Chapter 13

338 19 2
                                    

Heaven's Point of View
 
 
Nanatili akong nakatingin sa matanda--- Señorito Moc. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa akin. Tila ba ay nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Nagulat ako nang dahan-dahang gumalaw ang Wheel chair na sinasakyan niya palapit sa amin. Hindi niya ginamit ang mga kamay niya sa pag-andar nito--- kusa itong gumalaw at umandar. Napaatras ako nang nasa harapan na namin siya. Ngayon naman ay na kay Delia ang tingin nito. Tahimik ang namayani sa aming tatlo pero tila ba nag-uusap sila Delia sa pamamagitan ng tingin. Para bang nagkaka-intindihan silang dalawa.

Umandar muli ang wheel chair ng Señorito. Lumagpas na siya sa amin at dere-deretso ang andar nito. Napatingin ako kay Delia na nagtataka. Samantalang wala man lang siyang reaksyon o emosyon na ipinakita. Kinalabit ko siya at nagsabing, "Ano ba 'to, Delia?"

Tiningnan niya lang ako at hindi sumagot. Nagsalubong ang mga kilay ko habang nakatingin sa kaniya. "Tara na," wika niya at nagsimula nang maglakad. Sinundan ko siya nang tingin at nakita ko siyang papalapit sa Señorito. Nakaharap ang Señorito sa isang malaking pintuan na para bang gawa sa matibay na metal.

Lumingon si Delia at sinenyasan akong lumapit, "Ano bang hinihintay mo diyan? Tara na!" Bakas ang inis sa boses niya kung kaya't wala akong nagawa pa kundi ang sumunod. Nang makalapit na ako sa kanila ay napansin kong may pinindot na button ang matandang lalaki sa gilid ng pintuan.

Nagulat ako nang bigla itong bumukas. Naunang pumasok ang matandang lalaki at sumunod si Delia. Sumunod naman ako at baka mainis na naman si Delia sa akin. Pagkatapak pa lamang ng dalawa kong paa sa kulay puting tiles ay biglang nagsarado nang kusa ang pintuan. Napalingon tuloy ako sa likod at tiningnan nang mabuti ang pintuang ito. Ito ang unang beses na nakakita ako ng ganitong pintuan.

"Heaven."

Mabilis kong ibinalik ang tingin sa harap at nakita kong naka-upo si Delia sa isang puting malambot na upuan at sa tapat naman niya ay ang matandang naka-wheel chair. Mayroong bilog na babasaging lamesa sa pagitan nila.

Naglakad ako papalapit kay Delia at umupo sa tabi niya. Walang nagsimulang magsalita sa aming tatlo kung kaya't nakakabingi sa sobrang tahimik.

Inilibot ko ang tingin ko sa silid na pinasukan namin. May kalakihan ang silid na 'to. Mayroong malaking bintanang salamin hindi kalayuan sa amin. Natatakpan ito ng kulay puting kurtina. Sa itaas naman ay mayroong chandilier. Kulay puti ang mga pader at nakakapagtakang para bang salamin ito na kumikintab at nakikita ang sariling repleksyon. Kapansin-pansin naman ang isang malaking salamin sa likod ng Señorito. Nakita ko ang sarili ko na katabi si Delia na seryoso lamang na nakatingin sa salamin--- sa akin.

"Ehem." Napatigil ako at napatingin sa matandang lalaki. "Maaari mong umpisahan ngayon," sabi ng matanda habang nakatingin kay Delia.

"Alam mo naman siguro kung anong pakay namin hindi ba?" Paninimula ni Delia. Hindi sumagot ang matanda at nanatili pa ring nakatingin kay Delia. "Nandito kami para malaman ang mga bagay-bagay. Mga bagay na hindi maipaliwanag at hindi maunawaan ni... Heaven."

Napatingin agad ako kay Delia nang banggitin niya ang pangalan ko. Pero deretso lamang ang tingin niya sa matanda. "Alam mong delikado ang bagay na gusto mong ibahagi ko sainyo," wika ng matanda.

"I know," sabi ni Delia at umupo nang maayos. "Huwag na nating patagalin pa. I don't want to waste my time," tumingin siya sa kuko niyang mukhang bagong linis.

"Well, sinasayang mo lang ang oras mo rito." Napatingin sa akin ang matanda. "Pero gusto ko munang kausapin si Heaven," ngumiti siya sa akin.

Umayos ako ng upo. "Alam ko hong may alam kayo sa nakaraan ni Mama," hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. "Nakita ko ho kayo..." huminto ako.

The Healer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon