" Khate Kailangan mona Talaga bumalik doon. Hinahanap kana nila. Delikado kana dito"
" Hindi ako aalis rito. Hindi ko iiwan si Eya, ngayon pang nanganganib ang buhay niya. Proprotektahan ko siya" seryoso kong sabi
" How? Paano mo siya proprotektahan ni ayaw monga gamitin ang dapat mong gamitin? Paano mo sila matatalo khate? Paano mo maproprotektahan si Eya ha!" Galit na sambit ni Tita.
" Kaya ko siyang protektahan ng hindi gumagamit ng kung ano ano." Paninindigan ko.
" Khate! Makinig ka wag mo takasan ang nakatadhana sayo. Huwag mo takasan ang tungkulin mo doon. " Pagkatapos nitong magsalita, nabasag ang vase na malapit rito.
Hindi ako natatakot sakanya. Kahit pa mabasag ang lahat ng gamit dito sa bahay.
Sinalubong ko ng buong tapang ang titig ni Tita Precilla.
" Hindi ako tumatakas. Ayoko lang sumugal sa isang bagay na walang kasigaraduhan. " malamig na sambit nito.
Ramdam ko naman na lumamig na ang paligid.
Naguguluhan na ang mga kasambahay namen dahil sa sagutan namen ni Tita.
Bumukas ang pinto, sabay kaming lumingon ni Tita sa pinto at pumasok si Emerald na puno ng pagaalala sa mukha.
" Precilla ang mga darkanian nasa bahay ng mga Scott." Singhal nito.
My eyes widened..
" eya" sambit ko.
Tumakbo na ako palabas ng bahay at sumakay sa kotse.
Damn! Hindi pwede.
Mabilis kong pinaharurot ang kotse.Hindi pwede! Hindi ako aabot.. kaya wala na akong choice kundi.
Itinabi ko sa gilid ng daan ang kotse.
Okay. Huminga muna ako ng malalim at pumikit.
Pagmulat ko nasa bahay na ako nila Eya.
Pumasok agad ako.
Natigilan ako sa nadatnan ko sa loob ng bahay nila.
Damn! Ang gulo ng bahay nila.
No! Hindi pwede!
Kinabahan ako ng makita ko ang mga maids nila na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili nilang dugo.Shet!
" Eya!" Sigaw ko sa pangalan niya.
Nagmadali akong umakyat sa pangalawang palapag ng bahay nila.
" tita , tito" nanlumo ako ng makita ko ang mga katawan ng magulang ni Eya..
H-hindi.
Ayoko ng ganito! Ayoko makaramdam ng ganito!
Umiinit na ang pakiramdam ko. Pati palad ko umiinit na shet!
Ayoko ng ganito!" khate." Boses ni Tita " may mga pulis na sa baba. At once na makita nila Tayo rito, malalagot Tayo. Umuwi na Tayo" sambit nito
"Si eya" nanghihina ako.
Hinawakan ako ni Tita at nakauwi na kami sa bahay.
Napaupo nalang ako . Hindi to pwede!
" khate, eto na nga sinasabi ko sayo ng paulit ulit. Delikado na dito. Pati si eya nadamay na sa paghahanap sayo."