16

1.8K 107 16
                                    

EDWARD POV.

"Unti nalang talaga. Ipapadala na kita sa mental. Mukha ka ng baliw" sita sa akin ni Troy.

Muli ay nginitian ko sya.

"Malala ka na. Bwesit. Dyan ka na nga" sabi nya bago nya ako iniwan.

Baliw na ba ang ngumingiti mag-isa?

Hindi ba pwedeng may naalala lang akong masaya at nakaka-kilig ?

Muli akong napa-iling.

Hanggang ngayon kasi naalala ko pa ang nangyari kagabi.

Wala naman kaming ginawa sa kwarto kundi matulog.

Gusto ko syang makatabi.

Aaminin ko. Buong gabi akong nagtiis. Alam ko kasing hindi pa sya handa. Masyado pang maaga para sa ganoong bagay.

Wala kaming usapan kung anong meron kami. Pero nararamdaman kong meron.

May pag-asa kami.

Ang importante. Masaya kami ngayon sa kung anong meron kami.

After four years. Muli nanamam akong ngumiti.

Yong ngiti na totoo.

Tiningnan ko ang relo ko.

Para lang makaramdam ng inis.

Ang bagal ng oras.

Ang tagal mag alas singko.

Gusto ko ng umuwi para muli syang makita.

Pero come to think of it.

Ako ang amo dito. Kaya pwede akong umuwi kong gugustuhin ko.

Tama.

Uuwi nalang ako para makita ko sya.

Nangingiting inayos ko ang gamit ko para umuwi. Nang muling pumasok si Troy.

Oo nga pala hindi na sya sa bahay tumutuloy.

Pinalipat ko sa isang bahay ko.

Mahirap na.

"Tsk. Malala ka nga Pinsan. Yan ba ang nagagawa ng isang magandang Yaya ng anak mo?"

"Hindi nalang sya basta Yaya ng anak ko ngayon. Pwede na rin syang maging INA ng MGA magiging anak ko" sagot ko sa kanya.

Natahimik sya.

Alam ko naman eh. Hindi naman ako manhid para di malamang totoong gusto nya si Apple.

Pero mahal ko rin si Apple.

At sa akin sya.

Akin lang sya.

"So kayo na pala. Congrats. Malamang sya rin ang dahilan kung bakit ka nagmamadaling umuwi ngayon" may pait na sabi nya.

"Sorry Troy."

"Alam ko naman. Mula naman nang dumating si Apple sa bahay nyo ay marami ng nagbago. Sayo. Malaki na ang nabago."

"Hindi ko rin alam na mangyayari to. Basta nagising nalang akong magseselos sayo. Nagising nalang akong ayaw kong may nakakalapit sa kanyang ibang lalaki. At nagising nalang akong hindi na kayang mabuhay ng wala sya sa akin"

"Unexpected love. Dahil lahat hindi mo inakalanh mangyayari. Maswerte ka dahil minahal ka rin nya." Huminga sya ng malalim.

Kita at ramdam kong nasasaktan sya ngayon.

May guilt akong nararamdaman pero mahal ko si Apple.

Mahal ko.

"Isa lang ang gusto kong tandaan mo Edward. Huwag na huwag mong sasaktan si Apple. Dahil kahit na hindi sya naging akin. Babawiin ko sya sayo at magkakamatayan tayo. Huwag na huwag mong sasaktan ang nag iisang babaeng nagpakilala ng pag-ibig sa akin" may diing sabi sya tumalikod.

"Troy--

"Uuwi na ako ng Germany bukas. Ikaw ng bahal kay Apple. Huwag na huwag mo syang pabayaan."

"Kahit hindi mo sabihin yan. Gagawin ko yan. Hinding-hindi ko sya sasaktan. Mamahalin ko sya higit kanino man. Sila ng Anak ko"

Tumango sya bago nya ako iniwan.



Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon