21

2K 109 53
                                    

Apple POV.

Lumipas ang araw mas lalong lumala ang lahat. Lalo akong parang naging tau-tauhan nalang dito sa bahay.

Maging ang ina ni Edward ay hindi na ako gaanong napapansin dahil na rin kay Celine.

Si Erica namay hindi ko na naalagaan dahil syempre kay Celine.

Ito na kasi ang gumagawa ng ginagawa ko dito.

Kaya ano pang silbi ko dito?

"Tuloy na ba yang plano mong pag-alis Apple, hija" kausap sa akin ni Nay Carmen nang gabing nag-iimpaki na ako.

"Opo Nay. Hindi na po ako kaylangan sa bahay na ito. Nandito na po ang Mommy at ang A-asawa ni Edward" hirap ko pang bigkasin ang salitang asawa.

Para kasi itong patalim na tumutusok sa puso ko.

"Kung iyan ang desisyon mo. Pero bakit hindi ka muna magpaalam kela Edward?"

Napa-iwas ako ng tingin.

"Hindi na po Nay. Ayaw ko pong maistorbo ang bonding nila"

Hindi na nga sila naghihiwalay tatlo eh.

"Ito Hija tanggapin" abot nya sa akin ng sobre na may lamang pera.

"Hindi na po Nay. May ipon po ako. Mula naman ng pumasok ako dito ay hindi ko nagagalaw kahit piso ang sinasahod ko sa mga Barber"

"Hindi. Kunin mo ito. Ako may bigay sa inyo nito. Panimula mo Apple."

"Pero-

"Kunin mo Hija. Kakaylanganin mo yan"

"Salamat po Nay"

Niyakap ko sya ng mahigpit bago nagpasyang umalis.

Malalim na ang gabi kaya alam kong tulog na sila. Tutal ayaw ko rin naman malaman nila na umalis na ako.

Humuling sulyap pa ako sa may terrace sa itaas pag labas ko ng gate. Ngunit agad din nagbawi nang makita ko si Edward at Celine na naghahalikan.

Tanga mo kasi Apple.

Bakit ka pa tumingin?

Mabigat sa dibdib na lumisan ako sa tahanang iyon.

Sa tahanang una kong naranasang magmahal at mahalin. Ngunit sa tahanang iyon din una akong nasaktan.

Paalam Edward.

Paalam Mahal ko.



















=======================================

Edward POV.

Nag-iisa ako dito sa terrace.

Iniisip ko kasing mabuti kung ano ba ang dapat kong gawin.

Naguguluhan ako.

Mahal ko si Apple at kay Celine?

Hindi ko alam.

Pero isa lang ang alam ko. Hindi ko sya pwedeng iwanan sa ganitong kalagayan.

Dinala sya dito nang isang Doctor.

Ang sabi nya kasi nakita daw nya noon si Celine sa gitna ng daan. Duguan at wala ng buhay.

Hindi daw sya nagdalawang isip na gamutin ito. Na coma daw si Celine ng ilang taon at kamakaylan lamang nagising.

Nang tanungin nya raw ito ay wala itong maalala hanggang sa minsang nanaginip si Celine na tinawag ang buong pangalan ko. Doon na daw ako hinanap ng doctor na iyon at ito na nga. Nasa akin na syang muli.

Pero hanggang ngayon ay may tanong pa rin sa isip ko.

Paanong naging duguan si Celine sa kalsada?

Samantalang nilibing namin ang katawan nya noon?

Maraming katanungan ang gumugulo sa isipan ko at isa lang ang makakasagot non.

Si Celine.

Pero paano nya ako sasagutin kung ne isang alaala ay wala syang matandaan?

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Malambing na tanong ni Celine sa akin sabay yakap.

Hinayaan ko ito.

Pinapakiramdaman ko kasi ang puso ko kung tulad pa ba ng dati pag dating sa kanya.

"Gusto mo bang masahehin kita?" Tanong nyang may kasamang pang aakit.

"Cel---

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nya akong hinarap at marubrob na hinalikan.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon