Heaven's Point of View
Three years later...
"Why is it so hard to cure cancer?" Prof asked. I fixed my wearing glasses and listened carefully. "The word cancer is singular, but it reflects more than just one disease. It is a name given to a collection of diseases that have some common characteristic."
"Sir!" Itinaas ng kaklase ko ang kamay niya. "May cure na po ba ito?"
"It depends on the way that the cancer is defined." Tumigil si Prof at isinara ang hawak na libro. "It's very unlikely that there will be one single cure that can wipe out all cancers."
Napatigil muli ang Prof namin nang marinig ang malakas na bell hudyat na tapos na ang klase. Nang umalis ang Prof namin ay kaniya-kaniya na namang mundo ang mga kaklase ko. At syempre, ako.
"Hindi ba't may cancer ang Lolo mo?"
Napalingon ako. Nakita ko ang dalawa kong kaklaseng babae na nag-uusap. "Oo, Leukemia," sagot niya.
Imbis na makinig pa sa usapan nila ay kinuha ko na lamang ang baon kong Biscuit at nag-isip. What if lahat ng uri ng sakit ay may lunas? What if kung libre lahat ng gamot? What if kung ang cure ay nasa tao--- ugh, ano ba itong pinag-iisip ko?
"Lalim ng iniisip natin ah?"
Napabuga ako ng hangin. "So, what?" Tanong ko. "Ang sabihin mo, gusto mo lang humingi sa baon ko," masungit na sabi ko sa kaniya.
"Syempre!" Tuwang-tuwa na sabi ni Myra sabay kuha ng isa sa biscuit ko. "May sarili ka na namang mundo, napakalalim ng iniisip mo, ano?"
"Obvious ba?"
"Oo 'no!" Malakas na pagkakasabi niya. Napairap ako, kahit kailan talaga oh!
"Kung wala kang sasabihin na importante, umalis ka sa tabi ko." Sabi ko. Kumuha muli siya sa baon ko bago magsalita.
"Ayaw mo nun? May kausap ka."
"'Yung may sense sana ang hanap kong kausap," ngumiti ako. Yung ngiting naiinis.
"Edi ako nga," proud niyang sabi. "Nga pala, may isheshare kasi ako sa'yo." Pabulong na sabi niya. Napataas ang kilay ko.
"Ano? SML?"
"Oo, so much love." Hirit pa niya. "Seryoso kasi, eh. Alam mo ba 'yong tungkol sa healer?" Kumunot ang noo ko.
"Bali-balita kasi 'to noon, eh. Pero matagal na 'yon. Naririnig ko lang sa mga kapitbahay namin. Tungkol 'yun sa ano... nagpapagaling." Kwento niya.
"Ahh, albularyo?"
Hinampas niya ako nang bahagya. "Hindi, patawa ka! Ibig kong sabihin, mismong tao ang nagpapagaling. Kahit anong sakit, nalulunasan niya."
"Alam mo, Myra. Hindi ako nakikinig sa mga kwentong barbero." Sabi ko at inubos ang natitirang biscuit sa baunan ko. Tingan mo nga, nakaka-tatlong biscuit palang ako.
"Hindi naman kita pinipilit maniwala, eh. Ako nga rin, hindi naniniwala nung una. Pero kasi ang galing ano?"
"Oo, ang galing gumawa ng kwento." Dugtong ko. Napasimangot siya at napakamot sa ulo.
"Pero what if kung totoo hindi ba? Kung totoo nga, nasaan na kaya siya? Siya lang ba ang may kakayahang makapagpagaling? What if kung hindi lang siya at nasa paligid lang natin---" pinatigil ko siya.
"Seriously? Ano siya, scientist? Historian? Albularyo? Mangkukulam? Doktor?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Healer siya! Healer!" Talaga nga namang naniniwala siya, oh. "Pero matagal na siyang wala, ewan ko lang kung patay na ba siya o nagtatago lang."
"Talaga nga namang naniniwala ka ano?" Tumawa ako. "Pero malay mo hindi ba, Myra? Hahaha! excuse me. Malay mo hindi talaga siya healer at sadyang scientist lang siya or what. Pero kung sino man siya, wala na akong pake doon. Labas na ako at hindi ko siya kilala." Sabi ko.
Tumayo si Myra at pinagpag ang paldang suot. "Mabuti naman at nakinig ka sa akin. Salamat sa Biscuit at pakikinig, kahit ang sungit-sungit mo pa rin. Sige, balik na ako sa upuan ko." Paalam niya at naglakad na palayo sa akin. Nang tumingin ako sa kaniya ay papunta nga siya sa upuan niya kaya ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa notes na nakasulat sa board.
Maya-maya pa ay tumunog na naman ang bell. Magkaklase na naman.
"Ven! Ven!" Narinig ko ang isang matinis na boses ng babae na tinatawag ako. Imbis na lingunin ay dere-deretso lang ako sa paglakad. Siguradong si Myra na nanan ito.
"Vennywaps!" Nagulat ako nang bigla siyang napasulpot sa harap ko kaya napatigil ako. "Hay nako, may sarili na naman siyang mundo."
"Uh, excuse me." Sabi ko sa kaniya.
"Tingnan mo nga, para namang hindi tayo magkakilala o magkaklase o kaya magkaibigan!"
Tiningnan ko siya. "Ano ba kasing kailangan mo?" Inis kong tanong.
"Wala, aayain sana kitang kumain?"
"Tapos ako magbabayad sa kakainin mo? No. At isa pa, wala akong pera kaya please lang, huwag kang makulit!" Sabi ko at nagsimula nang maglakad. Nilagpasan ko siya at hinabol niya naman ako.
"Hindi, libre ko nga eh." Sabi niya.
"Pass, wala akong oras para diyan." Sabi ko at mas binilisan pang maglakad.
Nang makalabas na ako ng campus ay napatingin ako sa paligid ko. Nagbabakasakaling makita ko si Uncle Edgar. Hindi nga ako nagkamali dahil agad ko siyang nakitang nakasandal sa itim niyang kotse.
Lumapit agad ako at nagmano. "Hi, Uncle!" Bati ko.
"Kumusta ang school?" Tanong niya.
"Nakakastress," sagot ko. "Tara na po, Uncle." Aya ko at akmang bubuksan na ang pintuan ng kotse nang may kumalabit sa akin. Si Myra.
"Shhh! Ibibigay ko lang sayo yung notebook mo," sabi niya sabay abot sa akin ng kulay rosas na notebook. Hindi pa ako nakakapagsalita nang tumalikod agad siya at naglakad palayo.
"Kaibigan mo?" Tanong ni Uncle. Napatingin ako sa kaniya at mabilis na umiling. "Bakit? Mukha namang mabait at friendly. Bakit hindi mo kaibiganin?"
"Hindi ko kailangan ng kabigan, Uncle."
Sumimangot si Unlce. "Ano bang pinagsasabi mong bata ka? Pumasok ka na nga sa loob at ihahatid na kita." Sabi niya at siya mismo ang nagbukas ng pintuan para sa akin.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay namin. Pagkababa palang ng sasakyan ay agad kong naamoy ang paborito kong Pancake. Napangiti ako at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay.
"Nandito na po ako!" Sabi ko at agad na dumeretso sa kusina. Naabutan ko roon si Mama na gumagawa ng Pancake. Nagmano naman ako at humalik sa kaniya.
"Nasaan na si Uncle Edgar mo?" Tanong ni Mama sa akin.
"Nagparking pa po ng sasakyan," sagot ko. "Ma, akyat lang ako ah." Paalam ko sa kaniya. Nagmadali naman akong umakyat ng hagdan at dumeretso sa kwarto.
Pagkatapos kong magpalit ng damit ay agad kong binuksan ang Loptop ko. Hinanda ko na rin ang keyboard at mouse na gagamitin ko.
Nang handa na ang lahat ay agad akong nagtype... Who's the Healer?
END OF CHAPTER ONE
BINABASA MO ANG
The Healer 2
Science FictionMaraming nagbago sa buhay ni Heaven Carlos. Madaming mga katanungan ang gumugulo sa kaniya kahit ang kaniyang sarili ay pinagdududahan niya. Hindi niya alam kung ano at sino ang kaniyang pagkakatiwalaan. Madami siyang katanungan na pilit niyang hina...