Chapter 22

278 10 0
                                    

"Bitawan mo nga ako!"

Ang sigaw ni Erra ang nakapagbalik sa akin sa reyalidad. Kinurap ko ang mga mata ko at saka ko lamang napagtantong nasa isa kaming kulob na lugar, masikip at madilim. May maliit na ilaw na kulay berde ang nakakabit sa kisame. Sapat na ang liwanag na ito para makita ko ang nagwawalang si Erra habang hawak ng isang malaking lalaki ang braso niya.

N-nasaan kami?

Napatingin ako sa lalaking nasa likuran ko. Malaki rin ang pangangatawan niya at hawak niya rin ang braso ko. Nakaposas ang dalawa kong kamay sa likuran at ganoon din si Erra. Walang emosyon na ipinapakita ang lalaki at deretso lamang siyang nakatingin sa nakasaradong pintuan sa harap namin. 

"Saan niyo ba kami balak dalhin?!" Sigaw na namang muli ni Erra. Napatingin ako sa kaniya at kitang-kita ko na namumula na siya sa galit. Matalim ang tingin niya sa lalaking nakahawak sa kaniya.

Lumipat ang tingin sa akin ni Erra at nagsalubong lalo ang ang kilay niya. Galit kaya sa akin? Ako ba ang may kasalanan ng lahat? ako ba ang dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito?

"Finally, bumalik ka na rin sa katinuan. Gulat ka 'no?" Nagbago ang ekspreyon ni Erra. Nakataas ang kilay at nakangisi na siya pero bakas ang inis sa boses niya.

"E-erra---" Napahinto ako nang biglang bumukas ang pintuan at sabay tulak saakin ng lalaki dahilan para muntikan na akong bumagsak sa lupa kung hindi niya rin ako sinalo kaagad.

"B-bitawan mo ako!" Sabi ko sa lalaki ngunit hindi siya nakinig sa akin. Kinaladkad niya ako sa isang mahabang pasilyo. Kasunod namin sina Erra at napansin kong tahimik na siya.

Hindi ko alam kung nasaang lugar kami at kung saan nila kami dadalhin.  Nakatulog lang ako sa sasakyan at galing sa eskwelahan pagkatapos ay magigising akong nag-iisa at mapupunta sa lugar na ito? Isang napakasamang bangungot--- hindi, totoo nga pala ito.

P-pero papaano nga pala ulit kami nakarating ni Erra dito kung ang pagkakatanda ko ay nasa labas kami at nagtatalo?

"Bilisan ninyo!" Nagulat ako nang magsalita ang lalaki na siyang kumakaladkad kay Erra. Malaki at malalim ang boses niya. Nakakatakot.

Tumahimik nalang ako at sumunod sa lalaki  Maya-maya ay nakarating kami sa isang malaking silid. Para itong opisina sa hitsura nito. May swevilchair at salaming lamesa. Mayroon ding upuan sa gilid na kulay itim. Maging ang mga pader ay kulay itim. Ang kisame naman ay kulay itim din at mayroong chandelier sa itaas. Lahat yata ng mga kagamitang nakikita ko ay puro itim.

Nagulat ako nang itulak muli ako ng lalaki papasok. Hindi ito gaanong kalakas pero sa laki ng kamay niya ay malakas ang impact nito sa akin. Napalingon ako sa lalaki at nasa tabi na siya ng pintuan, nakatayo at maayos ang tindig. 

Nalipat ang tingin ko kay Erra na nakatingin sa akin. Nasa labas sila at may kalayuan ang pagitan namin sa isa't-isa. Hawak pa rin siya ng lalaki at bakas pa rin sa mukha niya ang inis.

Nagulat ako nang unti-unting nagsarado ang pinto. "Erra!" sigaw ko. Mabilis akong tumakbo palapit sa kanila habang nakatingin sa mga mata ni Erra ngunit huli na. Tuluyan nang nagsarado ang pinto. Malakas kong hinampas ang pinto gamit ang nakaposas kong mga kamay.

Inis akong napatingin sa lalaking nakatayo sa tabi ko. Sa galit ko ay sinigawan ko siya, "Ano? Ano bang kailangan niyo ha?!" Hindi pa rin sumagot ang lalaki. "Sumagot ka, ano ba! Bakit ba kami nakaposas? May kasalanan ba kami?!" sigaw ko muli sa kaniya pero hindi pa rin siya sumagot. Ni tapunan man lang ako ng tingin ay hindi niya ginawa.

"Lower your voice, Ms. Carlos."

Mabilis akong napatingin sa bagong dating ng lalaki. May katandaan na siya at may suot na salamin. Nakasuot siya ng itim na suit na kapit sa malaki niyang pangangatawan.

The Healer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon