18

2.1K 113 20
                                    

Edward POV.

Kanina pa ako pabalik-balik sa kwarto ko.

Agad akong umalis nang marinig ko ang sinabi ni Apple kanina.

Masyado na nga ba akong nagmamadali?

Akala ko kasi okey na.

Sabagay wala naman akong alam sa mga babae. Kasi si Celine lang ang nag iisang naka relasyon ko. Hindi naman kasi ako playboy. Ang gusto ko ay isa lang.

Yong kay Celine naman walang ligawan. Basta sinabi nyang gusto nya ako at gusto ko sya.

Yon na.

Hanggang ang pagka gusto ay nauwi sa pagmamahalan namin.

Si Celine ang una sa akin.

Una sa lahat ng bagay.

Kaya masisi ko ba ang sarili ko kung bakit wala akong alam pagdating samga babae?

Ayaw ko man humingi ng tulong sa pinsan ko ay kailangan kong gawin.

Para kay Apple.

Gagawin ko.






==========================================

APPLE POV.

Nagising ako sa kwarto ni Edward.

Kwarto ni Edward?

Sa pagkaka-alam ko. Matapos nyang mag walk out nanaman kagabi ay pumasok na ako sa kwato namin ni Nay Carmen at natulog.

Pero bakit nandito ako?

Pagtingin ko sa orasan ay alas otso na.

Hala!

Tinanghali ako ng gising.

Yong alaga ko.

Pumunta ako sa kwarto ni Erica para lang walang makita ne anino ng bata.

Asaan yon?

Diretso ako sa baba. Baka sakaling naroon na sya.

Pero sa halip na sya ang makita ko ay iba.

Edward.

Nakatalikod sya sa akin.

Nagluluto sya to be exact.

Pero hindi yon ang nakakuha ng atensyon ko. Kundi yong suot nya.

Peche nemen. Ke-ege ege neke bexer leng sye.

Eng enet keye.

Este.

Ang aga nyang naka boxer lang tapos hubad baro pa.

Yong pandesal sa kanyang tyan..

Ahmp.

Kape.

Kailangan ko ng kape.

'"Done?" Naka-ngiti tanong nya.

"Huh?"done?

"I mean. Pasado na ba ako sa standard mo?"

Pasadong-pasado.

Sabi ng aking pukeng-keng este...ng aking isip.

"Pwede na" naisagot ko nalang.

"Ganoon ba? Sige dadagdagan ko nalang" sabi nya bago ngumit ulit.

"Teka. Nasaan pala si Erica at Nay Carmen?" Hindi ko pa rin sila makita.

"Na kela Mommy. One week sila doon."

"What? Bat kasama si Nay Carmen"

Sa isiping dalawa lang kaming maiiwan dito ay kinikilig na ako. Este kinabahan na ako ng sobra.

Huwag isuko anh bataan Apple.

Olongapo muna.

Muntanga. Ano bang pinag-iisip ko?

"Kasi si Nay Carmen ang mag-aalaga kay Erica habang nandoon sya"

"Huh? Bakit sya. Di ba dapat ako?" Ako ang yaya di ba?

"Kasi may naiwan na mas kailangan mong alagaan"

"Huh. Sino?"

Huwag nitong sasabihin na may isa pang syang anak.

Naku. Malilintikan sya sa akin.


























"Ako. Ako ang aalagaan mo at aalagaan din kita. Habang buhay"






















ANSABI?????

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon