THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
"Now, I'm dead." Sambit ni Erra nang huminto ang transportasyong sinasakyan.
Nakaharap siya sa sliding door na ngayon ay hinihintay niyang bumukas. Mahigpit naman ang hawak niya sa kaniyang baril na nakatutok sa kaniyang harapan at naghahanda sa mga sasalubong sa kaniya. Napapikit siya nang mariin kasabay nang pagdinig niya ng kakaibang tunog na siyang nagpapahiwatig na nagbukas na ang pintong nasa harapan.
Napalunok siya at mabilis na idinilat ang mga mata. Akmang kakalabitin na niya ang gatilyo ng baril nang makita niya ang isang babaeng balot na balot sa itim na kasuotan. Nakasuot siya ng fitted na leggings at pang-itaas na long-sleeve. Kumikinang pa ito at mukhang gawa sa plastic o elastico. Pati ang mask na nakabalot sa buo niyang ulo na mata lamang ang makikita at ang dalawang maliit na butas na para sa ilong. Hindi mo rin makikita ang buhok nito dahil pati ang kaniyang uluhan ay balot na balot din.
Kapwa sila nakahinto sa kinatatayuan at nakatitig nang deretso sa mga mata. Sa paghakbang ng babaeng naka-itim ay saka lamang bumalik sa wisyo si Erra. Inayos niya ang kaniyang tayo at ang pagtutok ng baril sa babaeng naka-itim.
"Lumabas ka na bago pa man magsarado 'yan."
Nagulat man si Erra ay mabilis siyang lumabas. At nang makalabas na siya ay nagsimula na siyang humakbang paatras. Nagtaka siya nang biglang itinaas ng babaneg naka-itim ang kaniyang dalawang kamay. "Hey, I won't hurt you." Malumanay ang boses nito.
"Tanga ba ako para maniwala sa'yo?" Nakataas ang kilay na sabi ni Erra. Tila ba ay naghahamon ito ng away at hindi natatakot.
"If you want to get out in this shitty place, follow me." Ani ng babaeng naka-itim at nagsimula nang tumalikod at tumakbo.
Naiwang nagtataka si Erra sa inasal ng babae. Nagtatalo ang isip niya kung susunod ba siya o hindi. Maaaring kalaban ito o kakampi--- hindi niya alam.
"Argh!" Ibinaba niya ang hawak na baril at nagsimulang tumakbo. Gusto niyang ipukpok ang hawak na baril sa kaniyang ulo dahil sa desisyong ginawa. Ito ay ang sumunod sa babaeng naka-itim na hindi niya kilala.
Agad niyang natanaw ang babaeng naka itim na ngayon ay may inaasikaso sa pagpindot ng mga kulay berdeng mga button na nakakabit sa pader. Madilim at tanging mga ilaw mula sa labas ang nagbibigay ng liwanag sa loob. Nang lingunin ni Erra ang nasakyang transportasyon ay ngayon niya lamang napansin ang numero 25 na nakasulat sa pinto. Napagtanto niyang ibang palapag ang nababaan niya. Pabilog ang korte ng mga kisame na halatang gawa sa matigas na metal.
Pagkatapos magpipindot ng babaeng naka-itim ay humarap ito kay Erra na bakas pa rin ang pagtataka at paghihinala sa mukha. Nanlaki naman ang mga mata ni Erra nang mabilis na inagaw ng babaeng naka-itim ang baril at itinutok ito sa kaniya. Nagulat si Erra nang makitang nakatutok sa kaniya ang baril. Napalunok siya at naramdaman ang takot at inis.
"Down!" Sigaw ng babaeng naka-itim at malakas na ipwinersa payuko si Erra. Mabilis niyang kinalabit ang gatilyo na siyang nakapagpalabas ng bilog na boltahe ng kuryente. Wala pang limang segundo ay tumama ito sa lalaking nasa likuran ni Erra. Bumagsak naman ang lalaki sa sahig at nangingisay sa tindi ng kuryenteng tumama sa kaniya.
Dahan-dahang iniangat ni Erra ang kaniyang tingin sa babaeng naka-itim. Nanlalaki ang kaniyang mga mata nang dumako ang tingin niya sa lalaking nasa likuran na ngayon ay walang tigil sa pangingisay.
"F-fudge.." bulong niya.
"Let's go!" Ani ng babaeng naka-itim. Napatayo naman kaagad si Erra na biglang nataranta nang matanaw sa malayo ang mga armadong lalaki na papalapit sa kanila. Naramdaman na lamang bigla ni Erra ang mga kamay na humatak sa kaniya papasok sa isang silid.
BINABASA MO ANG
The Healer 2
Science FictionMaraming nagbago sa buhay ni Heaven Carlos. Madaming mga katanungan ang gumugulo sa kaniya kahit ang kaniyang sarili ay pinagdududahan niya. Hindi niya alam kung ano at sino ang kaniyang pagkakatiwalaan. Madami siyang katanungan na pilit niyang hina...