1

3.3K 111 28
                                    

Edward POV.

"Gabi-gabi ka nalang lasing Edward." Bungad ni Mommy pagpasok ko ng bahay.

Hindi ako sumagot. Nagmano lang ako bago nagtuloy sa kwarto.

''Hindi mo man lang ba sisilipin si Erica hah Edward? Kanina ka pa hinihintay ng anak mo"

"Bukas nalang Mom. Pagod po ako."

"Wala ka ng oras sa anak mo Edward. Kahit naman minsan bigyan mo sya ng oras. Hindi puto trabaho at alak nalang ang inaatupag mo"

"Mommy. Gusto ko lang pong makalimot"

"Apat na taon na Anak. Apat na taon ng patay ang kasintahan mo-

"Apat na taon na nga. Pero hanggang ngayon hindi ko pa matanggap na iniwan na nya ako. Kami ng anak namin."

Ang sakit. Sa loob ng apat na taon hindi ko nagawang kalimutan si Celine. Hindi ko matanggap na matapos magbunga ang pagmamahalan namin at kung kaylan malapit na ang kasal ay saka nya ako iniwan.

Hindi ko alam kung saan ako nagkulang.

"Anak kaylangan mo ng mag move on. Alam kong mahirap pero para kay Erica. May anak kang naghihintay sayo. Naghihintay ng atensyon mo."

"Susubukan ko Mommy"

"Huwag mong subukan anak. Gawin mo. Oo nga pala. Nag resign nanaman yong bagong nag aalaga sa kanya."

"Bakit nanaman po?"

Wala ng bago. Masyado sutil ang anak ko. Kaya naka ilang beses ng nagpalit ng yaya.

"Ginunting ni Erica ang buhok nya. Yong kalahati nakalbo"

"Sige Mom. Kakausapin ko po sya."

"Anak. Payo lang. Subukan mong bigyan kahit isang linggo ang anak mo. Para malaman mo kung saan nagmumula ang kasutilan nya"

Tango nalang ang isinagot ko kay Mommy. Masyado akong pagod para makipagtalo pa sa kanya.

Sa edad na apat ay talagang makulit si Erica. Nasobrahan pa nga. Hindi ko alam kung saan nya nakukuha ang mga ideyang ganon.

Bukas kakausapin ko sya.

Ano nanaman kayang nakahandang katwiran nya?




"Erica. Usap tayo"tawag ko kay Erica kinaumagahan matapos kaming mag almusal.

Mamaya pa ang meeting ko kaya may oras pa para makausap ko sya.

"Yes daddy?" Lapit nya sa akin.

Animoy walang kahit na anong ginawang kalokuhan.

"Bakit mo ginupit ang buhok ni Yaya Madel?"

Paawa epek na tumingin sya sa akin.

"Kasi Daddy lagi po syang nakapusod. Ginupit ko lang po para di na sya mahirapang magtali"

Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa naging sagot nya sa akin.

Ano pa bang bago,? Lagi naman talaga syang may nakahandang rason sa mga ginagawa nya.

"Next time. Huwag mo ng gagawin yon. Mamaya darating ang bagong mag aalaga sayo"

"May bago nanaman po?"

"Oo hindi na kaya ni Mamita mo ang alagaan ka mag isa."

"Bakit hindi nalang ikaw ang mag aalaga sa akin Daddy?"

"Anak sinabi ko na sayo diba?"

"Okey-okey. I knew it. Maglalaro na ako Dad" yon lang at iniwan na nya ako.
















A/N

SO KUMUSTA? OKEY PO BA?

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon