22

1.9K 116 75
                                    

Edward POV.

Inis na binato ko yong folder na naglalaman ng report sa paghahanap kay Apple.

2 years.

2 fucking years napabayaan at iniwan ako ng taong totoong minahal ko at ngayon. Dalawang taon na syang nawawala sa akin.

Arggg. Kasalanan ko ito. Masyado akong napaniwala noon ni Celine. Buti nalang at nahuli sya ni Erica na may kahalikang iba.

Doon ako nagpa-imbestiga.

At tama ang hinala ng parent ko. Walang amnesia si Celine. At ang doktor na nagdala sa kanya sa amin ay ang kalaguyo nya. Kaya lamang sya bumalik ay upang perahan ako.

Kung dati nagpapakatanga ako sa kanya. Na kahit unting lambing ibibigay ko ang lahat. Ngayon ay hindi na.

Pero hindi doon natatapos ang lahat.

Nalaman ko rin na hindi ako ang tunay na ama ni Erica.

Anak sya ni Celine at ang nagpakilalang doktor. Mula umpisa pa lang niloko na nila ako. Pinagkaisahan. At dahil sa kanya nawala din si Apple.

Kaya lamang sya bumalik upang perahan ako. Gagamitin nya ang sakit nya at si Erica sana sa akin. Pero naunahan ko na sya.

Nasaan ka na Apple.

Bumalik ka na.

Mahal mo pa kaya ako.










=======================================

Apple POV.

"Good morning Ma'am Apple. Nandyan po si Sir Rex sa labas"

Pagbibigay imporma sa akin ni Rhaine. Ang secretarya ko.

"Papasukin mo na. Di naman yan aalis ng di ako nakaka-usap" naiiling na sabi ko.

Wala pang isang minuto ay pumasok na ang isang matipuno, kagalang-galang, gwapo. Kumbaga nasa sa kanya na ang lahat ng hahanapin mo sa isang guy.

"Morning Sweety. Bakit hindi mo ako ginising?" Agad na sabi nya sa akin sabay halik sa noo ko.

"Pasensya ka na. Nagmamadali kasi ako. Marami akong kaylangang ipasang reports"

"Hayy. Ano pa bang magagawa ko? Isang ngiti at lambing mo lang. Nakuha mo na ako?"

"Naks naman. Lakas ko talaga sayo"

"Syempre Mahal kita eh"

"Mas mahal po kita. Sobra" malambing na sabi ko bago yumakap sa kanya.

Nag-usap lang kami ng saglit bago sya umalis. Papasok na kasi sya sa hospital na kanya rin namang pag-aari.

Pagka-alis nya ay muling pumasok ang secretarya ko.

"Ma'am Apple. May meeting po kayo ng 10 AM"

Tumingin ako sa orasan saktong 20 minutes nalang bago mag 10.

"Pasensya ka na Ma'am Apple. Sasabihin ko po sana sa inyo kanina kaya lang sabi ni Sir Rex maaga pa naman daw"

Sabi na eh.

Loko talaga.

"Its okey. Saan ba at sino ba ang kikitain ko?"

"So bali Ma'am ito yong pinakamalaking investor natin. Sila rin ang nagmamay-ari ng pinakamalaking kompanya dito sa pinas. Tapos Ma'am gwapo tapos--

"Reynaldo"

Oo nga pala muntik ko ng makalimutan. Bakla si Rhaine kaya ganyan sya.

"Ayy. Walang ganyanan Ma'am nag she-share lang ng info. Si Sir Edward Barber po ang kikitain nyo!"

"What?"

"Edward Barber ang hot Fafa ng pinas"

Ohh no.

Not now.

Not anymore...........























A/N

So ayon. Hindi nag back read si AQ kaya asahan na ang mga mali. Hahaha

D-dcate dz chap to. .DaleJohn14

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon