7

2.1K 131 53
                                    

Apple POV.

Umaga palang ay aligaga na kami ni Nay Carmen. Dahil may darating daw na bisita.

Buti nalang sinabi din ni Mahal...Este ni Sir Edward kay Nay Carmen yong bilin nya sa akin.

Darating daw yong pinsan nyang lalaki at pansamantalang dito muna manunuluyan.

Ako ang pinalinis ng magiging kwarto nya pansamantala kasi aalis si Nay Carmen papuntang palengke.

Magtatanghali na rin ng maayos namin ang lahat.  Nakapagluto na rin ng tanghalian dahil dito rin manananghali si Sir Edward.

Hayy. Salamat naman at uuwi ang Mahal ko. Gaganda ulit ang araw ko na sinira ng future kong anak.

Gaya nalang ngayon.

"Yaya Apple. Bakit ang pangit mo?" Seyusong tanong nya.

Anaknang..

"Erica di ba sabi ko sayo. Masama magsabi nh Badwords?"

"Yaya wala akong sinabinh badwords. Tinatanong lang kita. Bakit ang pangit mo?"

"Ako? Pangit? Malabo na ang mata mo Erica."

"Yaya ikaw ang malabo ang mata."

Jusko. Ang kukit.

Paki paalala nga sa akin na magiging anak ko to sa future!

Hindi ko sya pinansin.

Tanong sya ng tanong pero ngiti lang sagot ko sa kanya.

"Baliw ka ba Yaya? Kanina ka pa ngiti ng ngiti. Wala naman nakakasaya sa mga sinasabi ko. Nilalait nga kita eh"

"Sakto. Nilalait mo ako. Kaya naka-ngiti lang ako."

"Huh? Di ba dapat mainis ka sa akin? Di ba dapat iiwanan mo din ako tulad nila kasi Bad girl ako?"

"Naka-ngiti ako kasi naniniwala ako sa sabi nila na kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. Ibig sabihin sa halip na patulan kita. Ngingitian nalang kita. Yon ang madaling paliwanag don. At hindi kita iiwan. Trabaho kong alagaan ka"

"Binabayaran ka kaya mo lang ako binabantayan?"malungkot na sabi nya.

Matagal ko ng nahahalata na parang may pinaghuhugutan itong batang ito. Pero base sa sagot nya sa akin ngayon napatunayan kong meron nga.

"Hindi lang dahil doon. Oo inaamin ko na isa yon sa rason pero inaalagaan din kita dahil gusto ko. Kasi kahit maldita ka at sutil. Mahal kita"magiging nanay mo kaya ako.

"Mahal mo po ako kahit na inaaway kita?"

"Yup"

"Hindi mo ba ako iiwan tulad nila?"

"Sinong sila?"

"Yong Mommy ko tapos si Daddy lagi namang wala dito. Hindi nya ako love kasi bad girl ako" bigla syang humikbi na kinagulat ko.

Agad na nilapitan ko sya at kinarga.

Inupo ko sya sa akin.

"Erica. Hindi ka iniwan ng Mommy mo dahil sa gusto nya. Kinuha na sya ni Lord. At maniwala ka. Mahal ka ni daddy mo. Nagtatrabaho sya para sayo. Para ibigay ang mga kaylangan mo. Para sa kinabukasan mo"

"Kapag ba nagtrabaho sya at naibigay ang lahat sa akin. Sapat na ba yon para sabihing mahal nya ako?"

Shit naman.

Ke bata-bata kalalim ng tanong.

"Nagpapakita rin yon ng pagmamahal." Sagot ko nalang.

"Hindi po ba naisip ni Daddy na kaylangan ko rin sya. Na gusto ko syang makasama? Na namimiss ko rin sya?"

"Yan ang di masasagot ni Yaya pero isa lang ang sigurado ako. Mahal ka ng Daddy mo kahit anong mangyari. Walang magulang na di mahal ang anak nila. Minsan anak lang talaga ang matigas"

"Yaya huwag mo akong iiwanan ha? Pangako hinding-hindi na kita aasarin. Huwag mo lang akong iwan"

"Hindi Baby. Hinding-hindi kita iiwan"

"Promise?"

"Promise!" Sabi ki sa kanya.

Sa gulat ko ay niyakap nya ako at hinalikan.

Hayy sana naman magtuloy-tuloy na ang kabaitan ng batang ito.










Saktong alas dose dumating si Sir Edward at isa pang lalaki. Tingin ko ay ito yong pinsan nya.

Umupo muna sila sa salas habang nag aayos kami ng pagkain nila.

"Apple ikaw na ang tumawag sa tatlo. Nakahanda na ang pagkain kamo" utos ni Nay Carmen sa akin.

Dahan-dahan akong lumapit sa dalawang nilalang na naka upo at masinsinang nag uusap.

Grabi ang gwapo naman ng pinsan nya.

Grabi ang gwapo naman ng pinsan nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pero syempre mas gwapo si Hubby ko.

"Mga Sir nakahanda na po ang pagkain" bigay imporma ko sa kanila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Mga Sir nakahanda na po ang pagkain" bigay imporma ko sa kanila.

"Yaya Apple. Oh di ba tito Troy. I told you she's pretty" sabi ni Erica.

Aba nag iba talaga ihip ng hangin.

Pasimple kong inipit yong buhok ko sa likod ng tenga.

"Maliit na bagay" sabi ko sa maliit na tinig.

"Yeah. Very pretty. Hi I'm Troy. Pinsan ni Edward."

Paglalahad nya ng kamay.

Tatanggapin ko na sana nang may magsalita.

"Tama na yan. Lalamig na yong pagkain" pagalit na sabi ni Edward at basta nalang inakay ang anak nya sa Lamesa.

"Nangangamoy selos. Interesting. By the way nice. Very nice meeting you Mansanas" naka ngiting sabi ni Troy.

Mansanas?

Pucha na yan.

Pero selos daw?

Sinong nagseselos?

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon