Chapter 29

229 9 0
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

 
"May hindi pala ako inaasahang mga bisita..." Nakangising sabi ni Hygelac habang hinihimas ang hawak baril. Kitang-kita niya ang mga armadong nakapalibot sa kanila. Kapwa may mga hawak itong mga baril na nakatutok sa kaniya.

 
"Hygelac, sumuko ka na." Sabi ni Alfaro habang dahan-dahang naglalakad papalapit sa kaniya. "Bitawan niyo na si Faith!" Tumaas ang boses nito.

 
"Sino ka para sundin ko?" Umarko ang kilay nito.

 
"Mama!" Sumigaw sa gulat si Heaven. "B-bitawan niyo si mama! Mama! M-maliligtas na tayo!" Panay ang sigaw at iyak ni Heaven. Gustong-gusto niya lumapit sa ina ngunit pinipigilan siya ni Edgar.


"H-heaven..." Unti-unti ng nagkakamalay si Faith. Kinurap-kurap niya ang kaniyang mga mata hanggang sa masilayan niya ang nakakasilaw na ilaw at ang kaibigan na si Alfaro na dahan-dahang naglalakad palapit sa kanila.

 
"Huwag mong sabihin na hindi ka pa rin nakakamove-on, Hygelac?" Nakangising tanong ni Alfaro. "Tigilan mo na sila. May anak na sila Mond at Faith at si Heaven iyon..." dagdag pa niya.

[ flashback ]

 
"I love you, Faith."

 
Nakaluhod si Hygelac habang hawak-hawak ang kamay ni Faith. Sa pagtingin niya sa babae ay para bang ito na ang pinakamagandang babae na nakita niya.

 
"Hygelac..." Gulat ang reaksyon ni Faith. "Stand up, Hygelac." Pakiusap ni Faith.

 
"I love you so much, Faith." Sabi ni Hygelac na hindi pa rin tumatayo.

 
"Faith, Hygelac?" Isang boses ng lalaki ang nakapagpalingon sa dalawa. Si Mond.

 
Lumapit si Mond kay Faith. Mabilis namang tinanggal ni Faith ang pagkakahawak sa kaniya ni Hygelac. Humawak siya sa braso ni Mond at ngumiti ng mapait.

 
"I'm sorry, Hygelac," paghingi niya ng paumanhin. "But we're getting married..." dugtong ni Faith na siyang ikinadurog ng puso ni Hygelac.
 

"What's going on?" Naguguluhang tanong ni Mond. Walang sumagot sa kaniya ngunit hindi siya nagdalawang isip pa na tulungang tumayo si Hygelac.

 
Galit na winasik ni Hygelac ang kamay ni Mond. Sumama ang timpla ng mukha niya at galit na tumingin sa dalawa. Matinding galit at lungkot ang naramdaman niya.

[ end of the flashback ]

 
Natigilan si Hygelac at nakaramdam ng galit. Sa galit ni Hygelac ay marahas niyang hinablot si Faith ngunit mayroong pumigil sa kaniya. Ang armadong kasama niya. Nagtaka siya nang makita ang ilaw na kulay pula sa suot nitong itim na jacket.

 
Mas lalo siyang nagulat nang mapansin niya ang dalawang armadong kasama na nakabulagta sa sahig.

 
"Anong---" napatigil si Hygelac. Napagtanto niyang kalaban ang kasama niyang armado. "Roger, J?!" Gulat na sambit nito.

 
Binitawan niya ang case na hawak at mabilis na hinatak si Alfaro. Tinutukan niya ito ng baril sa sentido. "Papatayin ko ang lalaking 'to! Papatayin kita, Alfaro! I will kill you!" Nanggigil na sabi ni Hygelac. Alam niyang wala na siyang kakampi pa sa mga oras na ito.

The Healer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon