Chapter 27

268 11 1
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW



Kasalukuyang naka-upo si Heaven sa isang solong upuan. Nasa loob siya ng isang silid na kung saan ay kulay itim ang mga pader. Nasa harapan naman niya ang isang malaking salamin.Napatitig naman ang dalaga sa sarili niyang repleksyon. Wala siyang ka-ide-ideya kung bakit siya iniwan ng mga armadong lalaki sa silid na iyon. Tanging solong upuan, maliit na lamesa, mga ilaw sa itaas at ang malaking salamin sa harapan ang nakikita niyang bagay sa loob.


Lingid naman sa kaalaman niya ang pagmamasid sa kaniya ng dalawang tao sa likod ng salaming kaharap niya.  Isang babaeng suot-suot ang kulay pulang pants at sleeveless, at kasama nito ang lalaking si Hygelac na seryosong nakatingin kay Heaven.


"I missed her." Ani ng babae habang matalim na nakatingin kay Heaven. "Poor Heaven... akala niya siguro makakatakas siya sa akin." Ngumisi siya nang malaki.


"Kailangan na talaga natin siyang gawan ng test." Sabi ni Hygelac at mas lumapit pa sa salamin. Nalipat naman ang tingin sa kaniya ng babaeng kasama.  "Kaawa-awang bunga ng eskperimento. Ha ha." Napatawa nang mahina si Hygelac.


Tumayo si Heaven sa kadahilanang nangangawit na siya sa pagkakaupo. Nag-iisip at naghahanap siya ng mga paraan para makatakas sila ni Faith. Inoobserbahan din niya ang silid na nababalutan ng katahimikan at kulay itim na mga pader. Mabuti na lamang ay mayroong mga ilaw sa kisame at malakas ang naiibigay nitong liwanag.



Napansin ni Heaven ang kakaiba sa salamin. May naramdaman siyang mali at hindi maganda kung kaya't dali-dali siyang lumapit sa nakakabit na switch na malapit sa pintong pinasukan.


Hindi niya binuksan pa ang pinto dahil nakalocked ito. Kaya minabuti na lamang niya na sundin ang nasa isip--- ang pindutin ang off sa switch. Nang mapindot niya ito ay isa-isang namatay ang mga ilaw. Maliban sa isang ilaw na nakatutok sa isang upuan.


Napalunok si Heaven sa naramdamang kilabot. Mabilis siyang humarap sa salamin at tinitigan ang sariling repleksyon. Doon niya napansin ang kulay pula. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang kulay na nakikita.


"She lost her memory. What if there are side effects---" Napatigil sa pagsalita ang babae nang mapagtanto niyang nakatayo at nasa tapat na niya si Heaven at nakatingin ito sa kaniya. "Woah! Hygelac, I thought this is a two way mirror?!" Gulat na gulat na tanong ng babae.


"Mautak." Maikling sabi ni Hygelac.


"S-sir Hygelac!"


Napalingon sila sa isang lalaking nakasuot ng lab coat. Napabuntong hininga ito bago magsimula. "May dapat po kayong malaman," aniya.


Napatango si Hygelac at nagsimulang maglakad palayo. Naiwan naman ang babaeng nakapula na ngayon ay nakatingin kay Heaven. Maya-maya pa ay mayroong dumating na dalawang armado at nilapitan si Heaven. Inalalayan nila si Heaven palabas ng silid. Napangisi ang babaeng nakapula nang mapansing hindi sila gumagawa ng kilos para masaktan ng pisikal ang dalaga. Ingat na ingat sila na para bang isa itong babasaging baso.

The Healer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon