Chapter 30

288 8 0
                                    

HEAVEN'S POINT OF VIEW
 
 

Hindi pa rin ako makapaniwalang sumama ako sa babaeng hindi ko kilala. Isa pa, kakaiba ang kasuotan ng apat na lalaking kasama namin. Lahat sila nakasuot ng kulay puti. Sobrang linis nilang tingnan sa hitsura at pananamit nila.

 
Kalahating minuto kaming nakasakay sa Helicopter at bumaba sa harap ng isang malaking mansyon na kulay puti. Sobrang lawak rin ng bakuran na napupuno ng mga halaman at mga rosas na kulay puti.

 
"Hindi halatang mahilig kayo sa kulay puti." Sabi ko habang manghang-mangha na pinagmamasdan ang paligid. "Sobrang linis at napakaganda!" Puri ko.

 
Natawa ng mahina ang babaeng kasama ko. "Ilang araw ka ring mamamalagi rito." Nakangiti niyang sabi.

 
"Talaga?" Gulat na tanong ko.

 
Tumango na ang babae at nagpatuloy pa rin sa paglalakad habang ako ay nakatabi sa kaniya. Nakasunod naman sa likuran namin ang dalawang lalaki na tila ba ay mga bodyguard.

 
Pagkapasok namin sa loob ng Mansyon ay tumambad sa harapan namin ang mga kagamitan na halatang mamahalin. Kumikintab pa ito sa sobrang linis.

 
Ilang minuto kaming naglakad at nilibot ang loob ng Mansyon. Naramdaman ko na rin na nanghihina na ang mga tuhod ko, parang anumang oras ay babagsak ako. Bakit ako nakakaramdam ng ganitong panghihina?

 
Sa wakas at huminto kami sa harap ng isang malaking pinto. Mayroong inilabas na card ang babae at inislide ito sa gilid ng pinto. Mayroong device na nakakabit at iniiscan nito ang card.

 
Bumukas bigla ang pinto at pumasok ang babae, sumunod na lamang ako sa kaniya. Naiwan sa labas ang dalawang lalaki at nagbantay. Nagsarado ng kusa ang pinto matapos naming pumasok. Nakakamangha.

 
"Get ready." Sabi ng babae.

 
"B-bakit? At saka, hindi ko alam ang pangalan mo. Bakit tayo nandito?" Tanong ko.

 
"I am Lady Adelaide," pagpapakilala niya."Don't worry, you're safe with us." Dugtong niya.

 
"Tanging pangalan ko lang ang naaalala ko. Sarili ko lang ang kilala ko. Bakit ganoon?" Tanong ko.

   
Umupo si Lady A. sa isang malambot na kulay puting upuan. Inilahad niya ang kamay sa isang upuan. "Have a seat." Sabi niya. Umupo naman ako at  nakahinga ng maluwag.

 
"Sabihin mo sa akin, bakit nagkakaganito ako ngayon? Bakit niyo ako dinala dito?" Sunod-sunod na tanong ko.

 
"Maya-maya ay dadaan ka sa ilang mga test." Sabi niya. "Hindi tayo sigurado kung anong klase ng likido ang itinuturok saiyo. It can be drugs." Dugtong niya na ikinagulat ko.

 
"D-drugs? Sa akin?" Naguguluhan ako.

Tumango ang babae at tinitigan ako, mata sa mata. "Kamukhang-kamukha mo si Faith, Hija. Hindi na ako nagtaka pa na nakuha mo rin ang personalidad niya." Sabi ni Lady A.

"A-anong ginawa niyo sa akin?" Naghihinala na ako. Hindi basta-basta puwedeng mawala ang mga ala-ala ko. Paniguradong may ginawa sila sa akin. "S-sa gagawin mong test sa akin, maibabalik ba nun ang mga ala-ala ko? Kasi wala talaga akong maalala kundi ang pangalan ko lang." Tanong ko.

 
Napabuntong hininga siya. "Ibabalik lang kita sa normal, hija. Ichecheck ko ang kalagayan mo. Isa akong doktor at siyentipiko." Sabi niya.

 
Hinawakan ko ang kamay niya na siyang ikinagulat niya. "Puwede mo bang ibalik ang mga ala-ala ko? Please... nakikiusap ako. H-hindi puwedeng ganito." Sabi ko.

The Healer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon