11

2K 125 60
                                    

Apple POV.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.

Tinutoo ni Sir Edward na triplehin ang sahod ko pero gaya ng kanyang kundisyon ay hindi na ako pwedeng mag day off.

Hirap na rin akong makipag usap kay Troy kapag nandito sya. Dahil sa tuwing magkakalapit lang kami ay nakamamatay nang tingin ang ibibigay nya sa amin.

Hayy ewan ko ba. Minsan hindi ko maiwasang mag isip na may gusto sa sa akin pero gaya ng sinabi nya. Hinding-hindi daw nya ao magugustuhan.

Ayy kagulo bai...

"Mommy Apple tawag ka ni Daddy sa kwarto nya" ani Erica sa akin.

Teka?

Kwarto?

"Ano kamo?" Pagpapa-ulit ko. Mahirap na mamaya nyan namali ako ng dinig.

"Punta ka daw po sa kwarto nya"

So tama nga. Sa kwarto nga nya.

Humarap muna ako sa salamin.

Konting paganda,

Konting pabango.

Ganda mo talaga Apple.

"Mommy bakit ka nag me make-up?" Nagtatakang tanong sa akin ng aking future baby.

"Make-up? Hindi baby pulbos lang ito at konting lipstic"

"Ahh. Dalian mo na daw po. Naiinip na si Daddy"

"TALAGA? I mean talaga?"

"Yes po. Ang weird mo today Mommy"

Ngiti lang sinagot ko sa kanya.

Masyadong maganda ang mood ko para patulan sya.

Gagawa pa kami ng Baby ng Daddy nya.

Charrr..







"Ehemm. Sir pinapatawag nyo daw po ako?"

Oh my god.

Hindi ko alam kung bakit ako biglang pinagpawisan ng makita kong naka sando at boxer shorts lang sya.

Ito na ba yon.

"May gusto lan--- nagpango ka ba Apple?" Kunot noong tanong nya sa akin.

"Hindi Sir pawis ko lang po yan"eh ikaw Sir bakit naka-ganyan ka?

Gusto ko sanang idagdag kaya lang nahihiya ako. Baka magalit pa alaga nya.... este baka magalit sya.

"Pa yong make-up? Don't tell me na ganyan talaga ang mukha mo?"

"Ganon na nga yon Sir. Maganda na po talaga ako. Ikaw lang ang di nakakapansin"bulong ko sa huling salitang sinabi ko.

Akala ko hindi nya narinig pero...

"Anong ako lang ang di nakakapansin?"

Paktay.

"Naku wala Sir. Ano po palang kailangan nyo sa akin?"

Sya naman ay tumalikod at pumasok sa isa pang pinto.

Ngayon ko lang nakita yon. Bagay ngayon lang naman ako nakapasok dito.

Nang makapasok sya doon ay tinawag nya ako.

God..

Ito nanaman yong kabog ng dibdib ko.

Ito na ba yon?

Ngayon ko na ba maiwawala ang kayamanan ko?

Excited na parang ewan ako ng sumunod ako sa kanya pero ganon nalang ang pagka dismaya ko ng sa pagpasok ko ay library ang napasukan ko.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon