ay muli nanamang lumanding ang maharot at pinanabikan ko ring mga labi nya.

Tinugon ko ang bawat halik na ipinagkakaloob nya sa akin.

Hanggang ang malamyos na halik ay naging marubrob. Lumilikot na rin ang kamay nya.

Hanggang sa umabot na ito ng dibdib ko.

"Ahhh Edward. Hu-huwag" tutol ko pero paungol naman.

Kaya sa halip na tumigil sya ay pinagatuloy nya ang halik at haplos nya sa buong katawan ko. Bumaba na rin abg halik nya sa leeg ko.

Hanggang sa..


"Daddy? Mommy Apple? Ano pong ginagawa nyo?"

Agad kong naitulak si Edward na nasa ibabaw ko.

Pareho kaming hinihingal na nakatingin kay Erica na ngayon ay nagtataka  sa amin.

"Ah.... Ano Baby ba-bakit gising kapa?" Utal kong tanong.

Ikaw ba namang mahuli sa akto.

Di ka mauutal?

"Naiihi po kasi ako. Tapos nakita kong bukas ang ilaw dito. Kaya bumaba ako. Kayo po? Ano pong ginagawa nyo?" Nakataas pa na kilay na sabi nya.

Tiningnan ko si Edward para humingi ng tulong. Pero ang mokong naka-ngiti lang na tumayo bago kinarga ang anak.

May binulong sya kay Erica.

Parang ayaw ko nyan.

Bigla nalang nagliwanag ang mukha ni Erica at tumalon-talon.

"Yeheey. Thank you Mommy. Thank you Daddy. Love you" sabi nya pa.

"Ihahatid ko lang si Erica sa kwarto nya para maituloy na natin yong ginagawa natin. Sa kwarto"

"Sige Mommy. Tulog na po ako. Magpraktice po kayong mabuti sa kwarto ni Daddy ha?"

Habang si Edward?

Ayon ang ganda ng ngisi.

Kumindat pa.































A/N

Ano kayang binulong ni Edward kay Erica??

Hindi po me nagbaback read. So asahan na maraming error..

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon