20

1.9K 109 67
                                    

Apple POV.

Kanina ko pa pinagmamasdan si Edward at Celine na nag-uusap sa may sala.

Masakit.

Sobra.

Pero anong panama ko sa kanya?

Sya ang totoong mahal ni Edward. Alam ko naman yon. Dahil biglang nag iba na ang pakikitungo sa akin ni Edward at maging ni Erica.

Halos nga di nila maiwan si Celine.

Naiintindihan ko naman kasi bumalik nga naman si Celine na walang maalala.

May amnesia sya.

Ayon sa doctor na tumitingin at nag aalaga sa kanya.

Hanggang ngayon di pa malinaw kung paano at ano ba talaga ang nangyari sa kanya.

Pero isa lang ang malinaw.

Wala na akong lugar sa bahay na ito at sa buhay ng mag-ama.

"Hija"

Pasimple kong pinunasan ang luha ko ng tawagin ako ng Mommy ni Edward.

Pilit na ngiting humarap ako sa kanya.

"Ma'am

Nakatingin sya sa akin ng may lungkot.

"Di ba sinabi kong Mommy na ang itawag mo sa akin?"

"Mukhang hindi na po pwede" malungkot akong ngumiti bago tumingin sa tatlong masaya ng nagkekwentuhan.

Buti pa sila masaya.

Samantalang ako nadudurog.

"Bakit naman? Porke ba nandyan na si Celine? Apple kahit na ano o sino pang dumating hindi magbabago ang tingin ko sayo. Minahal ka na namin at tinuring na anak, kapamilya. Wala ng magbabago doon"

"Salamat po"

"Hindi ko alam kung paano pero sana maunawan mo ang nangyayari Apple"

"Opo. Alam ko po ang lugar ko"

Niyakap nya ako at doon di ko napigilan ang luha ko.











########################################
Edward POV.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa pagbabalik ni Celine.

Magulo.

Nalilito.

Natatakot?

Ewan ko.

Bakit kasi ngayon pa?

Ngayon pang nagkamabutihan na kami ni Apple. Ngayon pang tanggap na sya ng mga magulang ko.

Ngayon pang nagpaplano na akong pakasalan sya?

Paano ko na gagawin yon ngayon.

Nandito na ang babaeng una kong pinangakuan ng pag-ibig.

Ang unang babaeng pinangakuan ko ng kasal?

"Edward?" Tawag sa akin ni Celine.

"Ahmm?"

"Sya ba?"

"Huh?"

"Sya. Yong babaeng kausap ng Mommy mo? Sya na ba ang bagong may ari ng puso mo?"

Tanong nyang nagpatahimik sa akin.

"Alam mo bang nasasaktan ako sa tuwing titingin ka sa kanya? Maaring wala akong maalala ni isa sa nakaraan ko. Pero yong puso ko nakilala ka at nasasaktan sya ngayon sa kaalamang may nagmamay-ari na ng puso mo"

"Celine"

"Sshh. Alam ko naman eh. Matagal akong nawala sayo at di kita masisi kung magmamahal ka ng iba. Pero baka naman. Baka naman pwedeng ako nalang. Ako nalang ulit Edward. Hindi man ako nakaka alala pero kapag kasama kita, kayo ni Erica pakiramdam ko buo ako. Masaya ako"


Tinitigan ko sya ng maigi. Iniisip kung ano nga ba ang dapat kung gawin?

Kung babalik ako sa kanya.

Paano si Apple?














Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon