HEAVEN'S POINT OF VIEW
12 Years later. . .
Labindalawang taon na.
Labindalawang taon ng naging payapa ang buhay ko--- ang buhay namin ni Mama. Minsan-minsan ay dumadalaw kami sa bahay ni Uncle Edgar. Ang siyang bahay na kinalakihan ko. Nagkasundo na ulit sina Tita Jona at mama at syempre, kami rin ni Delia. Nagkaayos na rin sila ni Señorito Moc at Don. Ika nga nila, "Move on na."
Labindalawang taon na rin nakakulong si Hygelac at Trina. Si Trina pala ay si Tita Katrina na siyang pinagkakitaan ang kakayahan ko noon. Nalulong din pala siya sa masamang gamot at matagal ng hinahanap ng pulisya.
Habang ang babae naman na nakasuot ng balot na kasuotang kulay itim ay si Myra pala. Hindi ko akalain nung mga oras na iyon na tatay pala niya si Hygelac. Kung kaya't sa una pa lamang ay binabalaan niya ako dahil maski siya ay naghihinala sa ginagawang plano noon ng tatay niya. Sinabi niya rin sa akin noon na sinubukan niyang pigilan ang tatay niya at hindi niya akalain na itutuloy pala nito ang mga masasamang plano sa amin ni mama.
Ngayon, magkaibigan na talaga kami. Humingi na rin ako ng tawad sa kaniya sa mga nagawa ko noon at ganoon din siya. Nakakatuwa nga dahil mayroon na siyang sariling negosyo.
Si Erra? Ang matapang na babaeng iyon, matapang pa rin hanggang ngayon. Magkaibigan na kami at ang laki ng pasasalamat ko sa kaniya. Lagi siyang nasa firing range at nagtetrain kasama ang kuya niya. Kaya naman pala sanay siyang humawak at gumamit ng baril ng mga panahong dinakip kami.
Si Anna naman ay bumalik na rin sa Volaue kasama si Sir Alfaro. Ang laki rin ng pasasalamat ko sa kaniya sa pagtulong sa amin. Nabalitaan ko pa ngang nagkasundo na sila ng pamilya niya.
Isang buwan din akong namalagi sa Mansyon ni Lady Adelaide. Araw-araw niya akong kwinekwentuhan at tinuturuan mag-eksperimento. Doon ako napagaling, napatanggal ang mga masasamang side effects sa akin at nilinawan niya ako sa mga bagay-bagay. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa kaniya.
At syempre, hindi ko makakalimutan ang kaibigan kong si Miko. Mayaman na ang lalaking iyon at may negosyo na sa ibang bansa. Girlfriend na nga pala niya si Delia. Hindi na rin naman ako nagtaka dahil dati palang nararamdaman ko na.
"Love."
Napatigil ako sa pagsusulat nang may pumasok sa loob ng office ko. Pumasok pala ang lalaking mahal ko. May bitbit siyang pagkain at bulaklak.
"Halika," tawag ko at pinaupo siya sa tabi ko. "J Hope naman, nag-abala ka pa." Nakangiting sabi ko.
Napasimangot siya. "Anong J Hope? Hindi mo na ba ako mahal? Ayaw mo ba ng dala kong pagkain at bulaklak? Sige, papalitan ko---" pinatigil ko siya.
"Biro lang, love." Nakangisi kong sabi. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.
Ang limang taon ko ng asawa. Kinasal kami ng Disyembre pagkatapos ng tatlong taong relasyong magkasintahan kami.
Si J o John Hope, ang lalaking naging isa sa armado ni Hygelac. Ang lalaking una kong nakilala sa Hospital.
Bakit nga pala naging armado siya? Sinadya niya palang sumali at magkunwaring kakampi. Nalaman niyang dadakipin ako kung kaya't panandalian siyang kumampi para sagipin ako. Kaya't ipinaalam niya iyon kina Uncle Edgar. Matagal na pala niya akong binabantayan. Siya ang lalaking nakamotor, ang lalaking nagligtas din sa akin sa Grocery store.
May gusto na pala sa akin noon ang loko.
"Nasaan na si baby Sky, love?" Tanong ko sa kaniya. Mayroon na kaming baby ni J, two years old na siya. Lalaki siya at kamukha ng tatay niya.
"Natutulog si baby, binabantayan ng lola niya." Nakangiti niyang sabi. "Si Tito Edgar at Tita Jona naman dumeretso na sa sementeryo. Mauna na raw sila ro'n."
Bumakas ang lungkot sa mukha ko. "Bisitahin natin mamaya ang puntod ni Lola Lenora..." sabi ko. Tumango siya at hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha ko.
Isang taon na ang nakalipas nang namatay si Lola Lenora dahil sa atake sa puso. Nakakalungkot... hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot.
"Oo naman," ngumiti ang asawa ko. "Oh sige, ipagpatuloy mo na ang trabaho mo. Babalik na ako sa labas at ako naman ang magbabantay kay baby Sky." Paalam niya bago lumabas ng opisina ko."Joshua, Maayos na ba ang pakiramdam mo?"
Hinaplos ko ang buhok ni Joshua. Nasa Hospital siya ngayon dahil inaapoy ng lagnat kung kaya't agad siyang isinugod dito ni Soña.
Si Soña na minsan na ring nagtiwala kay Hygelac at nagbigay sa kaniya ng syringe para iturok sa akin. Hindi niya alam na may masamang plano pala si Hygelac sa akin. Kung kaya't sobra ang paghingi niya sa akin ng tawad.
"Opo," nakangiting sagot ni Joshua. Tiningnan kong maigi ang mukha niya. Nagbago na rin ang hitsura niya. Naalala ko noon na sinabi kong kamukha ko siya. Siguro ay nagkataon lamang na magkahawig kami noon.
"Thank you very much, hija." Nakangiting sabi ni Soña at saka ako niyakap. "Hihingi pa rin ako ng tawad sa nagawa ko sayo noon. I'm sorry..."
"Pinatawad ko na ho kayo noon pa man," sabi ko. "Kalimutan na ho natin ang mga masasamang nangyari noon." Dagdag ko.
Ngumiti nang matamis si Soña na siya namang ginantihan ko ng ngiti.
"Aalis na ho ako. Bye, bunso! Bibisitahin ulit kita mamaya." Paalam ko bago lumabas ng room nila.
Naglalakad akong mag isa sa tahimik na pasilyo. Maya-maya pa ay nagsidating ang mga nars at doktor. Nginitian nila ako nang magkasalubong kami kung kaya't agad ko naman silang ginantihan ng ngiti.
Ang sarap sa pakiramdam. Masaya na ako sa narating ko ngayon. Sa wakas, nasa maayos na ang lahat. Mayroon na akong asawa't anak, mapagmahal na ina, uncle, mga kaibigan at iba pa. Masaya rin ako na nakakatulong ako sa mga nangangailangan. Hindi ko masasabing isang sumpa ang kakayahang ibinigay sa akin, kundi isa itong instrumento. Isang instrumento upang makatulong sa iba.
By the way, My name is Heaven and I'm The Healer.
Also, I am a Doctor now.
And this is my story.
THE END
BINABASA MO ANG
The Healer 2
Science FictionMaraming nagbago sa buhay ni Heaven Carlos. Madaming mga katanungan ang gumugulo sa kaniya kahit ang kaniyang sarili ay pinagdududahan niya. Hindi niya alam kung ano at sino ang kaniyang pagkakatiwalaan. Madami siyang katanungan na pilit niyang hina...