Apple POV.
Ayaw ko man gawin pero tumuloy pa rin ako. Trabaho ko ang nakakasalalay dito. Ano nalang ang sasabihin ni Rex kung nang dahil lang sa isang dating pag-ibig eh masisira ang kompanyang pinaghirapan nya.
Oo sa kanya din ang kompanyang yon. Bukod sa Hospital, Mall's, Restaurants ay marami pa ang pag-aari nya.
At ang kompanyang yon ang ipinamahala nya sa akin.
Pinag-aral muna nya ako noon. Itinuro nya ang lahat.
Lahat-lahat.
Sa larangan ng trabaho at maging sa pagkilos ko.
Siguro kung hindi dahil sa kanya ay wala ako sa kung ano man ang meron at natatamasa ko ngayon.
Kaya mahal na mahal ko sya. Hindi dahil sa pera nya kundi sya mismo.
Minahal nya ako.
"Apple?" Tawag na nagpatigil ng malalim kong pag-iisip.
Sandaling nanahimik ako. Ngunit ng makita kong yayakapin nya ako ay naging alerto ako.
Bigla ko lang inabot ang kamay ko sa kanya.
"Hi Mr. Barber its nice to see you again" ngunit sa loob-loob ko ay nanalangin na sana ay hindi na kami nagkita pa.
Marahil ay nagulat sya sa inasta ko.
Tinitigan nya lang ang kamay ko at hindi inabot kaya binaba ko na ito at iminustra ang upuan at sinimulan ang dapat simulan.
"So Mr. Barber. Nakapag desisyon na po--
"Anong nangyari sayo Apple? Bakit bigla kang nawala?"
Natahimik ako.
Naman.
Yan ang ayaw ko eh.
Dapat kasi di Rex nalang inutusan ko dito. Company din naman nya yon.
Nagkibit balikat ako.
Ayaw kong manumbat ngunit ganon pa rin ang kinalabasan.
"Ayaw ko na sigurong ipagsiksikan pa ang sarili ko sa lugar na alam kong wala naman akong pwesto"
"Bakit hindi ka nagpaalam?"
Kasi masaya kang nakikipaglaplapan noon.
"Inisip ko kasi na hindi na kaylangan. Ano lang ba ako doon? Katulong! Taga alaga ng anak mo."
"Pero alam mong hindi lang yon ang koneksyon nating dalawa"
"Past is past Mr. Barber at wala tayo dito para pag-usapan yan. Mas importante ito---
Bigla nyang binagsak ang kamao nya sa lamesa dahilan upang makakuha kami ng atensyon ng mga tao.
"Wala ng mas iimportante pa sayo at sa akin. Sa relasyon natin"
Nanggigil na sabi nya sa akin.
Galit sya.
Sa ilang buwan o mag iisang taon ko syang nakasama alam ko kung kaylan sya galit.
"Look Mr. Barber hindi yan ang pinunta ko dito. Kung hindi rin yon ang pag-uusapan natin ay mabuti pang mauna na ako. Marami pa akong gagawin na importante kesa alalahanin ang mga di na dapat alalahanin"
Tumayo ako at handang iwan sya.
"Dyan. Dyan ka magaling ang umiwas. Yong hindi mo muna pakinggan ang sasabihin ko."
So kasalanan ko pa.
"Oo na. Kung yan ang tingin mo. Oo magaling na kung magaling umiwas. Pero alam mo bang sumasablay din ang pag-iwas ko? Kasi sobra ang pag-iiwas kong masaktan ako. Sobrang iniwasan ko ang magmahal ng kagaya mo kasi alam kung ako rin ang talo. Pero hindi ko naiwasan eh. Kaya heto ako. Nasasaktan"
"Apple-
"Tama na Edward. Tapos na yon. Masaya ka na at masaya na rin ako"
Ngumiti sya ng malungkot.
"Hindi ako masaya Apple. Maraming nangyari kung pakikinggan mo lang ako"
Di masaya?
Di ba buo na pamilya nya.
"May hindi lang kayo pagkaka-unawan nj Celine pero maayos din yan. Kawawa ang anak mo"
"Hindi---
"Sweety"
Sabay kaming napalingon sa likod ko ng may sumigaw.
"Rex"
"Sweety di ba sabi ko sayo sabay tayong mag lunch? Pag punta ko ng office wala ka na." Sabi nya sabay halik sa noo.
"Sorry. Tinatapos ko lang ito." Lambing ko sa kanya.
Hanggang sa may tumikhim.
"Ahmm. Sino sya Sweety?" Nakataas na kilay na tanong ni Rex.
"Edward. Sya yong ka-meeting ko. Pero tapos na kami"
"No. Hindi pa kami tapos at kaylan man ay hindi kami matatapos" naka-kuyom ang kamao ni Edward habang sinasabi yon.
At sa puntong ito. Alam kong hindi maganda ang kalalabasan pag magtatagal pa kami dito.
"Sa susunod nalang tayo mag-usap Mr. Barber"
"No"
"Sa susunod"
"I said no. Ngayon tayo mag-uusap."
Inis na hinarap ko sya.
"Sa susunod tayo mag-uusap o walang ng susunod?"
"Apple"
"Mamili ka!"
Iiling-iling syang naka-ngiti ng malungkot.
"May choice pa ba ako? Mukhang wala naman na. Kahit ikaw may pinili na" malungkot na sabi nya sabay alis.
Binangga nya pa si Rex.
Buti nalang at napigilan ko yong isa. Kundi nasapak nya si Edward.
A/N
Sabi nga nila. Ang babae raw matiisin yan. Lahat kayang tiisin nyan kaya pag yan biglang nagbago at naghanap ng iba. Lalaki na ang may problema.