1 YEAR LATER
" Magandang umaga sa lahat , Akoy nagagalak dahil pagkalipas ng isang taon muling nagbukas ang ating paaralan. Alam kong namiss niyo ang magaral dito. At,sa awa ng dyos ay naibalik na sa date ang ating school sa Tulong ng lahat ng kaharian." Sambit ni Mama
Pansin ko naman na umalis si Liam. Kaya tinawag ito ni Ken
Pero nagtuloy tuloy lang siya. Amp.
Alam ko nasasaktan parin siya..Isang Taon na ang nakalipas simula ng magkaroon ng digmaan.
Naiayos na ang mga nasira dito sa school at sa mga kingdom.
Nakakalungkot dahil may nawala.
Pero tinupad ni Khate ang pangako niya..Walang nawala saamen mga royalties.
Naikwento narin ni Von saamen kung bakit nawala sila Ken at Mellisa..Kinulong daw nila ito upang hindi makipaglaban at mangyare ang nasa propesiya. O angg bagong propesiya.
Mamamatay, daw sila sa digmaan kaya sila kinulong.
Nasaktan kami sobra dahil hindi nila sinabi ito saamen pero kalaunan ay naintindihan narin namen kung bakit nagawa nila yun.Gusto lang ni Khate maging ligtas ang dalawa.
Ayaw niya lang kami masaktan..
Pero ang sakit dahil siya mismo ang nagbuwis ng buhay para lang hindi mangyare ang nakatadhana sa propesiya.
Iniligtas niya si Liam. Ginamit niya ang kwintas niya upang makabalik si Liam.
Sinaksak niya ang sarili niya upang hindi matuloy ang nasa propesiya upang maputol ang sumpa kila Ken.
Masakit sobra dahil nun araw din na namatay siya ay nawala nalang bigla ang katawan niya.
Hindi namen alam kung nasaan ang kaluluwa niya ngayon pero ang sabi ng matandang propesiya ay kinuha siya ng diyos ng buhay..
Bilang crustal princess , kaya siya kinuha ng dyos.
Nakakamiss siya. Nasaktan sobra si Eya.. buti nalang anjan si Dan para alagaan siya..
Napatingin ako sa humawak sa kamay ko.
" okay na ang lahat kaya wag kana magalala pa jan" wika nito saaken.
Hays. Hindi ko alam ang gagawin ko kung nawala saaken si Ken. Nagpapasalamat ako ng sobra kay Khate kung hindi dahil sakanya nawala na saaken ang lalakeng minamahal ko..
Ganun din si Mellisa at Von. Plano man nila iyon pero naging masaya si Von na ligtas si mellisa.. hindi man sila umaamin na mahal nila ang isat isa ramdam namen ang pagmamahalan nila.
Napatingin din ako kila Gia at Xhian na masayang nagkwekwentuhan..
Makikita mo talaga na mahal nila isat isa eh.
Ganun din sila Steffany at Henz na malapit na ikasal...
Haysss nakakamiss ka Khate...
" uy tara na" tawag saamen ni Patricia.
" tara" wika ng kasama ko kaya ngumiti ako rito.
Liam magpakatatag ka Lang..
Ilang araw din siyang tulog.
Okay naman na siya..Bumalik na saamen si Liam. Lagi nga niyang hawak ang kwintas ni Khate eh..
Ramdam kong nangungulila parin siya kay khate..
Masakit mawalan ng Minamahal sa mismong harapan mopa nawala kaya ang hirap nun para sakanya..