Heaven's Point of View
"Come again, Ma'am," sabi sa akin ng Guard kung kaya't ngumiti ako at tinanguan siya.Pagkalabas ko ay agad akong nagpalinga-linga sa paligid. Gabing-gabi na pala at puro puno na ng sakay ang mga Jeep. Napatingin ako sa orasan ko at mag-aalas-nuwebe na ng gabi. Siguradong papauwi na si Mama sa mga oras na ito.
"Miss, saan ka?"
Nagulat ako nang may humintong tricycle sa harap ko. Nakita ko ang isang lalaking nakasumbrero na siyang nagmamaneho ng tricycle. "Sa Divine Subd. po," sabi ko.
Pagkasakay ko ay nagsimula nang umandar ang tricycle. Kinapa ko ang bulsa ko at saka ko napagtantong hindi ko pala dala ang cellphone ko. 'Yung totoo? Bakit nagiging makalimutin na ako? haist.
Napatingin nalang ako sa labas. Madami ring mga tao ang nag-aabang ng Jeep at tricycle. Tulad ko ay nakita kong napasakay na lamang sila sa tricycle. Lumipas ang ilang minuto ay napadaan na ang sinasakyan ko sa isang eskinitang madilim at iilang mga poste lamang ng ilaw ang mayroon. Iyong mga ilaw na papundi na. Halos wala ring mga bahay at iilang tao lamang ang dumadaan sa eskinitang ito. Pero tanaw mo pa rin ang liwanag at maririnig ang ingay ng mga tao at sasakyan sa dulo, iyon ang daan palabas.
"Ay!" Nagulat ako nang huminto ang tricycle na sinasakyan ko.
"Bakit, kuya?" Tanong ko sa kaniya. Bumaba siya sa pagkakaupo niya at tiningnan ang gulong nito.
"Tsk, naflat 'yung gulong," inis na sagot nito. Napakamot pa siya ng ulo. "Nakakapagtaka naman. Ah, Miss, pasensiya ka na pero mukhang---"
"Ah, ayos lang po. Maglalakad na lang po ako tutal malapit naman," sabi ko at agad na bumaba bitbit ang mga plastic na pinamili ko. "Eto ho bayad," sabay abot ko ng pera na tinanggap naman niya.
Nagsimula na akong tumalikod sa kaniya at naglakad. Sobrang lamig ng simoy ng hangin, idagdag mo pa na ang tahimik sa eskinitang ito.
Habang naglalakad ako palayo ay naramdaman kong may sumusunod sa akin.
"Ahhhmp!" Nanlaki ang nga mata ko at napasigaw kasabay nun ay ang pagtakip ng panyo sa ilong ko. Nagpumiglas ako! May lalaking nakayakap sa akin habang tinatakpan niya ng panyo ang mukha ko.
Bigla akong nakaramdam ng takot nang makitang may inilabas siyang... syringe. Sinubukan kong sumigaw at magpumiglas nang malakas ay hindi ko nagawa dahil higit na mas malakas siya sa akin. Hindi ko namalayan na may itinurok na siya sa akin.
Napapikit ako... tila ba ay nahihilo ako. Parang gusto nang bumagsak ng katawan ko. Napahinto ako sa pagpiglas nang maramdaman kong nanghihina ako, kasabay nun ay ang pagkawala ng lalaki sa pagkakayakap sa akin.
Nakarinig ako ng kakaibang ingay sa likuran ko, tila ba ay may nagkakagulo. Parang bang mayroong nag-aaway. Gustuhin ko mang tumakbo palayo ay nanghihina na ang mga tuhod ko kasabay nun ay ang pagbagsak ng katawan ko sa matigas na sahig.
"Heaven...." boses ng isang lalaki ang narinig ko. Pinilit kong idilat ang mga mata ko at nakita ko ang isang malabong imahe ng isang lalaki.
BINABASA MO ANG
The Healer 2
Science FictionMaraming nagbago sa buhay ni Heaven Carlos. Madaming mga katanungan ang gumugulo sa kaniya kahit ang kaniyang sarili ay pinagdududahan niya. Hindi niya alam kung ano at sino ang kaniyang pagkakatiwalaan. Madami siyang katanungan na pilit niyang hina...