Heaven's Point of View
Lumipas ang oras at minuto ay nakalabas na kami sa Café. Patuloy pa rin ang kwentuhan ni Mama at ni Tita Jona. Si Tita Jona ay kapatid pala ni Papa. Halatang strikta siya at masungit, kanina lang ay tahimik lang siyang kumakain at hindi kumikibo. Ang sabi niya sa akin ay inalagaan niya raw ako noon at hind ko lang maalala."Girls, magshopping kaya kayo?" Sabi ni Mama. Napatingin agad ako sa kaniya na nagtataka. "Magshopping kayo ni Delia para naman magkaroon kayo ng bonding at getting to know each other ganoon."
Napangiti si Tita Jona. "Hindi ko lang alam kung papayag itong anak ko," sabi ni Tita sabay lingon sa likod. Nasa likuran kasi namin si Delia at abala sa pagpindot ng phone nito. "Alam mo na..." bulong pa niya at sabay silang tumawa ni Mama.
"Delia," tawag ni Tita. Napatingin naman siya. "Magshopping kayo ni Heaven," sabi ni Tita.
Napatingin sa akin si Delia na nakataas pa rin ang kilay. "Huh? Bakit kaming dalawa lang?" Tanong niya.
"Para naman makilala niyo ang isa't-isa. Magpinsan kayo at dapat lang na magkasundo kayo sa mga bagay-bagay," sabi ni Mama.
Ang awkward naman kung kaming dalawa lang ang magkasama. Busy siya sa cellphone niya at mahirap siyang kausapin. Madali lang din naman akong kausap. Kung ayaw akong kausapin ng isang tao, edi sige. Pero iba pa rin 'yung ganito. Gusto kong makasundo si Delia pero sa tingin ko ang hirap niyang makasundo.
"Okay."
Napatingin ako kay Delia nang magsalita siya. Talagang pumayag siya? Oh my. Paano na 'to?
"Oh sige, itext niyo na lang kami kung nasaan kayo, okay? May pupuntahan lang kami ni Jona. Mag-iingat kayong dalawa. Bye!" Sabi ni Mama at nagsimula na nga silang maglakad palayo.
Napatingin ako kay Delia na nakatutok na naman sa phone niya. Ngayon ay magkasabay kaming naglalakad. Gusto kong magsimula ng usapan at dinadasal kong sana gumana.
"So, ilang taon ka na?" Tanong ko sa kaniya.
"18 years old," mabilis niyang sagot. Tumango-tango naman ako.
"Baka naman may pwede kang i-kwento sa akin? Alam mo na... about past. Kung ano bang nangyari noon, kung magkasundo ba tayo noon---" Napahinto ako nang magsalita siya.
"Hindi mo na gugustuhin pang malaman," walang emosyong sabi niya.
"Ha? Bakit naman? Wala namang masama kung malaman ko 'di ba?"
Hindi siya sumagot. "Feeling ko kasi magkakilala na tayo noon, tama ba?" ngumiti ako at umaasang sasagot siya ng 'Oo' o kahit tumango man lang siya.
"Ano bang gusto mong malaman?" Huminto siya at saka ko lang napagtantong nasa dulo na kami ng Mall na kung saan ay wala ng gaanong tao. Wala na ring mga nakatayong branch or shops dito.
"Kung ano bang mayroon noon. Kasi alam mo ba, ang dami kong hindi alam. Weird na kung sabihin pero wala akong alam sa past ko."
"Everything happens for a reason," binaba niya ang phone niya at pinasok sa sling bag niya. "Makinig ka sa akin. Once ko lang 'to sasabihin at sana huwag mong sayangin ang oras ko."
Tumango ako. Baka siya na nga ang sagot sa mga katanungan ko. Kating-kati na akong malaman pa ang bagay-bagay. Napatingin ako sa kaniya at ngumiti pero seryoso lamang siyang nakatingin sa akin.
"You're different," tinuro niya ako. "There are things you don't need to know because it's dangerous," bahagya niya akong itinulak.
"Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan. Bakit naging iba ako? Bakit may mga bagay na hindi ko pwedeng malaman?" Sunod-sunod na tanong ko. "Humihingi ako ng tulong sayo, Delia..." sabi ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Healer 2
Science FictionMaraming nagbago sa buhay ni Heaven Carlos. Madaming mga katanungan ang gumugulo sa kaniya kahit ang kaniyang sarili ay pinagdududahan niya. Hindi niya alam kung ano at sino ang kaniyang pagkakatiwalaan. Madami siyang katanungan na pilit niyang hina...