Apple POV.
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Hanggang ngayon ay ginugulo pa rin ako ng pag-uusap namin ni Nay Carmen kagabi at sa tanong nya sa akin.
Flashback.
"Nararamdaman mo ba yan ngayon kay Sir Edward?"
Hindi ako nakasagot agad. Pero ng makabawi ay nagpeke akong ng tawa.
"Kalowka ka Nay ha. Para nagtatanong lang ako eh. Tsaka si Sir Edward agad? Dami kayang lalaki dyan"
Gosh... Salamat at di nabulol dila ko.
"Hija. Gaya ng sabi ko. Nagmahal na ako. Alam ko ang pakiramdam at alam na alam ko ang ganyang kilos mo. Inlove ka kay Sir Edward tama?"
Muli ay yumuko nalang ako.
"Mabait si Edward. Masayahing bata. Lahat ng katangian ng lalaki na hihilingin ng babae nasa kanya na. Pero nagbago ang lahat mula ng mamatay ang kasintahan nya. Nang mamatay si Erine naging bugnutin na sya. Inuubos rin nya anh oras nya sa trabaho. Wala syang oras kay Erica. Kaya anak. Kung totoo man ang obserbasyon ko sayo. Sana ikaw na ang magbalik sa ngiti nya. Sa dating Sir Edward na kilala ko."
End of flashback.
"Apple"
"Ayy tatay mong may puki"biglang naibulalas ko nang bumulaga sa harapan ko si Sir Edward.
"Ano kamo?" Salubong na kilay na tanong nya sa akin.
Shocks.. Ano yong nasabi ko.
Pero ang gwapo nya talaga.
"Hey Apple?"muling untag nya sa akin.
Apple.
Ang sarap sa pandinig pag sya ang nagtatawag ng pangalan ko.
Ang sarap ng imagine ko hanggang sa maramdaman ko ang malamig na tubig na bumuhos sa akin.
"Shit. Stop that Erica" sigaw ni Sir Edward kay Erica na syang salarin sa pagbuhos ng tubig sa akin.
"Daddy tinutulungan lang po kita. Tulog pa kasi si Yaya Apple habang kausap nyo. Ginising ko lang" sagot nyang naka-ngisi sa akin.
Anak nang..
Demonyeta talaga tong batang to.
"Erica pwede ba tigilan mo ako sa mga palusot mong ganyan. Say sorry to Apple" utos nito.
Tiningnan nya lang ako.
Samantalang ako?
Ito nilalamig. Ang lamig na nga ng klema. Ang lakas pa ng Aircon at kung sinuswerte ka pa. Nag ice bucket challenge ako ng di ko man lang nalaman.
"Erica"
"Okey fine. You. Sorry pero sa susunod huwag kang matulog ng dilat" sabay irap sa akin at pasok sa loob ng kwato.
Nanginginig na nagpaalam ako sa future hubby ko....este kay Sir Edward.
"Sir magpapalit lang po ako"
"Sige. Pagpasensyahan mo na sana si Erica. Ulit" naka-ngiting sabi nya.
Bushak na yan. Ang puso ko nagririgodon.
Ang unabg ngiting nasulyapan ko sa kanya.
Haixt.
Papayag na akong araw-araw mag ice bucket challenge kung ganito ang premyo ko.
"Gusto mong maligo ulit?" Tanong ng impaktita.
Teka?
Nandito nanaman sya?
"I forgot my Barbie doll" sabi nya. Sabay kuha nito at binilatan pa ako.
Pag tingin ko kay Sir napapahilot nalang sya ng sentido nya.
"Gaya ng sabi ko Apple. Pasensya ka na ulit. Sana di ka magsawa sa kanya"
"Sus hindi Sir. Magiging Anak ko yan"
Wait?
Putang ina.
"Huh?"
"Ahmm ano Sir. Ahmm ang ibig kong sabihin. Anak na ang turing ko kay Erica kaya okey lang sa akin."palusot ko.
Shit ka talaga Apple.
"Ah sige. Magpalit ka na at baka magkasakit ka pa. Yong binilin ko sayo.huh? Mauuna na ako"
Yon lang ay umalis na sya.
Teka. Ano ba yong sinabi nya?
Ang tanga mo Apple. Day dreaming ka pa kasi.
A/N
Yong nasabi ni Apple nung nagulat sya ay nakuha ko lang po noong ginulat ko yong hipag ko. Hahahaha..