Kabanata 8: SINASANIBAN

182 4 0
                                    

"MGA KAIBIGAN kayo ni Ayesa, 'di ba?" nakangiting bati ng isang lalaki habang papalapit iyon kina Gino at Kiko. Basa na sa pawis ang T-shirt ng lalaki. Halatang nag-jogging din sa baybayin ng lawa.

Napakunot-noo ang dalawang binatilyo. Nakaupo silang nagpapahinga sa katig ng bangkang de motor na nang mga sandaling iyon ay nakadaong sa pampang. Kasalukuyang ikinukuwento ni Kiko kay Gino ang narinig niyang musika kagabi nang batiin sila ng lalaki.

Pinagmasdan ni Gino ang papalapit. Nasa 50 anyos siguro ang edad niyon at nakakalbo na pero tiyak ang mga hakbang at tuwid pa ang katawan sa paglalakad.

Nahulaan ng lalaki ang pagtataka ng dalawang binatilyo. "Nakita ko kayo kahapon na kasama ni Ayesa sa isla. May ipinasyal din akong mga bisita pero pabalik na kami nang dumadaong naman ang bangka ninyo," paliwanag nito habang pinupunasan ang tumutulong pawis sa noo. "Ako nga pala si Dr. Edgardo Briones."

Nagpakilala rin ang dalawa. "Ang kaibigan ho naming si Boging ang kaklase ni Ayesa. Nag-aalala kasi siya kay Ayesa kaya kami dumalaw dito," paliwanag ni Gino.

"Dapat nga siyang mag-alala kay Ayesa," sabi ni Dr. Briones habang nakayuko ito at hinihigpitan ang pagkakatali ng sintas ng sapatos.

Nagkatinginan sina Gino at Kiko. Iba ang tono ng doktor. Parang may laman ang pangungusap niyon.

"Ano po ang ibig n'yong sabihin?" Si Gino.

"Halos si Ayesa kasi ang laman ng usapan ng pook na ito," tugon ng doktor. "Papaano'y nalulungkot kami at naaawa sa kanyang kalagayan."

"Naaawa?" ang pansin ni Kiko sa salitang ginamit ng manggagamot.

Tumango ang lalaki. "Madalas kasing natatanaw ng mga tagarito si Ayesa sa balkonahe ng ikalawang palapag ng bahay nila tuwing gabi. Mistulang baliw na nagsasayaw habang tumutugtog ng plauta. Nakapantulog lang siya at kung minsa'y may puting rosas pang nakaipit sa magkabilang tainga."

Nahigit ni Kiko ang kanyang hininga. Si Ayesa ang narinig nila ni Jo kagabi!?

"Nababaliw ho si Ayesa?" ang halos hindi namang makapaniwalang bulalas ni Gino.

"May naniniwalang ganoon nga. Pero ang sabi no'ng pinakamatanda dito sa aming pook... maaaring binubuhay daw ni Ayesa si Diwatang Taal sa kanyang katauhan. Na baka raw sinasaniban ng diwata si Ayesa!"

Gitlang nagkatinginan sina Gino at Kiko. Hindi nila maikakaila na kapwa sila nagimbal sa narinig.

"Pero maaari ring sanhi ng depression o labis na kalungkutan ang behavior ni Ayesa ngayon," sabi agad ni Dr

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Pero maaari ring sanhi ng depression o labis na kalungkutan ang behavior ni Ayesa ngayon," sabi agad ni Dr. Briones. "Kaya lang, hindi ako nakakatiyak dahil matagal nang hindi ko siya nasusuri."

"Doktor po kayo ni Ayesa?" Si Gino.

Tumango ang matandang lalaki.

"Maging ang tatay niya'y ako ang gumagamot. Pero naging madalang ang pagkikita namin buhat nang lumago ang negosyo ng papa ni Ayesa. At mula nang yumao si Engr. Ong, ni anino ng dalagitang iyon ay hindi ko na nakita sa klinika. Sinadya ko nga minsan sa bahay ang bata kaya lang ay hindi ko naman nasuri si Ayesa."

"Bakit po?" tanong ni Kiko.

"Sabi kasi ni Nena e tulog na raw si Ayesa. Nangako naman si Nena na dadalhin sa klinika si Ayesa pero hindi na sila nakapunta," sagot ng doktor.

"Sabagay, may kalayuan ang klinika ko. Sa kabilang bayan pa. Mas mabilis nga kung bankang de motor ang gagamitin e," anito na nakaturo sa lawa.

"Isa pa'y hindi kasi tanggap ng lipunan natin ang tungkol sa mga mental illness. Sa halip na ipagamot agad e itinatago na lang," umiiling na dagdag ng lalaki.

"O, sige, mauna na ako sa inyo. Malayo pa ang tatakbuhin ko e," nakangiting paalam ng doktor. Ngunit bago umalis ay inabutan nito ng calling card ang mga kabataan. Baka sakaling kailanganin daw ang tulong nito.

Naiwang muli ang dalawang kabataan. Nakamasid sila sa papalayong lalaki. Si Kiko ang unang bumasag sa saglit na katahimikan. "Kaya pala tutol si Tiya Nena sa pagpunta natin dito. Ayaw niyang malaman natin ang bagay na ito. Nahihiya nga siguro siya sa kalagayan ni Ayesa," anang si Kiko na napapailing. Binibigyang katuwiran niya ang sinabi ng matandang babae kahapon habang sila'y kumakain ng pananghalian.

"Siguro nga, Kiko. Siguro nga," sang-ayon ni Gino na binabasa ang hawak na tarheta ng manggagamot.

B1 GANG MYSTERIES Case File No.11: Diwata  ng BulkanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon