14

1.8K 118 51
                                    

Apple POV.

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang kasal na dinaluhan namin ni Sir Edward ay hindi ko pa rin sya magawang harapin.

Nakakahiya naman kasi. Matapos kasing maitaas ang garter ko hanggang singit.

Take note ha. Hanggang singit ko ay humingi pa ng kiss ang mga tao.

At ang kiss na yon ay lumanding sa labi ko.

My god.

My virgin lips.

Kaya ako heto parang tangang umiiwas sa kanya.  Nagtatanong na nga rin si Erica kung bakit daw ako umiiwas sa tatay nya. Sinasabi ko nalang na kailangan nila ng time sa isat-isa.

Buti nalang at bata ay agad na naniniwala sa akin. Malaki na nga daw ang nabago sa tatay nya mula ng dumating ako dito.

Masaya sya sa pagbabagong iyon dahil nagkakaroon na ng oras ang ama nya sa kanya.

Pero ako naman ang di makahinga.

"Hija maari mo ba akong ikuha ng maiinom sa baba?" Paki-usap ni Nay Carmen.

Nasa kwarto na kasi kami. Naghahanda na para matulog.

Marahil ay nauhaw sya sa mga tinupi namin.

Habang pababa ako ay lihim akong nanalangin na sana. Sana talaga tulog na si Sir Edward.

Sana huwag magtagpo ang landas namin ngayon.

Pero mukhang ayaw akong dinggin ngayon.

"Mabuti naman at bumaba ka" umpisa nya.

"Ayy itlog mong malaki" well hindi ako magiging si Apple kung hindi ako magugulatin.

"Hindi lang ang itlog ko ang malaki Apple. Pati yong Hotdog ko" naka-ngising sabi nya.

"Bastos" nasabi ko pero sa di malamang dahilan para nakikiliti pa ako sa pagkakasabi nyang yon..

Ahh no Apple. Huwag kang bastos.

Kausap ko rin sa sarili ko.

"Ang bastos walang suot na damit Apple"

Si Sir ba to?

Bakit parang iba ata?

Lumapit sya sa akin dahilan para maamoy ko ang hininga nya.

Ang bango pero naamoy ko rin ang alak.

Lasing si Sir.

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

"Bakit mo ako iniiwasan Apple? May nagawa ba akong mali? May nasabi ba akong hindi maganda? Sabihin mo para alam ko. Hindi yong ganito iniiwasan mo ako"

"Si--sir lasing po kayo"

"Hindi ako lasing. Naka inom lang ako. Pampalakas loob"

Huh?

Para saan?

"Pampalakas loob para gawin to" matapos nyang sabihin yon ay naramdaman ko nalang ang labi nya sa mga labi ko.

Sa una ay banayad lang parang nanantya hanggang sa dumidiin. Naghahanap ng katugon.

Pero mali to.

Buong lakas ko syang tinulak sabay sampal.

"Bakit---?

"Bakit? Bakit kita sinampal? Kasi nakakabastos ka na. Oo amo kita pero wala kang karapatang halikan ako ng ganon."

Tulala syang nakatingin sa akin. Waring inaabsorn ng utak nya ang mga sinabi ko.

Ito rin ang nakita kong pagkakataon upang maka alis sa kanya.

Pero hindi pa man ako ganong nakakalayo ay may yumakap na sa akin mula sa likod.

"Sorry. Maniwala ka. Hindi ko intensyon na bastusin ka. Ginawa ko yon dahil yon ang gusto ko"

Kinalas ko ang yakap nya at hinarap sya.

"Please Sir Edward. Tama na. Huwag ganito. Ayaw kong tuluyang mahulog ang loob ko sayo. Kasi alam kong di mo ako sasaluhin."

"Hindi mo ba nararamdaman Apple?"

Umiling ako.

"Hindi at ayaw ko. Kasi isa lang ang nakatatak sa isio ko. Ang sinabi mong hindi mo ako gusto" may kirot sa puso ko habang sinasabi ko yon.

Ang sakit bes.

"Oo hindi kita gusto"

"Yon na nga eh. Hindi mo ako gusto---






















"Hindi kita gusto. Kasi mahal kita"




Wait......



What???



















😛😛😛😛😛😛😛😛😛😛

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon