27

2.2K 129 24
                                    

Apple POV.

Inis na binato ko ang ballpen na hawak ko.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapag-isip ng maayos dahil sa pinag-usapan namin ni Edward.

What the fuck.

Ano ba kasing pumasok sa isip ng lalaking yon at biglang nagyayang magpakasal?

Di ba sila ni Celine?

"Ahhh"

"Kaylangan ko na bang gamutin ang kapatid ko?" Biglang sabi ni Rex.

Inirapan ko lang ito.

"Galing ng mata mong umikot ah."

"Shut up Rex"

Natatawang lumapit sya sa akin at inakbayan ako.

"Ano bang problema mo Sweety kanina pa kita napapansin na wala sa mood!"

Kinuwento ko ang lahat kay Rex. Well lahat lang ng napag usapan namin ni Edward kanina.

"Ohh tapos?" Nakakunot na tanong nya sa akin.

"Matapos kong sabihin lahat yan lang masasabi mo? Thanks huh"

"Ngayon ko lang nalaman na manhid ka pala"

"Hindi ako manhid Rex"

"Yes you are"

"No. Ayaw ko talaga kasi masisira pamilya nya pag pumayag ako" saka ko naisip si Erica.

Alam kong matagal ng pinangarap ni Erica na mabuo ang pamilya nya. Tapos sa isang banda ay masisira lang dahil sa pumayag ako magpakasal sa tatay nya.

"I think no. Wala kang masisira kasi sira naman talaga" nasabing bigla ni Rex.

Agad akong napalingon dito.

Huminga sya ng malalim.

"Well pina imbestigahan ko si Edward at nalaman kong hindi nya tunay na anak si Erica"

"What? How?"

"Simple lang. Gawa yon nong Celine. Umpisa palang pera lang ni Edward ang gusto nya. Lumaki sa bahay ampunan si Celine. Maraming nagsasabi na mabait daw itong bata. Nagbago nalang ng may umampon sa kanya. Dahil sa halip na arugain ito ay binaboy nya lang ang bata at nang magsawa na sya ay saka nya nilagay sa mga bar si Celine upang maging GRO. Mula noon nagbago ang batang yon. Walang hinangad kundi ang yumaman at magkapera. Kung sino-sino na ring matandang mayayaman ang kinasama nya. Hanggang sa nakilala nya si Edward"

Mahabang paliwanag nya.

Nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Pero hindi sapat ang awa na iyon upang hindi ako magalit sa kanya.

Pinaglaruan nya si Edward.

Pinaglaruan nya ang lalaking mahal ko.

Yes.

Mahal ko pa rin si Edward. Hindi naman nawala yon at ngayong nalaman ko ito ay mas lalo ko syang minahal.

"So. Anong plano mo?" Untag sa akin ni Rex.

"Kakausapin ko sya"

"At?"

"Hihingi ako ng tawad"

"At?"

"At. Teka nga lang. Bat ba At ka ng at dyan?" Inis na bulyaw ko dito.

"Ikaw eh. Masyado kang pakipot. Hindi mo dinideritso"

"Ang alin?"

"Ohh common sweety. Ang gusto kong malaman kung magpapakasal ka ba sa kanya at hindi"

"I dont know?"

Hindi ko naman talaga alam pa ang gagawin ko. Hindi pa ako makapag decide.

"You dont know? Sweety. Ilang taon na ang nasayang sa inyo. Magsasayang ka pa ba ng ilan pang nga araw dahil lang dyan sa pagiging pakipot mo? Common Sis wake up. Hindi ka na bumabata. Matanda ka na. Huwag mong hintayin na may sisira pa sa inyong dalawa"

Tama.

Ano pa nga ba kasi ang ikinakatakot ko?

Malinaw na sa akin ang lahat at maraming panahon na rin ang nasayang sa amin.

Siguro naman tama na ang mga panahong nasayang lang dahil sa maling akala.

Panahon na siguro para sumaya ako.

Niyakap ko si Rex ng mahigpit.

"Salamat Kuya"

Ngumiti sya ng malawak.

"Finally. Mahal na mahal kita kapatid ko. Lahat gagawin ko para sayo"


































A/N.

Lapit ng mag goodbye si Apple at si Edward. Fucos na tayo kay Joy at Gerard......

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon