Tahimik lang ako buong byahe habang iniisip 'yung nangyaring aksidente kanina. Napatingin muli ako sa dalawa kong kamay at tiningnan ito nang mabuti. Grabe iyong nangyari dahil parang nakaramdam ako ng pamamanhid habang nanginginig ang mga ito kanina.
Napalingon ako kay Delia nang marinig kong sumipol siya. "Ang lalim ng iniisip mo, ah?" sabi niya habang nagmamaneho.
"Wala 'to." Ibinaba ko ang dalawa kong kamay at napatingin sa labas. Malapit na kami sa bahay at nakaramdam ako ng kakaibang kaba. "Bakit ka ba ngumingiti kanina?" Tanong ko sa kaniya.
"Ewan," ngumisi siya. "So, anong pumapasok sa isip mo, huh?"
"Wala! Iyong nangyari lang kanina," sagot ko.
Humalakhak siya. "Don't tell me hindi mo 'ko nagets? Oh my! Hanggang ngayon slow ka pa rin?" Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Teka nga! Ano bang sinasabi mo?"
Napairap si Delia at sinulyapan ako ng tingin na agad naman niyang ibinalik ang tingin sa daan. "Huwag mong sabihin na hindi ka naghinala? Mahina ba ang utak mo?" Pang-aasar na tanong niya.
"Nang-aasar ka ba, ha?" Nanghahamon kong tanong. "Diretsuhin mo na kasi ako, Delia. Bakit ba nagpapatumpik-tumpik ka pa?" Nakangisi kong tanong.
Tumawa siya, 'yung tawang nang-aasar. "Isn't obvious? Na isa kang---" Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Delia nang makarinig ako ng isang matinis na ingay. Sobrang sakit nito sa tainga at para bang mababaliw ako sa ingay na ito!
"Aghhh!" Daing ko. Napahampas ako sa kung saan sa sobrang sakit nito sa tainga. Para nitong sinisira ang---
"HEAVEN!" Napatigil ako nang may sumampal sa pisngi ko kasabay ng paghinto ng ingay na iyon. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa nagsisiramihang mga sasakyan. Napansin kong nakahinto kami sa gilid ng kalsada.
"Ano bang nangyayari sayo?!"
Napatingin ako kay Delia at nakita kong nagsasalita siya pero hindi ko siya marinig. Anong nangyayari sa akin? Bakit wala akong marinig?!
"A-ano?" Pinilit kong magbigkas ng salita at nagawa ko nga. Gamit ang mga kamay ko ay itinuro ko ito sa magkabila kong tainga. "W-wala akong marinig! A-ano?!" sabi ko.
Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya. Maya-maya pa ay may kinuha siyang papel at ballpen na kulay pula. May isinulat siya at hindi na ako nag-abala pang tingnan ito. Nakahawak lamang ang dalawa kong kamay sa tainga ko.
Bigla akong napalingon kay Delia nang maramdaman kong kinalabit niya ako. Hinarap naman niya sa akin ang papel at binasa ko ang nakasulat na 'Can you hear me?'
Umiling ako na siya naman niyang ikinagulat. Ibinuka ko ang bibig ko at pinilit na magsalita. "H-hindi kita marinig, wala akong marinig!" sabi ko.
Napapikit ako nang madiin dahil pakiramdam ko ay nasa isa akong kulob na lugar na sobrang tahimik. Isang nakakabinging paligid. Wala akong marinig kahit ang paghinga ko. Bakit nangyayari ito?
Napadilat ako nang maramdaman kong umandar na ang sasakyang sinasakyan namin ni Delia. Saan niya ako dadalhin? Kay Mama ba?
Hindi na ako nagsalita pa at pinilit na makatulog. Nagbabakasakali akong babalik ang pandinig ko sa paggising ko. Nanatili akong nakapikit at nakasandal ang ulo sa bintana.
Peep! Peep!
Napadilat ako nang marinig ko ang sunod-sunod na busina ng sasakyan. T-tama ba itong narinig ko? Na bumalik na ang pandinig ko? Sa pagdilat ng mga mata ko ay mga hile-hilerang mga sasakyan ang una kong nakita. Traffic na naman.
BINABASA MO ANG
The Healer 2
Science FictionMaraming nagbago sa buhay ni Heaven Carlos. Madaming mga katanungan ang gumugulo sa kaniya kahit ang kaniyang sarili ay pinagdududahan niya. Hindi niya alam kung ano at sino ang kaniyang pagkakatiwalaan. Madami siyang katanungan na pilit niyang hina...