23. Pagbabati

355 31 3
                                    

Mabilis na pinatay ni DJ ang apoy kahit hindi pa man ito umabot sa dalawang minutong ibinilin ng kasambahay sa kanya. Nilingon pa niya ito bago lumabas ng kusina upang tiyaking wala na ngang sindi ang kalan.

Sa pasilyo, muntik na siyang mabangga ni Marietta nang makasalubong niya itong tumatakbo. Hinabol niya ito ng tingin habang papalayo, nagtataka kung bakit tumatakbo ito at nagmamadali.

Lumabas siya ng main door at naabutan si Arabella na yakap-yakap ang sarili at tila nilalamig sa balkunahe. Ang unat nitong buhok ay basang-basa at wala sa ayos. Sa hindi kalayuan ay tanaw niya sina Mamang at Papang na kausap ang mama, o baka naman tiyahin, hindi niya sigurado kung alin sa dalawa, na masinsinang nag-uusap.

"Hey. You looked like..." bati niya sa dalaga nang makalapit rito.

"A mess?" alok nito sa kanyang sasabihin at saliwa na ngumiti sa kanya.

"I was going to say 'had fun'." Binalik niya ang ngiti rito, pansin ang pamumula ng maputi nitong mga braso at ilang bahagi ng makinis nitong mukha. Ilang araw pa ang lilipas at mapapansin na ang mga sunburn mark na idudulot nito. "Are you cold? You're shivering quite a bit."

"Not really," saad ng dalaga, na sinundan nang pagnginig ng katawan nito, na animo'y nahanginan. "Or maybe..." nahihiyang dugtong pa nito.

"I'll get you a towel."

Nguni't nang mga sandaling iyon ay muling lumabas ang kasambahay, bitbit ang mga tuwalya. Iniabot nito kay Arabella ang isa, na kaagad naman nitong ipinulupot sa katawan upang mainitan.

"Thank you," sabi ng dalaga. "You're a savior."

"Siguro'y mas mainam na magpalit ka na bago ka pa sipunin," mungkahi ng kasambahay. "Ihahanda ko na ang almusal at nang makakain na kayo. Kung bakit kasi nagmamadali kayong mag-boating, samantalang hindi pa kayo kumakain."

"It was Aunt Ysabelle's idea," tugon ng dalaga, na napalingon sa tiyahin nito. "Ayaw niya kasing mainitan masyado kaya umalis kami kaagad."

Pasimpleng tumingin si DJ sa tiyahin nito. Sa katirikan ng araw ay silong na silong ito sa ilalim ng makulay na beach hat, na mas malapad higit sa karaniwan. Nakasuot ito ng puting sando at maigsing puting shorts, na naglabas sa magandang hubog ng katawan nito. Kung hindi lamang niya alam, sa unang tingin ay aakalain niyang dalaga pa ito.

"Lagi niya naman iyang ginagawa," usal ng kasambahay. "I mean, 'di ba?"

Sa sinabing iyon ni Marietta ay nabaling rito ang kanyang pansin. Nakapagtatakang ganoon kaagad ang opinyon nito sa tiyahin ng bisita gayung hindi naman niya ito kilala.

"I guess you're right," sabi ni Arabella matapos ang ilang segundong pagninilay sa kumento ng kasambahay. Para bang hindi nito alintana ang mga salita nito tungkol sa kanyang tiyahin. "There are times na hindi ko siya maunawaan, honestly."

"Adults," bigla niyang singit sa usapan upang mawala ang tensiyon. "No one really understands them, right? I mean, minsan matino sila, madalas, ang hirap nilang intindihin."

"Sinabi mo pa," pagsang-ayon ng dalaga, na tuluyang natawa.

Nakitawa na rin siya rito, nguni't pansin niyang tikom-bibig lamang ang kasambahay, na lihim na nakatingin sa tiyahin ng dalaga.

--------

Sumapit ang tanghali at nagising na rin ang kanyang Ate Eda. Nagkataong sumilip siya sa silid nito nang madatnan niya itong kinakain ang dapat sana ay almusal nito. Nagreklamo ito sa kanyang nagugutom ito nang sobra, subali't hindi magawang bumangon sapagka't masakit pa ang ulo nito at buong katawan sa hindi maipaliwanag na dahilan.

BINHI (Munting Handog - Book 2 [On Going])Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon