5

2.1K 110 29
                                    

Apple POV.

Mula nang makita ko si Sir Edward ay hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Oras-oras kasi sya ang laman ng isip ko.

Hinahanap-hanap ko sya pag wala sya.

Pag nandyan naman sya para akong bulating nilagyan ng asin.

Nag-aalala kapag wala pa sya sa gabi at iniisip kong nakakain ba sya sa tamang oras.

Ano ba tong nararamdan ko?

Tama ba ito?

"Uyy Hija tulala ka nanaman dyan." sita sa akin ni Nay Carmen.

Napapahiyang yumuko ako.

Nandito na kami sa kwarto namin. Alas dyes na rin ng gabi. Handa na para matulog ngunit may gumugulo pa rin sa isipan ko.

"May boyfriend ka ba HIja?"

"Wala po."

"Eh bakit ka nagkakaganyan? ilang araw ko ng napapansin yang pagiging tulala mo. Dahil nanaman ba sa alaga mo?"

Napairap ako ng di oras.

Paano naman kasi yong batang yon. Anghel nga ang mukha may pagka-demonyeta naman ang ugali.

"Naku si Erica po ba? Okey po yon. Ano nalang naman yong ginawa nya sa akin. Nilagyan lang naman ng chili powder yong ulam ko. Tapos nilagyan lang naman po nya ng asin yon juice ko. Naku maliit na bagay lang po yon."

Totoong maliit na bagay lang yong kumpara ng mga nakaraang araw.

Kasi yong conditioner ko pinalitan nya ng glue. Maging ang lotion ko may glue rin. Minsan naman yong polbos ko binuhos nya sa kumot ko kaya ang ending inubo ako ng husto.

Marami pang kababalaaghang ginagawa si Erica sa akin pero iniisip ko nalang ang daddy nya. Este ang trabaho ko at tutuluyan.

"Apple, pagpasensyahan mo nalang sana ang batang yon. Ganoon na talaga sya. Sa totoo lang napaka-bait at napaka-lambing ng batangyan. Ewan ba at bigla syang nagbago." malungkot na sabi ni Nay Carmen.

"Okey naman po ako Nay. Kaya ko naman po."

"Salamat Hija. Sana habaan mo pa ang pasensya mo sa kanya. Hindi ko na kasi din alam kung saan kami makakatagpo ng yaya na magtyatyga sa kanya.'

Ngiti ang isinagot ko hanggang sa naisipan ko syang tanungin.

"Nay Carmen matanong lang ho. Wala po ba kayong sariling pamilya?"

"Wala. Mula kasi ng mamatay ang nobyo ko noon ay hindi na ako tumingin sa iba. Nangako kasi ako na kung sino ang unang lalaking mamahalin ko sya na rin ang huli"

"Sorry po kung naging matanong ako."

"Apple Anak, alam kong may bumabagabag sayo. Natatakot ka lang magtanong"

Sabi nyang kinagulat ko. Ganon ba ako ka transparent?

"Sige na HIja magtanong ka"

Nahihiya man ay nagtanong na rin ako.

"Ano po bang pakiramdam na magkaron ng boyfriend? Nang taong minamahal?"

Gulat na napatingin sya sa akin.

"HIndi ka pa nagkaka Boyfriend?"

"Hindi pa po"

"Sa ganda mong yan?"

"Sus maliit na bagay"biro ko na ikinailing nya.

"Masarap magmahal lalo kung mahal ka rin ng mahal mo. Magiging masaya ka at parang sa kanyalang iikot ang mundo mo"

"Pero paano po ba malalaman kung nagmamahal ka na?"

"Mahal kasi malalim na salita na yan. Mahirap eexplaine kasi kahit ako di ko kayang eexplain sayo. Pero nagsisimula yan sa nag-aalala ka sa kanya ng di naman dapat. Masaya ka kapag masaya ka. Malungkot pag malungkot sya. May kilig kapag nandyan sya. Yong tipong gustong-gusto mo syang kausapin kahit na wala naman kwenta ang topic tapos yong tawa ka ng tawa sa mga jokes nya kahit na napaka korny na at nasasaktan pag may kasama syang iba"

Kumabog ang dibdib o matapos syang magsalita. Dahil ganun na ganun ang nararamdaman ko kay Edward. Except sa mga jokes kasi hindi pa kami nagbibiruan. Nakikipag usap lang sya ng kung anu-anong bagay. Tapos yong nagseselos pag kasama nya ang secretarya nya hipon.

Nakuuuuu.

Wait.

Sinabi ko bang selos?

Nagseselos ako?

Oh no.

"Bakit HIja? Naramdaman mo na ba yan?'

Nasamid ako ng sarili kong laway ng marinig ko yon.

Pero ikakamatay ko na yata ang pagkasamid ko ng marinig ang huli nyang sinabi.

"Nararamdaman mo ba yan ngayon kay Sir Edrward?"



































A/N

Aamin o HIndi?

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon