THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Pagkatapos magwalk-out ni Hygelac ay dumeretso siya sa kaniyang malaking opisina. Automatic namang nagslide ang pinto nang madetect nito si Hygelac. Bakas pa rin ang inis sa mukha ni Hygelac dahil sa nangyari.
Pagkapasok naman niya sa loob ng sariling opisina ay umupo siya sa kaniyang malambot na swivel chair. Pagkaupo niya ay kinuha niya ang control device na nakapatong sa kaniyang mahabang lamesa. Pinindot naman niya ang on button nito dahilan upang lumitaw sa kaniyang harapan ang isang malaking holographic screen.
"MR. HYGELAC!" Isang malaki at mabalbasing lalaki ang tumambad sa screen. Makikita rin sa hitsura nito ang lahing chinese. Sumigaw ito kay Hygelac dahilan para mapangisi si Hygelac na ngayon ay hawak-hawak ang sariling baba. Halata naman sa mukha ng malaking lalaki ang pagka-inis.
"Where is she?" Tanong ng tsino kay Hygelac. Ngunit hindi pa man nakakasagot si Hygelac ay sumigaw muli ito.
"Where is the healer, Hygelac? Where?!" Pasigaw na tanong nito. Bakas sa boses nito ang pagkainis.
"Don't worry, Mr. Hwang, she's here. The deal is safe ha ha. Just don't forget the payment." Sagot naman ni Hygelac sa tsinong kausap. Kinukumpas pa nito ang kaniyang kamay na tila ba ay may pinapahiwatig kay Mr. Hwang.
Kumalma ang tsinong si Mr. Hwang. Pinagsalikop nito ang kaniyang mga daliri at huminga ng malalim. "I will give you the money, Hygelac. Just send the healer here. I really need her now, I want to see her ability." sabi nito. "If she's not a real healer, I will cut off your head." Pagbabanta pa nito kay Hygelac.
Sarkastikong tumawa si Hygelac at napahampas pa sa lamesang nasa harapan niya. Nakaramdam siya ng kaba ngunit mas nananaig sa kaniya ang pagka-uhaw sa daang libong pera na ibibigay sa kaniya ng tsino. Napatigil siya sa pagtawa nang marinig ang napakalakas na ingay na nagmumula sa labas ng kaniyang silid. Umiilaw na rin ng kulay pula ang mga ilaw na nakakabit sa pintong metal. Ipinatay niya ang tawag sa tsino at tumambad sa kaniyang harapan ang madaming CCTV footage. Kitang-kita niya ang pagdating ng mga itim na Van at mga tauhang nakasuot ng mga kulay itim na kasuotan. Kapareho nito ang kulay na suot ng kaniyang mga tauhan. Hindi tuloy niya matukoy kung sino ba sa mga ito ang kalaban at kakampi.
Agad siyang napatayo at kinuha ang malaking briefcase na nakapatong sa lamesa. Naglalaman ito ng mga pera at alahas na nagkakahalaga ng bilyong libo. Binuksan niya ito upang siguraduhing tama ang nilalaman nito. Matapos niyang bitbitin ang briefcase ay sumandal siya sa pader. Gamit ang hawak na control device ay bigla itong nagslide patagilid. Isa itong tagong siliding door. Patungo ito sa isang lab na kung saan ay naroon si Faith.
Nang magbukas ang pinto ay mabilis siyang pumasok sa loob at isinara kaagad ito. Isang madilim at makipot na hallway ang tumambad sa kaniya. Pagkapindot niya sa remote control ay isa-isang umilaw ang mga LED lights. Nagkaroon na ito ng liwanag kung kaya't mabilis siyang tumakbo.
Huminto siya saglit at kinuha ang baril na nakasabit sa kisame. Matapos niya itong makuha ay nagpatuloy siya sa pagtakbo. Nang makarating siya sa dulo ay inilapat niya ang kaniyang thumb finger sa isang itim na bilog na nakasentro sa pader. Matapos niya itong gawin ay nagslide na ang isang tagong pinto. Nagulat siya nang makitang wala na si Faith sa higaan nito. Tumutunog na rin mag-isa ang machine sa tabi nito at nagkalat ang mga tubo.
BINABASA MO ANG
The Healer 2
Science FictionMaraming nagbago sa buhay ni Heaven Carlos. Madaming mga katanungan ang gumugulo sa kaniya kahit ang kaniyang sarili ay pinagdududahan niya. Hindi niya alam kung ano at sino ang kaniyang pagkakatiwalaan. Madami siyang katanungan na pilit niyang hina...