Ending.

3K 122 20
                                    

Apple POV.

Sabi nga nila. Sa hinaba-haba man daw ng prosisyon. Sa simbahan pa rin ang tuloy.

Parang kami ni Edward.

Marami kaming pagsubok na hinarap. Inakala ko pa na hindi na kami pwede dahil sa pagbabalik noon ng pamilya nya. Pero heto kami ngayon. Masayang nagsasama bilang isang masaya at buong pamilya.

Lalong naging malago ang negosyo namin nang mapagsanib ang dalawang naglalakihang kompanya.

Maging si Kuya Rex ay natagpuan na rin ang babaeng nagpatibok ng puso nya sa katauhan ni Cherry. Kasal na sila at mayron ng kambal na anak.

Samantalang kami naman ni Edward ay may Angela na. Ang aming panganay at si Timothy. Ang bagong silang kong bunso.

Hindi naging maganda ang simula namin ni Edward. Marami kaming pagsubok na hinarap pero ang lahat ng iyon ay kayang lagpasan.

Alam ko. Hindi dito nagtatapos ang lahat. Ito palang ang simula ng mga bagong pagsubok na dadanasin namin.

Hindi kasi ako naniniwala na kapag nag asawa ka na ay lalagay ka na sa tahimik. Dahil para sa akin. Yon palang ang simula ng lahat.

Pero alam ko sa sarili ko na kakayanin ko. Basta kasama ko sya at mga anak namin. Walang pagsubok na di kayang harapin.





End.











"Madalas kailangan muna nating makinig. Para malaman natin ang katotohanan. Hindi yong puro nalang tamang hinala. Walang mapapala"

A/N.

Gaya ng dati. Hindi ako magaling sa ending. Ayaw ko kasi ng mga ending. Para sa akin may forever.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon