Edward POV.
Pagpasok ko palang ng bahay ay sumalubong na sa akin si Nay Carmen na nag-aalala.
"Lasing ka nanaman Hijo. Walang araw na hindi ka lasing umuwi. Ne hindi ka na kumakain. Magkakasakit ka nyan"
"Mabuti nga ho iyon Nay. Nang di ko na maramdaman yong sakit."
Bakit ganon. Napakadali sa kanyang palitan ako. Ne hindi man lang nya ako kina-usap noong umalis sya.
Flashback.
Agad na tinulak ko si Celine ng bigla nya akong halikan ng mariin.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.
"Hindi mo na nga ako mahal."
"Celine!"
"Alam ko naman eh. Pero ang hindi ko matanggap ay sa isang katulong mo pa ako pinagpalit"
Natahimik ako at di nakapagsalita.
Tama sya. Wala na akong nararamdamang kahit anong pagmamahal sa kanya. Awa nalang. Dahil may babae ng nagmamay-ari ng puso ko.
Si Apple.
"Hindi lang basta katulong si Apple."
"Ano ba yan. Mula ng dumating ako wala kayong naging ibang bukang bibig kundi yang Apple na yan. Ang anak ko, ang parent mo at ngayon ikaw. Ano bang meron sa babaeng yan" galit na tanong nya na ikinabigla ko.
Maaring napansin nya na nagtataka ako sa kanya.
Kaya biglang umamo ulit ang kanyang mukha.
"Edward honey. Nandito na ako. Hindi nyo na sya kailangan. Ako na ang gagawa ng mga ginagawa nya."
Sa di malamang dahilan ay uminit ang ulo ko.
"Pwede ba Celine tama na ang usapang ito. Gabi na. Matulog na tayo"
Kina-umagahan pag gising ko ay wala na si Apple.
Ang sabi ni Nay Carmen ay umalis daw ito kagabi pa at hindi na daw nakapag-paalam.
Agad kong pinuntahan si Celine.
Nakita ko itong nasa Garden at may kausap sa Cellphone pero dahil sa galit ay hinablot ko bigla ang braso.
"E-ed ka-kanina ka pa dyan" natatarantang tanong nya.
Nanginginig na parang may tinatago.
"Kadarating ko lang. Ang tanong ko ang sagutin mo. Anong ginawa mo kay Apple?"
"Apple? Wala. Ano naman ang gagawin ko sa babaeng yon"
"Huwag mo mababae lang si Apple"
Ngumisi sya sabay alis ng kamay kong nakahawak sa braso nya.
"Bakit? Dahil sya na ang mahal mo?"
"Oo si Apple na ang mahal. Ang tunay na minamahal ko"
Biglang dumapo ang kamay nya sa pisnge ko.
"How dare you. Bumalik ako para sa inyong mag-ama. Tapos ganito lang ang isasalubong mo sa akin"
"Bumalik? Bakit ilang taon ka bang nawala?"
Panandalian syang di naka-imik.
"Dahil may amnesia ako"
"Meron nga ba? Meron nga ba ha Celine" ngayon ko lang napansin na walang nagbago ne isa sa kilos nya.
"Bakit ka ba ganyan sa akin Ed. Nasasaktan ako Honey" may butil na luhang tumulo sa kanya.
Ngunit ne katiting na awa ay wala akong naramdaman. Umalis ako.
Mula noon ay pinahanap ko na si Apple at habang pinapahanap ko sya ay marami akong nalaman.
Maraming lihim na nabunyag at ang pinaka masakit ay hindi ko pala tunay na anak si Erica. Pinaako lang ito sa akin ni Celine.
End of flashback.
"Anak. Hindi magugustuhan ni Apple pag ganyan ka."
"Nay hindi na po talaga nya ako magugustuhan. May mahal na po syang iba"
Nagulat si Nay Carmen sa sinabi ko.
Napangiti ako ng malungkot.
"Hindi nya ako nahintay Nay. "
"Anak hindi naman sa nanghihimasok ako. Pero anak. Saksi ako sa simula nyo ni Apple hanggang huli. Saksi ako noong mga panahong nasasaktan sya sa pagbabalik ni Celine. Maaring nagmahal na sya ng iba kasi alam nyang masaya kana"
"Pero hindi ako masaya Nay. Hindi man lang nya ako pinakinggan"
"Dahil nasasaktan sya anak. Dahil yon ang pinaramdam mo sa kanya noon. Saksi ako Edward. Maging ako man ay napansin na nabaliwala sya noon ng biglang nagbalik si Celine. Kaya hindi mo sya masisi na lumayo sya. Hindi ko na rin sya napigilan noon dahil habang tumatagal mas nasasaktan sya"
Hindi ko alam na ganoon na pala ang ipinaparamdam ko sa kanya. Hindi ko napansin na nawalan na ako ng oras sa kanya noon.
Tama kung sino man ang dapat sisihin dito. Ako yon. Dahil kasalanan ko kung bakit sya umalis at bakit sya nagmahal ng iba.