Chapter 20

291 14 0
                                    

Natapos ang klase na hindi kami nagpapansinan ni Myra. Pakiramdam ko ay alam niya ang mga nangyari. Siguro ay may galit siya sa akin kaya gusto kong lumapit sa kaniya para humingi ng tawad pero hindi ko magawa. Tinatalo ako ng pride ko! Naiisip ko na bakit ako hihingi ng tawad sa kaniya kung siya iyong naglilihim at may balak sa akin?

Hindi, mali! Mali itong iniisip ko. Ako talaga ang may mali, ako talaga ang may kasalanan.

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang Canteen para maka-usap si Anna. Madami akong gustong itanong sa kaniya dahil pakiramdam ko ay matutulungan niya ako. Kailangan kong malaman 'yung nakaraan ko, kung 'sino' ba talaga ako noon. Kung bakit kailangan kong kausap si Lenora, kung papaano ko nakilala si  Anna at kung bakit nakatira ako sa Volaue. Ni-hindi ko alam na mayroon palang lugar nun.

Nang nakatapak na ako sa loob ng Canteen ay mayroong ilang mga estudyante ang kumakain. Agad ko rin namang napansin si Anna na kumakaway sa akin. Lumapit agad ako sa kaniya at umupo sa tapat niya. Nginitian niya ako kaya sinuklian ko rin siya ng ngiti.

"Hi!" bati niya. "Anong gusto mo? Libre ko," sabi niya na siya ko namang ikinagulat.

"H-hindi na, ikaw nalang. Busog pa kasi ako." Palusot ko sa kaniya kahit wala naman akong ganang kumain.

"Ganoon ba? sige, hindi rin naman ako nagugutom. Ano bang pag-uusapan natin, Heaven? Namimiss talaga kita!" Ngumuso pa siya na ikinatawa ko ng mahina. Talaga bang magkaclose kami noon?

"Ahh, pwede bang kwentuhan mo ako tungkol sa akin? Yung dati." Tanong ko.

Nagtaka siya sa tinanong ko pero agad ding napalitan ng ngiti. "Tungkol ba sa'yo? Ahm, hindi naman kita talagang masyadong kilala dahil ilang araw lang naman tayo nagkasama, eh. Hindi ba't umalis ka agad sa school natin?"

Tumango na lamang ako at hinintay pa ang susunod niyang sasabihin.

"Kaya nga nagtatampo ako sa'yo, eh. At saka iyong balak mong kausapin 'yung matandang si Lenora, naaalala mo pa ba? Pumunta tayo sa Yellow street na kung saan ay doon din ako nakatira. So, nakausap mo na ba siya? Nasagot na ba 'yung mga tanong mo?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin na ikinapagtaka ko naman.

"Bakit ko ba siya kailangang kausapin?" Tanong ko na ikinatawa niya.

"Iyan ang hindi ko alam. Ikaw lang sa sarili mo ang nakakaalam niyan. Makakalimutin ka na talaga, 'no?" Natatawa niyang sabi.

Pilit akong ngumiti at nagtanong ulit. "Anna, sabihin mo nga sa akin kung saan ba ako nakatira noon at sino 'yung kasama ko tumira sa Volaue?"

Kumunot ang noo niya sa akin at bakas ang sobrang pagtataka sa mukha niya.

"Alam mo na... sinusubukan kita kung gaano mo ba talaga ako kilala. Kung naaalala mo pa ba hanggang ngayon." Palusot ko na sinabayan ko ng matamis na pagngiti.

"Ikaw talaga!" Natawa siya at sinagot ang tinanong ko sa kaniya. "Nakatira ka sa Volaue at kasama mong tumira noon ang Tita mo. Bagong lipat kayo sa Volaue kaya bago ka ring lipat sa school natin." Nagulat ako sa sinabi niya.

"S-sinong tita ko?"

"Sino nga ba iyon?" Napatingala siya upang maalala niya ngunit para bang hindi niya naalala. "Nakalimutan ko na kung sinong tita mo, eh. Panigurado namang alam mo 'yon, 'di ba?"

Tumango na lamang ako kahit ako ay hindi ko rin alam. Tinanong ko rin siya kung papaano siya nakarating dito sa Manila. "Paanong nakarating ka dito sa Manila? Dito ka na ba nakatira?" Tanong ko.

"Lumipat ako at nakitira sa tito kong si Tito Donald. Teacher siya at ako ang magiging secretary niya ngayon. Dito na kasi siya magtuturo at magiging sub siya ng isang teacher dito."

The Healer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon