9

2K 115 69
                                    

Apple POV.


Naging maayos at lalong naging maganda ang pagsasama namin ni Erica. Lumi-level up pa nga dahil naging Mommy ang tawag nya sa akin.

HIndi naman nya sinabi kung gusto nya talaga akong totoong Nanay nya ang sabi nya kasi ay gusto nya lang maranasan na may tinatawag na Mommy.

Syempre dahil may gusto ako sa Tatay nya........ Este napamahal na rin sa akin ang batang ito. Sinabi ko na rin naman sa sarili ko na ituturing ko nasyang parang tunay kong anak. Kahit pa walang Edward.

Pinaka-bunos ko nalang yong kasali ang Tatay.

"Mommy?"

"Ahmmp?"

"May gusto ka ba kay Daddy?"

Inubo ako dahil sa pagkasami sa sariling kong laway.

Pucha.

Ganon na ba ako kahalata?

Wala naman akong ginagawa ah?

Tulala na nga ako pag nandyan sya.

Hindi na nga ako nagsasalita dahil sa kilig dahil nandyan sya.

Hindi makakain dahil kasabay sya.

Saan doon ang mahahalata?

"Mommy?"

"Hi--hindi ah. Paano mo naman nasabi na may gu--gusto ako sa Daddy mo?"mahal ko kaya sya.

"Mukha ka po kasing tanga pag nandyan sya."

Anak-nang?

Akala ko ba nagbago nato.

"Erica!"

"Mommy. Sinasabi ko lang po ang naoobserbahan ko. Mukha ka kayang ewan pag nandyan sya. Now tell me. May gusto ka ba sa kanya?"

Kalowkang batang ere.

"Ano. Wa-wala noh." Kaila ko. Mahirap na. Kahit na sabihin na good na kaming dalawa.

"Ahmm okey. How about Tito Troy? Do you like him?"

Eh?

"Wala. Wala akong gusto nino man sa kanila" sabi ko nalang para tigilan na nya ako.

Pero akala ko lang pala yon.

Dahil ng maghahapunan na nagsimula nanaman sya.

"Daddy?" Umpisa nya.

Wala pa man syang tanong ay may kaba na akong naramdaman.

Para ayaw kong ipabuka ang bibig ng batang ito.

"Yes?"

"Paano po malalaman kung may gusto sayo ang isang tao?"

Dug...dug...dug..

Powta.

Parang alam ko na to.

Tumingin sa akin si Edward at Troy.

Hala?

Tumingin ako sa kanila na para bang sinasabing,

Wala akong kasalanan dyan.

"Bakit Erica?" Si Troy ang unang nagtanong.

"Kasi may napapansin ako kay Mommy Apple"

Shit..

Tang-ina.

Lalong dumagundong ang puso ko. Lalo na at talagang napukos na ang tingin nong dalawa sa akin.

Maging si Nay Carmen ay sa akin na rin nakatingin.

"Mommy Apple?" Si Troy ulit.

"Yup. Mommy tawag ko sa kanya. Akala ko kasi may gusto na sya kay Daddy. Iniisip ko na pag niligawan na nya si Daddy magiging Mommy ko na sya"

Hayy Putang-ina.

"Ligawan? Boy ang nanliligaw Baby hindi Girl." Paliwanag ni Troy.

Sila na kasi nag uusap.

Natahimik ako. Lalo na si Edward.

Ano kayang nasa isip nito ngayon?

"Ganon ba yon? So Daddy kailan mo po likigawan si Mommy Apple?" Tanong nya sa ama na ikinalaki ng mata ko.

"Erica" sabay pa naming tawag sa bata.

"What? Nagtatanong lang ako. So Dad. Kailan nga po?"

Parang huminto ang mundo at oras habang hinihintay ko ang sagot nya.

Natahimik din silang lahat dito na para bang isang kayamanan ang sagot ni Edward.

Pero para itong bomba magpapasabog sa puso ko ng sumagot sya.

"Never. Hindi ko sya gusto at hindi ko sya magugustuhan" pagka sabi non ay umalis na sya at iniwan kami.











"Iniisip mo ba ang sagot nya sayo?"

"Ayy TITI mong panot"

Shit. Muntik akong atakihin sa puso nang biglang magsalita si Troy sa likod ko.

Paano ba naman. Alas onse na ata ng gabi at ako lang ang nandito sa labas ng Garden. Tapos may biglang magsasalita.

"Ganyan ka ba lagi pag nagugulat?" natatawang tanong nya sa akin.

"Oo" nahihiyang pag-amin ko.

"Ang sagwa sa babaeng katulad mo"

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Eh sa kung hindi mo ko ginugulat. Hindi ako makakapagsalita ng ganon"

Naiiling na umupo sya sa bermuda grass.

"Yong tanong ko. Iniisip mo ba ang sagot nya kanina?"

Nagkunwari akong di alam ang sinasabi nya.

"Pinagsasabi mo?"

"Alam kong alam mo ang tinutukoy ko Apple"

May magagawa pa ba ako?

"Nasaktan ka ba?" Muling tanong nya.

Hindi pa rin ako nakasagot.

"Mahal mo nga"

"Huh? May sinabi ba akong mahal ko sya?"

"Pero hindi mo ikinaila na nasaktan ka"

"Nasaktan ako pero---"

"Thats it. Hindi ka masasaktan kung hindi mo sya mahal."

Umiwas ako ng tingin.

"Hindi noh. Gusto ko lang sya. Yong lang yon"

"Gusto sa una. Habang tumatagal nagmamahal na yan."

Hindi pa rin ako naka imik.

"Anong plano mo?"

"Plano saan?" Naguguluhang tanong ko.

"Sa nararamdaman mo!"

"Wala at nagmamakaawa ako sayo Troy huwag na huwag mong sasabihin sa kanya. Please"

"Bayaran mo muna ako para sa pananahimik ko"

"Ano?" Gulat ko.

Bayad?

"Joke lang ito naman. Huwag kang mag alala. Safe sa akin lihim mo. Ikaw. Sayo di magiging safe. Kita mo na pati bata alam ang kilos mo. Ayusin mo ng hindi ka mahalata"

"Oo. Salamat"

"Pumasok ka na sa loob mahamugan ka pa dyan." Sabi nya bago sya naunang pumasok.

Sana nga manatiling lihim sa kanya yon dahil hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya.

Lalo pa at sinabi na nyang hindi nya ako magugustuhan.

Sakit bes....

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon