12

2K 118 61
                                    

Apple POV.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ng nagmura si Sir Edward.

Mula nang dumating kami ng simbahan hanggang ngayong nandito na kami sa reception ay nagmumura pa rin sya.

Kahit sinong pinaka sa mga pinaka magagaling na pintor ay di rin kayang ipinta ang mukha nya.

Ang masaklap pati ako nadadamay.

Madalas ko sya kasing nahuhuli na lihim akong iniirapan.

Grabi. Wala naman akong ginagawa sa kanya.

"Hi"  bati sa akin ng isang lalaki.

Isa itong abay sa kasal. Base na rin sa suot nya.

"Hello" kiming bati ko.

Gwapo sya pero syempre mas gwapo si Mahal este si sir Edward.

Speaking of Edward. Nasaan na ba yon?

"Im Markus. You are?"

"Apple"

"Apple. Ang ganda ng pangalan mo. Kasing ganda mo" bola nya sa akin.

Pasimple kong inipit ang buhok ko sa likod ng taenga.

Dalagang filipina eh?

"Selemet"

"Huh?"nagtatakang tanong nya.

"Salamat kako"

"Ahm Apple if you dont mind. Pwede ba kitang masayaw?"

"Su---"

"No. Hindi sya pwedeng sumayaw. Makakasama sa baby NAMIN" biglang sagot ng bagong dating.

Nagulat na nga sa galit nyang mukha pero mas nagulat ako sa sinabi nyang BABY NAMIN?

"Baby? Buntis ka?" Naguguluhang tanong ni Markus.

"Kasasabi lang di ba?" Masungit na sabi ni Sir Edward.

"Sorry. Akala ko kasi Single ka pa. Nice meeting you nalang Apple" sabi ni Markus at umalis.

Hinarap ko si Sir Edward para singhalan pero masama naman ang tingin nito sa akin.

"Kung saan kita iniwan dapat doon ka lang. Kinuha na nga kita ng makakain para hindi ka na tumayo yon pala ay makikipag kilala ka lang sa mga lalaki" mahaba at madiin nyang sabi.

Mga?

Eh iisa lang yon.

Tsaka malay ko bang ikukuha nya ako. Basta nalang nya kaya akong iniwan.

Nakatanga pa rin ako sa kanya.

Ang weird kasi.

Iginaya nalang din nya akong umupo kasi pinagtitinginan na rin kami.

Wala kaming imikan habang kumakain hanggang sa ihahagis na ng bride ang bulaklak.

"Sa lahat po ng kadalagahan dyan. Tumayo na po. Huwag KJ" sabi ng emcee.

Paano ba naman kasi patayo na ako ng hinila akong pabalik ni Sir Edward.

Konti nalang iisipin ko na talagang nagseselos to eh.

Wala rin nagawa si Edward kundi ang pumayag na tumayo ako ng kantyawan sya ng bestfriend nya.

Wala na rin akong balak maki-agaw. Nakakawalang gana eh lalo na at ang sama ng tingin ni Edward sa akin na para bang sinasabing huwag kong saluhin ang bulaklak.

Pero sa di inaasahang pangyayari ay sa akin mismo nahulog ang bulaklak.

Nagpalakpakan naman ang mga tao pero ng tingnan ko si Edward ay galit itong tumayo at lumapit sa groom.

Matapos nyang kausapin ay ang emcee naman.

"Oww. Mukhang may seloso tayong jowa dito. Sinabi nya kasing sya na ang makakapares ng nakasalo ng bulaklak"

Namula ako dahil sa sinabi nya lalo na at papalapit sa akin si Edward.

"Bakit mo ginawa yon?" Bulong kong tanong sa kanya.

"Just shut up. Tingin mo ba gusto ko yon? Ayaw ko rin pero dahil sa sinalo mo yang bulaklak na yan kaya ako napilitan"

"So dapat pala akong magpasalamat sayo?"

Masamang tingin lang ang binigay nya sa akin. Inirapan ko naman sya.

Pagkakataon ko na para makahanap eh. Sinira nya pa.


Pigil hininga ako habang nakaupo. Paano ba naman kasi. Sa halip na kamay ay bibig ang pang taas ng garter.

Buti na lang maraming beses akong nag ugas ng Lactasid kundi naku...

Lalo akong namula ng nasa may hita ko na sya at nakatitig na sya sa akin sabay kindat.












Jusko.

Huwag ganon baka lalo akong mahulog at hindi na maka alis pa.

Buti sana kung kaya mong suklian ang Pagmamahal ko.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon