Chapter 7

429 19 3
                                    

Heaven's Point of View
 
 
Araw ng Sabado ngayon at kasalukuyan akong nakahilata sa kama. Nakatitig lamang ako sa kisame at inaalala ang mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw. Simula nung naka-uwi ako dito sa bahay ay naging mahigpit si Mama at Uncle. Pakiramdam ko tuloy ay nasa panganib ang buhay ko.

Naalala ko si Miko. Hindi ko talaga matandaan na nagkakilala kami. Saan at kailan? Wala akong ideya. Bakit parang mas may alam pa siya sa mga nangyayari sa buhay ko kaysa sa akin? Bakit may mga bagay siyang alam na hindi ko naman alam? Ang gulo. Ang gulo-gulo ng mga nangyayari ngayon.

"At ako? Isang healer?" Nagsimula na akong kausapin ang sarili ko. "Paano naman ako magiging isang healer? Eh, wala naman akong alam sa mga gamot," dagdag ko at saka tumawa nang malakas. Isang malaking kalokohan!

Huminto rin ako sa pagtawa at saka bumuga ng hangin. Nakakabagot dito sa loob ng bahay. Pakiramdam ko ay pagod-pagod ako kahit wala naman akong ginagawa. Ganito na ba ako katamad?

Napatingin ako sa study table kong magulo. Oo nga pala, may research palang pinapagawa sa amin pero mas pinili ko pang lumihata at tumunganga dito sa kwarto. Nanlaki ang mga mata ko nang may kumislap sa study table ko. Wala pang isang minuto ay nakatayo na ako at dali-daling pumunta upang tingnan ang bagay na iyon.

"Syringe..." mahinang sabi ko nang makita ko ang syringe na nakapatong sa libro ko. Kinuha ko ito at pinagmasdan nang maigi. Naalala ko ang pangyayaring sinaksak ko ang babae gamit nito. Hindi ko namalayan sa sarili ko na nagawa ko iyon.

Napasandal ako sa study table at itinapat ang syringe na hawak ko sa sikat ng araw. Tinitigan kong maigi ang itim na likido sa loob. Napaisip ako... nung araw na sinaksak ko ang babae gamit nito ay nawalan siya ng malay. Ito ba ang pakinabang ng likidong ito? Ang pagkawala ng malay ng isang tao?

Ibinaba ko ang syringe at napatingin sa bintanang bukas. What if may side effects ang likidong ito? Anong mangyayari sa babae matapos nitong mawalan ng malay?

Papaano kung may dalang sakit ang likidong ito? Fudge. Paano kung ganoon nga?!

Muli ay napatingin ako sa hawak kong syringe. Kailangan kong itago ito dahil mapapakinabangan ko ito sa susunod. Pwede rin akong makakuha ng sagot gamit ito. Pero paano? Hindi ko rin alam.

Naglakad akong muli at lumapit sa kama ko. Dumapa ako at sumilip sa ilalim. Nakita ko naman agad ang isang itim na kahon na ginamit ko noon sa project namin sa Science.

Kinuha ko naman iyon at binuksan. Nabahing ako nang masinghot ko ang mga alikabok nito. Matagal ko na palang hindi inilalabas ito. Sinimulan ko na ngang tanggalin ang takip ng kahon at ipinasok sa loob ang syringe. Dito ko muna siguro 'to itatago dahil delikado na pagnakita ito ni Uncle o kaya ni Mama.

"Ven?" Narinig ko si Mama na kumakatok sa pintuan. Mabilis ko namang tinakpan ang kahon at initulak ito sa ilalim ng kama ko. Pagkatapos ay tumayo ako at agad na pinagbuksan si Mama ng pinto.

Bumungad sa harap ko si Mama na nakaayos at tila ba aalis. Sumilip siya sa loob ng kwarto ko at tumingin-tingin sa paligid bago ako nito tingnan. "Ano bang ginagawa mo dito sa loob?" tanong ni Mama.

"Wala po. Nagmumuni-muni lang," sagot ko.

"Ahh," tumango si Mama. "Magbihis ka at aalis tayo. Pupunta tayo sa Mall at may imi-meet tayo doon," sabi niya.

"Po? Sino naman, Ma?" Takang tanong ko kay Mama.

"Huwag ka nang magtanong pa at sumunod nalang."

Si Mama na mismo ang nagsarado ng pinto at umalis. Naiwan naman akong nakatayo at nagtataka. Sino kaya ang imimeet namin?

 Sino kaya ang imimeet namin?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Healer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon