Chapter 12

319 14 0
                                    

Heaven's Point of View
 
 
"Umalis na ba ang Uncle mo?" Tanong sa akin ni Mama pagkapasok ko.

"Opo, kaaalis lang," sagot ko habang papunta sa Sala. Umupo agad ako sa Sofa at inalala ang litratong nakita ko sa bag ni Uncle.

"Ma, bukod sa trabaho mo ngayon, anong naging trabaho mo noon?" Tanong ko kay Mama. Napatigil si Mama sa pagwawalis at napatingin sa akin.

"Bakit mo naman natanong 'yon?" Tanong sa akin ni Mama pero hindi ako sumagot. "Wala, ganito pa rin, business," dugtong ni Mama.

Natandaan ko ang suot ni Mama sa litrato. "Talaga ba, Ma? Bukod sa negosyo, wala ng iba?" Tanong ko. Umaasa kasi akong may ibang isasagot si Mama.

Tumango si Mama at pinagpatuloy ang pagwawalis niya. "Eh, ano bang balak mo ngayon? Hindi ba't mag---" Napahinto si Mama nang magring ang phone niya.

"Teka lang." Kinuha niya ito sa bulsa ng suot niyang short. Sinagot niya agad ang tawag. "Hello?" Sambit ni Mama at napatingin sa akin.

"Wala naman siya rito," nalibot ni Mama ang tingin niya sa buong bahay. "Wait, bakit naman? May problema ba?" Tanong ni Mama.

Nanatili akong nakatingin kay Mama at maya-maya pa ay napagpasyahan ko namang lumabas. Pagkalabas ko ng bahay ay tumambay ako sa Gate namin. Nagulat ako nang may humintong sasakyan sa harap ko.

Bumaba ang windshield at nakita ko si Delia. "Hey, Heaven," bati niya.

Nanlaki ang mga mata ko at binuksan ang Gate namin. "D-delia? Tara, pumasok ka muna sa loob," sabi ko.

"No need. Gusto mo bang sumama sa akin?" Nakangiting tanong niya. "You know... let's have fun saka mag-usap tayo, free ako ngayon."

"Sure!" Pumayag agad ako. "Wait lang, magpapaalam at magpapalit muna ako ng damit." Akmang babalik na ako sa loob nang pigilan niya ako.

"No, no, pwede na 'yang suot mo. Ipapaalam naman kita kay Tita Faith, ano? game?"

Napatitig ako sa kaniya saglit bago lumabas at nilock ang gate namin. Sumakay agad ako sa front seat. Napasigaw pa ako nang mabilis na pinaandar ni Delia ang sasakyan.

"Marunong ka pala magdrive," sabi ko.

"Of course," biglang sumeryoso ang mukha niya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako sinagot. Tumahimik na lang ako at napatingin sa labas.

  
 
 
Faith's Point of View

 
"Hello?" Sinagot ko agad ang tawag nang makitang si Jona ang caller.

"Faith, nandiyan ba si Delia?" Tanong ni Jona. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at sigurado naman akong wala si Delia dito. "Wala naman siya rito," sagot ko.

"Ugh! Stubborn," inis na sabi ni Jona. "Kapag nandiyan si Delia, tawagan mo ako. Huwag mong papalabasin si Heaven."

"Wait, bakit naman? May problema ba?" Nagsimula na akong mag-alala. Napatingin ako kay Heaven na nakatingin lang sa akin. Siguradong may mangyayari na namang hindi maganda.

"Yes, posibleng may hindi magandang mangyayari sa anak natin."

Napatayo si Heaven at saktong tumunog na naman ang takore namin. Nagmadali akong pumunta sa kusina upang patayin ito.

"Delia is missing."

"Aww!" Napadaing ako sa sakit nang mapaso ako.

"And I'm sure na si Heaven ang pupuntahan niya. Faith, listen to me. Marami na ang nagmamanman kay Heaven."

The Healer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon