10

1.9K 128 62
                                    

Apple POV.

Matapos ang gabing yon ay dumistansya na ako ng kaunti kay Edward.

Mahal ko sya pero hindi ako tanga para hindi maintindihan ang sinabi nya sa akin.

Alam ko naman na kailan man ay hindi ako magugustuhan ng isang katulad nya. Sino ba naman kasi ako?

Isa lang naman akong Yaya ng Anak nya

Hindi na uso ang fairytale ngayon.

Pwede ko pa naman syang mahalin kahit na di nya nalalaman.

Yon maniniwala akong uso pa. Ang magmahal ng lihim.

Matapos din pala ng gabing yon ay naging malapit sa akin si Troy. Ewan ba sumobra ata ang kulit nya. Alam naman nyang may gusto ako sa pinsan nya.

Pero okey na rin. Kasi kinukulit lang naman nya ako pagkaharap si Sir Edward eh.

"Kahit anong titig mo dyan, di ka mamahalin nyan" ani Troy nang mapansin akong tinititigan si Sir Edward.

Linggo kasi ngayon kaya nandito sya. Sabi nga ni Nay Carmen ay himala raw. Dati rati kasi kahit na linggo ay pinapasukan nya. Himala na nga daw maituturing na hanggang five pm nalang sya umuuwi. Samantalang dati ay mag uumaga bago hindi pa sumisikat ang araw ay naka alis na rin.

"Masasaktan ka lang" dagdag pa nya.

"Alam ko. Pero wala naman sigurong masama na mahalin sya ng lihim"

"Walang masama. Hindi naman masama ang magmahal eh. Pero masakit magmahal. Lalo pa at hindi ka kayang mahalin pabalik ng taong mahal mo."

Nakapagtatakang nasa akin na ang atensyon nya kaya di ko naiwasang di sya pagtaasan ng kilay.

"Don' t tell me na may gusto ka sa akin" sabay hampas kunwari ng buhok.

Humalakhak sya sabay sabing,

"Gumising ka na nga sa kahibangan mo. Hibang ka na nga sa pinsan ko tapos mahihibang ka pa sa pag-aakalang may gusto ako sayo?" Muli ay tumawa sya.

Tsk. Tingnan mo tong kumag na to.

Inirapan ko sya at tangkang iiwan nang mahawakan nya ang braso ko.

"Pero paano nga kung may gusto ako sayo? Masusuklian mo rin ba?"

"Troy--

"Sa pagkaka-alam ko. Nandito ka para bantayan ang anak ko hindi ang pinsan ko. Kaya kung ako sayo alagaan mo ang Anak ko hindi yong kung anu-anong inaatupag mo at ikaw naman huwag kang panggulo sa mga nagtatrabaho" madiin na sabi ni Sir Edward.

Halata rin na nanggagalaiti sya.

Napapahiyang yumuko ako at magalang na nagpa-alam.

"Sorry po. Hindi na po mauulit. Maiwan ko na po kayo"

"Dapat talagang hindi na ito mauulit. Kundi sisisantihin kita" galit pa ring sabi nya sabay alis.

Nang medyo makalayo naman sya ay biglang sumipol itong pinsan nya.

"Walk out boy." Naiiling pang sabi nya.

Matapos ay pasipol-sipol syang umalis.











"Day off mo bukas Hija. Saan mo balak pumunta?" Tanong ni Nay Carmen habang naghahanda kami ng hapunan.

"Hindi ko pa po alam Nay. Siguro tulad ng dati. Mag iistay ako sa puntod ng mga magulang ko."

"Patay na  pala ang mga magulang mo?" Paniningit na tanong ni Troy.

Nandito na sila kasama si Sir Edward.

Maaga kasing nakatulog si Erica kaya kami nalang apat ang nandito.

"Opo Sir. Tuwing day off ni Apple pumupunta sya roon." Ani Nay Carmen.

"Ganon ba? Gusto mo samahan na kita tapos mag date tayo pagka galing namin doon."

Nagulat kami ng may biglang bumagsak na kutsara.

Kutsara ni Sir Edward.

"Okey ka lang Insan?" Naka-ngising tanong ni Troy na sinuklian lang ng masamang tingin ni EDward.

"So gaya ng sinabi ko. Samahan kita bukas tapos date tayo" pangungulit pa ni Troy.

"Si--

"Hindi ka pwedeng mag day off bukas. Igagala ko si Erica. Kaylangang kasama ka" biglang singit ni Edward.

"Lunes bukas Insan. Wala ka bang pasok?"

Lunes kasi ang day off ko. Ewan ko ba kung bakit mas gusto ko ng monday.

Wala pa namang pasok kasi bakasyon palang.

Natahimik si Sir Edward.

Pero nakabawi din agad.

"Naglambing kasi si Erica kaya pagbibigyan ko na. Isa pa ako naman ang amo doon"

"Naglambing? Himala atang pagbibigyan mo sya?"

"Pwede ba Troy manahimik ka nalang" inis na sabi nya bago nagsimulang kumain.

Tahimik naman kami ni Nay Carmin subalit sadyang makulit si Troy.

"Di bale sa susunod na day off mo nalang Apple labas tayo"

"Walang ng kasunod dahil mula ngayon hindi na sya pwedeng mag day off" sagot nanaman ni Edward.

"Pero Sir" ungot ko.

"Dodoblehin ko sahod mo o kahit triple pa. Basta hindi ka na mag deday off lalong hindi ka pwedeng makipagdate"

At gaya ng dati.



Walk out.










Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon