25

2K 133 58
                                    

Apple POV.

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako dalawin ng antok kaya naisipan kong pumunta sa terrace dito sa kwarto ko.

Dalawang taon na rin ang lumipas pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang sakit sa akin.

Kumusta na kaya si Erica?

Namimiss ko na ang batang iyon. Kahit na sandaling panahon lang kaming nagsama ay itinuring ko na rin syang parang anak ko.

Si Nay Carmen kaya?

Tinuring rin nya akong parang anak na. Pero iniwan ko sya noon. Sana lang ay hindi sya galit sa pag-alis ko.


Maya-maya pa ay may naaninag akong bulto ng tao sa baba. Naka-sandal sya sa gilid ng sasakyan nya. Hindi ko sya maaninag. Pero kumabog ng mabilis ang puso ko.

Kaya alam ko na kung sino.

At napatunayang tama ang hinala ko ng may dumaang sasakyan at natamaan sya ng ilaw.

Tama ba nakikita ko?

Ang Edward kasing nakikita ko ay napaka mesirable.

Pero bakit?

Kompleto na ang pamilya nya diba?

Hindi ko natagalan ang pakikipagtitigan sa kanya kaya pumasok na ako.

"Bakit hindi mo labasin Sweety?"

"Ayy baklang kabayo. Ba yan. Nanggugulat ka naman."

Naiiling na natatawa.

"Wala ka pa ring pagbabago. Magugulatin ka pa rin"

"Rex naman eh. Huwag ka kasing manggulat"

Iiling-iling syang lumapit sa terrace.

"Hoy huwag ka nga dyan" awat ko sa kanya.

"Tingnan mo yang ex mo. Parang toro na nakakita ng kulay pulang tela" tukoy nya kay Edward.

Tumingin aki sa baba at tama sya.

Halos pumatay ang itsura ni Edward ngayon habang nakatingin sa amin.

Bigla akong inakbayan ni Rex.

"Hoy" gulat ko. Pero hinigpitan nya lang ang akbay nya.

"Wait lang may titingnan lang ako. Huwag kang titingin sa kanya. Ako ng magsasabi sayo"

Sa gulat ko ay bigla nya pa akong niyakap.

Wala pang ilang minuto. Nakarinig na kami ng humaharorot na sasakyan.

Tawa ng tawa si Rex ng tuluyan ng nawala sa paningin namin si Edward.

Hinampas ko sya.

"Ang sama mo kamo"

"Aray hey masakit. Tama na"

"Ikaw kasi ang sama-sama mo"

"Sweety. Sinusubukan ko lang kung mahal ka pa ng ex mo"

"Pwede ba Rex tigilan mo ako sa pang aalaska mo" inis na sabi ko sa kanya.

"Hoy Apple mas matanda pa rin ako sayo. Hindi na nga kita sinisita sa tawag mo sa akin kahit na matagal ko ng hinihintay na tawagin mo akong kuya"

Malungkot na sabi nya.

Oo kuya ko si Rex.

Mahabang kwento.

Basta nang umalis ako sa mansyon noon ay lutang akong naglakad sa daan. Hindi ko nakita ang sasakyan nyang paparating. Nasagasaan ako. Hanggang kinailangan ng dugo.

Dahil match kami ay sya na ang nagbigay pero sinabay din nya ang DNA test at nag positive.

Ang sabi nya sa akin ay matagal na nya akong hinahanap.

Ang sabi nya kasama ako ng mga magulang namin ng araw na naaksidente sila. Pero hindi na daw ako nakita noong nakita ang bangkay nila.

Maaring yon yong lihim na sinasabi ng mama ko bago sya namatay.

"Pasensya ka na. Hindi kasi ako sanay" hingi ko ng paumanhin sa kanya.

Lunapit sya at niyakap ako.

"Okey lang yon. Ang mahalaga nandito ka na at natupad ko na ang pangako ko sa mga magulang natin"

Niyakap ko sya ng mahigpit.

Soon masasanay at matatawag ko na rin syang kuya.






















A/N.

So aun naawa na kasi ako kay Rex. Kinakawawa na sa comment.hahhahhahha

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon