Kabanata 15 : SA TULONG NI DOKTOR

161 4 0
                                    

HIGIT NA MABILIS na nawala ang epekto ng tsaa kay Jo dahil kaunti lamang ang ininom nito. Normal na ang kilos ng dalagita at ni Boging. Nakaupo ang apat sa sahig subalit ngayo'y hindi sila naglalaro. Seryoso ang usapan ng mga kabataan.

"Mabigat yata ang ibig mong sabihin, Kuya," pansin ni Jo sa sinabi ng kapatid.

"Oo nga, Gino. Tatlo lang silang nakatira rito. Kung hindi si Tiya Nena, e si Meileen lang ang maaaring maging suspects natin," sang-ayon ni Boging.

Hindi muna sumagot si Gino. "Sige nga. Ulitin natin," muling simula nito. "Tiyak nating hindi nababaliw o sinasapian si Ayesa. Napatunayan natin na epekto iyon ng tsaa na pinaiinom sa kanya, 'di ba?" Nagtanguan ang tatlong kaharap ng binatilyo. "At ang may pagkakataon lang na isagawa iyon ay sina Tiya Nena at si Meileen."

"Palagay ko'y si Tiya Nena ang may kagagawan," bulalas ni Jo. "'Di ba't bagong dating pa lang tayo rito e malamig na ang salubong niya sa atin?"

"Oo nga. Saka kung hindi kay Meileen ay malamang na pinauwi na tayo ni Tiya Nena kanina," dagdag ni Kiko. "Palagay ko'y matutulungan pa nga tayo ni Meileen."

"Sabagay...," ani Gino na nag-iisip. "Hindi, huwag muna tayong magpahalata na alam na natin ang tungkol sa tsaa. Kailangan muna nating matiyak kung sino nga sa kanila at kung bakit ginagawa iyon kay Ayesa."

"Pero, Gino, hanggang sa makalawa na lang tayo rito," paalala ni Boging sa mga kasama. "Malulutas ba natin 'to sa loob ng 48 oras lang?"

Napatingin sa relo si Jo sa sinabi ni Boging. "Guys, malapit na palang mag-twelve-'o'-clock," pansin ni Jo.

"Batiin na muna natin si Ayesa, tapos ay saka natin planuhin nang mabuti ang ating gagawin," wika ni Gino na nagpapasimula nang tumayo.


SAMA-SAMANG nagsimba kinabukasan ang mga kabataan kasama sina Tiya Nena at Meileen. Hindi naitago ni Ayesa ang magkahalong emosyon na tila pumupunit sa kalooban niya habang nakikinig sa misa.

Patay-malisya naman ang mga taga-Maynila. Palihim na minamanmanan nila sina Meileen at Tiya Nena. Nagdalawang grupo ang apat. Sina Jo at Kiko ang sumusubaybay kay Tiya Nena, sina Gino at Boging naman kay Meileen.

"Bogs, may kakausapin lang ako ha," bulong ni Gino sa katabi nang may makilala itong lalaki sa dakong likuran ng simbahan. Tahimik na tumayo si Gino.

"Good morning po, Doktor Briones," mahinang sabi ng binatilyo sa lalaki na tumango rin ng pagbati

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Good morning po, Doktor Briones," mahinang sabi ng binatilyo sa lalaki na tumango rin ng pagbati.

"Kumusta na, iho," anito sa binatilyo. "Dok, puwede po ba tayong mag-usap sa labas? Marami ho akong ikukunsulta sa inyo," sagot ni Gino sa tono na hindi ukol sa kalusugan ang nais itanong.

Sa ilalim ng mayabong na puno ng mangga nag-usap sina Gino at Dr. Briones.

Manghang nakikinig ang doktor habang isinasaad ng binatilyo ang natuklasang epekto ng ipinaiinom na tsaa kay Ayesa. Bilang patunay ay ikinuwento ni Gino ang nangyari kay Boging nang inumin din ng binatilyo ang tsaa. Idudugtong na rin sana ni Gino ang nangyari kay Jo nang putulin siya ng lalaki.

"E ano ang sabi ni Nena sa nadiskubre n'yo?" singit na tanong ng mangagamot.

"Hindi po namin ipinaalam sa kanya na may natuklasan kami tungkol sa tsaa."

"Bakit?"

"Imposible pong hindi niya alam ang epekto ng tsaa, Dok. Mabisa po iyon. Minuto lang po ang bibilangin at nagha-hallucinate na ang nakainom," sagot ni Gino.

"Iho, alam mo ba ang ibig mong tukuyin? Parang sinabi mo na ring sadyang ginagawa iyon ni Nena," tila hindi makapaniwalang wika ng doktor. "E si Meileen ba'y nakausap n'yo na?"

"Hindi rin po. Hindi po kasi namin tiyak kung hindi nga alam ni Meileen ang ginagawa ni Tiya Nena. Kaya nga po napagkasunduan naming huwag ipaalam ito kanino man sa kanila. Pero nang makita ko kayo, naisip kong kayo lang ang puwede naming lapitan at hingan ng tulong."

Tumango ang doktor. "Tama ka, iho. At huwag nga muna nating ipaalam kahit kanino ang bagay na 'to."

Tumingin sa dako ng simbahan ang lalaki bago ito muling nagsalita. "Alam mo, Gino, maraming bagay ang magkakaroon ng linaw sa sinabi mo. Kung bakit parang baliw kumilos si Ayesa at kung bakit ayaw ipasuri sa 'kin ang bata. Pero palagay ko'y hindi sapat 'yon para isumbong natin sa pulisya ang nadiskubre n'yo."

"Hindi nga po. Wala nga po kaming ebidensiyang hawak. Puro hinala. Ibabasura lang ng pulisya ang kasong ito pag ini-report na natin ngayon," amin ni Gino. "Kaya nga po naisip kong humingi ng tulong sa inyo."

"E ano naman ang magagawa ko?" "Kung mabibigyan po namin kayo ng specimen ng tsaa, maaari po bang madala n'yo iyon sa isang laboratoryo para malaman kung ano ang hinahalo nila?"

"Oo pero ano ang maitutulong noon?" "Mula sa sangkap na itinitimpla e baka malaman natin kung saan iyon nabibili. At pag sinuwerte po tayo, baka naaalala pa ng tindera kung sinu-sino ang bumibili ng ganoong sangkap. 'Yun ang ebidensiyang kailangan po natin para mapatibay ang kasong ito," paliwanag ni Gino.

Napadilat ang mga mata ng manggagamot sa narinig. "May punto ka, Gino. At kahit ngayon ay maaari kong dalhin sa ospital sa Dasmarinas ang specimen. Kayang malaman doon ang sangkap ng tsaa. Nasaan ang tsaa?"

"Wala po kaming dala ngayon pero makakakuha po kami mamaya sa bahay. 'Yun pong sobra namin kagabi."

"Paano ko makukuha sa iyo 'yon?" Nag-isip si Gino. "Hindi ba kayo pupunta sa birthday celebration mamaya ni Ayesa?" Umiling ang lalaki. "Wala naman akong natatanggap na paanyaya e."

"Ganito na lang po. Mag-abang kayo sa labas ng gate nina Ayesa mamaya at iaabot ko sa inyo ang tsaa," sabi ni Gino sa lalaking tumango ng pagsang-ayon. Tinapos ng dalawa ang pag-uusap at nagmamadaling bumalik sa loob ng simbahan si Gino.

"Saan ka galing? Malapit nang matapos ang misa a," bulong ni Boging nang muling maupo sa tabi niya si Gino.

"Mamaya na, Bogs. Mag-mi--meeting uli tayo pagbalik natin sa bahay," sagot ni Gino sa mahinang tinig din.

Nag-usal ng dasal ng pasasalamat ang binatilyodahil sa magandang takbo ng kasong ito. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niGino. Sa tulong ni Doktor Briones ay halos natitiyak niya na malulutas angkasong ito bago sila makabalik sa Maynila.

B1 GANG MYSTERIES Case File No.11: Diwata  ng BulkanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon